"Dami mong dinakdak, di ka nalang umamin na miss mo talaga si kuya." Sabi niya ng may nakakalokong ngisi.



"Whatever. Kamusta kana?" Tanong ko.



"Ayos lang, ikaw kamusta kana? Mukhang happy ka kanina ah?" Sabi niya.



"Ayos lang din, hindi ah!." Sabi ko at saka siya inirapan.



"Sa tingin mo maniniwala ako?"Mataray na tanong niya.



"Bahala ka, wag mo na pansinin yon. Bakit nga pala naisipan mong mag mall?" Pag-iiba ko ng usapan.



"Kasi naman aalis na kami, lilipat na kami sa bahay nila lola. Parang padespidida ko na 'to." Sabi niya na ikinagulat ko.



"Aalis kayo dito? Bakit? Iiwan mo na ba ako?" Madramang sabi ko.



"Gaga ka talaga kahit kailan! Tatawagan naman kita kapag may time." Sabi niya ng natatawa.



"Aba dapat lang ano! Saka kung padespedida mo ito bakit sa 'kin pa rin ang gastos?" Tanong ko.



"Syempre, no budget. Hindi ako binigyan ni kuya." Sagot naman niya.



"Napaka-kuripot talaga niyang si Denver ano?" Inis na tanong ko.



"Kuripot pero mahal mo!" Panunukso niya.



Aba nga naman! Makakatikim talaga 'tong babaita na 'to sa 'kin.



"RID-RID! TUMIGIL KA NGA! BAKA GUSTO MO MUNANG DUMALAW SA OSPITAL BAGO KAYO UMALIS!" Inis na sigaw ko.



Tumawa lang naman ang loka. Sabunutan ko na kaya ngayon 'to?



"Easy ka lang, don't worry mahal ka rin nun." Panunudyo niya habang tumatawa.



Tsk. Kainis! Sira na naman ang araw ko dahil sa babaitang ito.



Pagdating sa mall ay agad kaming nagpunta sa isang kainan, hindi pa kasi ako kumakain and sakto naman hindi pa din siya kumakain.



Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad na kami at namili ng kung ano-ano habang daldal ng daldal itong kasama ko.



"Alam mo ba may virtual boyfriend ako." Sabi niya.



"Pake ko naman kung may virtual boyfriend ka?" Masungit na sabi ko.


"Ay ang bitter natin teh ah? Sige, hayaan mo at sasahin ko kay kuya na sagutin ka na." Natatawang sabi niya.



"Wow ah? Bahala ka buhay mo pag ikaw nasaktan wag kang lalapit lapit sa 'kin." Sabi ko sa kanya.



"Edi kay kuya ako lalapit." Sabi naman niya.



"Ah ganon? Sige fo na tayo." Sabi ko at iniwan siya.



Agad naman niya akong hinabol habang sinisigaw ang pangalan ko. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao.



"Hoy Kyn-kyn! Napakadrama mo ha!" Sabi niya ng maabutan niya ako.



Inirapan ko nalang siya at nagpunta kami sa may bilihan ng mga damit. Napakadami niyang sinusukat pero di naman niya binili nakakahiya tuloy sa mga saleslady na nag assist sa kanya.



"Rid-rid mahiya ka nga! Sukat ka ng sukat di mo naman binibili!" Suway ko sa kanya.



"Sinong may sabi na hindi ko bibilhin mga 'to? E ikaw magbabayad ng mga 'to no!" Sabi niya.



Aba nga naman oh! Ano 'to ako ang aalis?



"Ako ba ang aalis ha?! Para ibili ka ng mga damit?" Inis na tanong ko.




"Hindi pero last ko na kasi 'to na maranas na ilibre mo." Sabi naman niya.




"Aish! Sige na ako na magbabayad." Nakasimangot na sabi ko.



Ang loka ayon tuwang tuwa! Yung kaninang kinuha dinaddagan pa! Nilubos lubos talaga niya ang last day niya. Mautak talaga itong babaita na 'to.



Nang matapos magbayad ay pumunta muna kami sa may star bucks para bumili at magpahinga narin. Masakit na kasi ang paa ko sa kakalakad.



"Kailan alis niyo?" Tanong ko kay Yngrid habang hinihintay yung order namin.



"This week na rin." Sabi naman niya.



"Agad-agad?" Gulat na tanong ko.



"Oo eh, saka pagdating dun ihahatid na din namin si papa sa airport." Sabi niya.



"Tuloy na tuloy na talaga si papsi." Sabi ko.



"Oo, excited pa nga yun sa eroplano na sasakyan niya e." Natatawang sabi niya.



Natawa nalang din ako at sakto namang dating ng order namin. Nagkwentuhan lang kami doon at naisipan na pagkatapos ay umuwi na rin dahil ginabi na kami. Binili ko muna si kuya ng pasalubong bago kami umuwi.



"Ingat kayo dun. Tatawag ka ah? Mamimiss kita pati sila papsi." Nakapout na sabi ko kay Yngrid.



"Tatawagan kita promise. Mamimiss ko bonding natin." Malungkot na sabi niya.



"Sige na alis kana, pasabi nalang kay papsi na ingat siya sa Macau saka mamimiss ko siya kamo." Sabi ko sa kanya.



"Makakarating. Ingat ka palagi." Sabi naman niya.



Tumango lang ako at pinagmasdan na silang umalis.



May mga tao talaga na kailangang mapahiwalay sa 'tin para maparealise sa 'tin na hindi sa lahat ng oras ay nandiyan sila.



-🤗

The Spark On Your Spike (Gambol Series #2)Where stories live. Discover now