Bumukas ang elevator. Tumakbo ulit ako. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo narinig ko ulit ang mabibigat na yabag ng mga humahabol sa akin. Binilisan ko ang pagtakbo at lumiko kung saan saan hanggang sa wala na akong malikuan pa.

Bumalot ang takot sa puso ko ng makitang dead end na ang napuntahan ko. Hindi ko alam kung babalik ba ako ng liko o susuko na lang.

Lalo akong nawalan ng pag-asa nang marinig ang papalapit na mga yabag.

"Nandito 'yun!" I heard them.

Pagod na inabangan ko ang pagdating nila. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. If they're here to abduct me to kill me or violate me, bahala na.

Siguro ito talaga ang kapalaran ko.

Pero bago pa dumating ang mga lalaki, may biglang humablot na sa akin mula sa likod.

My scream was muffled when someone covered my mouth from behind. He forcefully lifts my body up and sprints somewhere I don't know. Nalalabo ang mata ko sa luha dala ng takot kaya hindi ko nakita kung sino at saan ako dinala ng nasa likuran ko.

Kalabog ng pagsara ng pinto ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

━━━━━━━━━━━━━━━

Nagising ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Binalot ako ng takot ng maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay. I passed out! Siguro dahil sa takot at pagod dahil malayo ang tinakbo ko tapos hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Para akong nasa hotel room, very simple and all white.

Nakuha ba ako nung mga humahabol sa akin? Pero hindi ko sila nakita. Basta may humila na lang sa akin bago ako mawalan ng malay.

Napaigtad ako ng bumukas ang pinto sa gilid ko. Nagulat ako ng makilala ang pumasok.

"S-Sir Jacob?"

Hindi siya nagsalita. Mataman siyang nakatitig sa akin na para bang binabasa niya ang nasa isip ko.

Lumapit siya at ilapag sa side table ang hawak na tray na may laman na pagkain.

"Eat. I don't want you to pass out again because of an empty stomach." Malamig na sabi niya bago ako tinalikuran.

"Wait!" Umahon ako. "Why am I here? Why am I with you? What happened?" Sunod sunod na tanong ko.

Hindi niya ako nilingon, but he answered me.

"I got you before those men did and you're in my hotel suite right now. Eat up so you can go. I won't save you twice so be careful." His voice was so cold.

Lumabas din siya kaagad. Hindi na ako nakapagreact at natulala na lang sa pintong nilabasan niya. Dumako ang tingin ko sa pagkain na nilapag niya sa side table. It looks delicious, pero kahit anong gawin ko hindi ako nakakaramdam ng gutom. I just want to get out of here.

Ayoko din magkaroon ng karagdagan na utang ng loob kay Sir Jacob. He saved me twice now. Tapos pinapakain niya pa ako. Masyado na akong nagiging pabigat, and I don't like it.

So I grab my bag and prepare myself to leave. Kahut na nanghihina pa ako tumayo na ako. I still have enough strength to run and find a place to stay.

"Where are you going?"

Tumigil ako nang marinig ang boses ni Sir Jacob paglagpas ko ng living room. I thought he would let me walk out in peace, but...

Nilingon ko siya at tipid na nginitian.

"Thank you for saving me and letting me stay here for a while. I'll be leaving now." I smiled genuinely.

I'm genuinely thankful to him this time 'cause I was in real danger tonight. Oo, delikado din naman noong una niya akong niligtas pero mas delikado ngayong gabi dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nahuli ako ng mga lalaking 'yon.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon