KABANATA 8 (OLD)

700 95 7
                                    

Ayaw ko mang umalis sa silid na iyon, ay wala akong magagawa.

Magkahawak kasi ang kamay namin ngayon habang naglalakad at ako ay taimtim na naka sunod lamang sa kanya.

Hindi pa nga kami nakaka rating sa hapag kainan ay naka salubong namin si ate Maria.

"Oh mga bata, buti naman at nakita ko agad kayo. Hali na kayo sa hapag kainan. Handa na ang magiging haponan ninyo." Sabi niya amin habang naka ngiti.

"Ate naman, wag mo na nga akong tawaging bata." Pagmamaktol ni Mark sa tawag ni ate Maria sa kanya.

"Bata ka pa naman talaga Mark, wag kang mag alala. Kasi kapag tumanda ka pa ng konti, di na kita tatawaging bata." Tugon ni ate Maria sa pagmamaktol niya.

"Yan rin naman ang palagi mong sinasabi sa akin eh." Pamimilit niya parin.

"Ah shh na, dahil bata ka pa kaya bata rin ang itatawag ko sayo." Pag didismisa ni ate Maria sa usapan.

Habang nag lalakad kaming tatlo pantungong dinning room ay lihim lang akong napa ngiti sa reaksyon ngayon ni Mark, may ganitong nakakatawang personalidad rin pala siya.

Naka nguso kasi siya habang naglalakad. Isang gwapong bata na naka nguso dahil tinawag na bata.

Napaka cute niyang tignan kong napipikon.

Pero kahit na napikon siya kay ate Maria ay hindi ko naramdaman na masama siyang bata.

Pagrating namin sa hapag kainan ay nakita ko ang nanay ko na naka upo kasama sila auntie Celine at ang husband niya. Pati sila aling Baby, Luz, at Fe ay naka upo rin sa mga upuang naka palibot sa lamesa.

Sino ang mag aasikaso sa hapag kainan?

Dumiritso si Mark sa upuan na katabi ng papa niya at walang kahirap hirap na umupo.

Sinubukan ko namang umupo sa upuan sa tabi ng Nanay ko, pero sadyang mataas ito ng konti para sa akin kaya nahihirapan ako.

Agad naman itong napansin ni ate Maria kasi nasa likoran ko lang siya, kaya tinulungan niya akong umupo sa upuan.

Pagka upo ko ay halos dibdib ko lang ang naka lampas sa lamesa.

Mahihirapan yata akong kumain ngayon.

Inilibot ko ang aking mga mata sa mga taong naka paligid sa lamesa. Nakita ko na ang husband ni auntie Celine ay naka upo sa pinaka dulo na bahagi ng lamesa, si auntie Celine naman ang naka upo sa kanang upuan na katabi niya at si Mark naman ang sa kaliwa.

Sinundan ni aling Fe si auntie Celine at kasunod naman ni aling Fe ay si aling Baby. Habang sinundan naman ni Nanay si Mark tapos ako ang kasunod ni Nanay. Bakante lang ang katabi kong upuan kasi si ate Maria daw ang naka toka sa gawaing pang lamesa sa araw na ito.

Sabi ni Nanay nung tinanong ko siya ay pagka tapos daw namin kumain lahat ay saka lang daw siya kakain.

By schedule daw kasi ang gawain na ito. Gusto kasi nila auntie Celine na marami ang kumakain sa lamesa kapag kainan na.

The more the merrier kung baga.

Naka ramamdam lang ako ng haplos sa aking likod at pina tayo na muna ako ni ate Maria tsaka may ni lagay siya na maliit na bangko sa ibabaw ng upuan ko.

Pagkatapos ay tinulungan ulit ako ni ate Maria na umupo sa upuan pero ang kaibahan lang ay naka upo na ako sa maliit na bangko na pinatong niya sa upuan.

Ngayon ay hindi na ako mahihirapan sa pag kain.

"Maraming salamat po ate Maria." Naka ngiti kong pasasalamat sa kanya.

"Walang ano man baby Allen." Tugon niya sa akin.

At kinurot niya ang pisngi ko ng may gigil.

"Ang kyut kyut mo talaga, alam mo ba iyan?" May halong gigil niyang sabi sa akin.

"Aray ko po huhu." Naka nguso kong sabi habang hinihimas ang pisngi ko na kinurot niya.

Narinig ko nalang silang lahat except sa tatay ni Mark, na tumawa sa naging reaksyon ko sa pag kurot ni ate Maria sa akin.

Nang mamatay na ang tawa at handa na ang lahat upang kumain ay nag salita si auntie Celine.

"Magpasalamat na muna tayo sa panginoon para sa pagkain na nasa harap natin ngayon." Magiliw na sabi ni auntie Celine.

Tinignan niya ang lahat, at dumapo ang tingin niya sa akin.

"Ikaw na baby Allen ang mag dasal." Sabi sa akin ni auntie Celine.

Nataranta ako saglit kasi di ko ina asahan na ako pala ang mag dadasal.

Katoliko rin ba sila katulad namin ni Nanay?

Sa maikling sandali na iyon ay napaka raming tumakbo sa isip ko na siyang nagpa nerbyos sa akin dahilan upang hindi ko magawa ang magsalita.

Pero nawala rin iyon kasi nakita ko si Mark na naka ngiti sa akin.

Huminga ako ng malalamin at pumikit. Inangat ko ang aking dalawang kamay sa harap ng aking mukha at pinag dikit ang mga iyon.

"Tayo po ay manalangin. Sa ngalan ng Ama, Anak, at sa Espirito Santo, Amen. Lord maraming salamat po sa mga pagkain na nandidito sa harapan namin. Maraming salamat rin po sa mga tao na nag handa ng mga ito. Sana po ay mas makadagdag ito ng lakas sa amin upang mas mabuhay kami ng naaayon sa mga salita mo. Yan po ang aking hinihiling sa inyo Lord kasi wala po kaming magagawa kong wala ka. Sa ngalan ng Ama, Anak, at Espirito Santo, Amen." Taimtim kong panalangin sa pagkain na nasa harap namin.

"Kainan na." Maligayang sabi ni auntie Celine.

At yun ang naging hudyat ng lahat upang mag simula nang kumain.

--

This chapter is dedicated to erolko11, thanks for helping author. ♥️

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Where stories live. Discover now