"Let go!"madiing banta ko sa kanya.. "Let go of me!!!"pag-uulit ko..

Hinatak niya muna ng madiin ang buhok ko bago ako pabalibag na binitawan.. Malaki ang katawan niya kaya malakas niya akong natulak kaya napasalampak ako sa sahig ng bitawan niya ako..

Hayop!

Nakapameywang pa siyang baliw na nakangisi sa harap ko. Tuwang-tuwa talaga siyang nakikitang nasasaktan ako. Para bang nakokontento siya sa buhay niya kapag nakikita na akong nahihirapan..

Dati-rati nagtataka pa ako kung bakit niya ako sobrang pinapahirapan at sinasaktan na umabot na sa puntong gusto na niya akong patayin pero palage naman siyang nabibigo dahil nanatili pa rin akong buhay.

Alergic talaga siguro ang kamatayan sa akin dahil kung talagang oras ko na., sana dati pa..

"What's happening here!!!"

Naputol ang pag-iisip ko ng umailanlang ang malaking boses ni Dad.

Pansin ko ang pamumutla ng mukha ng impakta kong madrasta ng marinig niya ang boses ng aking ama..

"It's her!!" Kapagkuwang turo niya sa akin at mabilis na nagbago ang hitsura niya..

Matalim naman akong binalingan ng ama ko ngunit bahagyang nag-iba din ang hitsura niya ng mapatingin siya sa labi ko.. Nakita niya siguro ang dugo doon dahil sa malakas na pagkakasanpal sa akin ng asawa niya.

"What happened?"madiing tanong niya sa akin..

Napailing lang akong nag-iwas ng tingin sa kanya..

Pinigilan kong mapairap kahit gustong-gusto ko dahil ama ko pa rin naman siya kahit pakiramdam ko ay sa papel nalang kami nanatiling may kaugnayan.

He didn't treat me as her daughter anyway kaya mas mabuting hindi na ako umasang magturingan kami bilang mag-ama.

It's better to be in pain than having lingering feelings.. —even I dreamt of having him as my father but— noon lang yun! Maybe hindi na ngayon..

Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang siya nagka-interes na tanungin ako.. Nakakapanibago..

Hindi ko na siya sinagot at dahan-dahang tumayo na lang..

Magpapatuloy na sana akong umalis ngunit tinawag niya ulit ang pangalan ko..

"FIRST!!!"buong pagsambit niya.. Hindi ko alam kung anong nararamdaman na naman niya ngayon pero isa lang ang nasa isip ko..—Alam kong galit na naman siya sa akin! Hindi na ako nagtataka doon..

Napabuntong hininga ako habang nakatalikod pa rin sa kanya..

"It's your fault dad! Alam mo nang kahit kailan hindi kami magkakasundo niyang impaktang asawa mo pero pinipilit mo pa rin akong patirahin sa pamamahay na ito?!! Bakit?.. ———-Bakit nagbago ang desisyon mo? Hindi ba't ayaw mo akong patirahin dito noon? Ginusto mong mapalayo ako sa inyo?., sa iba —why ? What happen.. —to your decision now??!!"

He keep on isolating me from others.. Ginusto niyang ilayo ako sa iba., pati nga pagtira ko sa mga kamag-anak namin ay binawal niya.. isama na din ang pagpapaalis niya sa akin sa pamamahay ng mga kaibigan ko.. He wanted me to be alone.. Bakit niya pa ba ako gustong pabalikin sa poder niya?

"First!! She's still your mother! Respect her!!" mabigat niyang sambit..

Sarkastiko akong napabaling sa kanya.. Sa hinaba-haba ng sumbat at tanong ko sa kanya.. Sa walang kwentang salita pa talaga ang napansin niya..

"Mother??"natatawang tanong ko.. "She's not my mother dad!"madiing baling ko sa impakta.. "isa lang ang ina ko at patay na siya!" sigaw ko. Wala siyang karapatang ipagdiinang maging ina ang impaktang babaeng ito kahit ama ko pa siya.. Ni wala nga siyang alam sa kahayupang pinaggagawa ng asawa niya sa akin.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora