KABANATA 7.1 (OLD)

Start from the beginning
                                    

At may pwersang hinila ako patungo sa katawan niya.

Napa subsub ako sa dibdib niya, dahil napalakas ng konti ang paghila niya sa akin.

Nanginginig akong nakapikit habang mahigpit na nakayakap sa libro na nasa dibdib ko.

Natatakot akong dumilat kasi alam ko na lalandas ang mga luha sa pisngi ko kapag ginawa ko iyon.

"El, okay ka lang ba?" Maalahaning tanong sa akin ni Mark.

Hindi ako maka sagot, dala ng after shock na nararamdaman ko sa nangyari.

"You're fine El, nahawakan kita." Sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang dalawa kong braso.

"Open you eyes na El." Pagkukumbinsi niya sa akin.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko, nakita ko ang mga mata niyang taimtim na pinagmamasadan ako.

Lumabo ang paningin ko dahil kusang lumabas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"You're safe El, you're safe." Pagpapatahan niya sa akin.

Humaguhol lang ako ng ako sa dibdib niya. Nilabas ko lahat ng takot at kabang naramdaman ko dahil sa nangyari kanina.

"Tahan na El. Baka kumulot na mukha dahil sa kakaiyak mo, sige ka." Pagbibiro niya sa akin.

Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.

Gamit ang kanyang dalawang hinlalaki, pinunasan niya ang luha na dumadaloy sa pisngi ko at kinurot ito.

"Auggh, ang kyut kyut mo parin kahit na umiiyak ka." Nang gigigil niyang sabi sa akin habang kinukurot ang nga pisngi ko.

"Ang sakit naman." Naluluha kong sabi sa kanya.

"Sorry, di ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Hehe" Nahihiya niyang sabi sa akin sabay kamot sa ulo niya.

Natawa ako dahil sa nakakatuwa siyang tignan kapag nahihiya siya.

Sino naman ang mag aakalain na ang isang gwapong lalaking kagaya niya ay mahihiya lang sa simpleng pag kurot ng pisngi?

"Oh ayan, ngumingiti kana." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Pinunasan ko ang basang pisngi ko gamit ang isa kong kamay at ngumiti sa kanya.

"Salamat Mark ha, sa pagsagip mo sa akin kanina." Buong pasasalanat kong sabi kanya.

Natakot talaga ako na baka iyon na ang katapusan ko sa mundong ito.

Hindi pa ako pwedeng mawala, marami pa akong librong dapat babasahin.

"Walang anuman, sa susunod mag iingat kana ha? Paano nalang kung wala ako? Sino ang sasagip sa iyo?" Nag-aalala niyang sabi sa akin habang pinupulot ang libro na naka tapilok sa akin kanina at ibinalik ito sa tamang lalagyan nito.

Nahulog kasi ito at hindi namin alam kung ano ang naging dahilan.

"Oo, mag iingat na ako sa susunod." Sensero kong tugon sa kanya habang pinagmamasdan siyang isauli ang salarin ng muntikan kong pagkahulog sa hagdanan.

"Halika na sa ibaba, nang maka pagsimula na tayong magbasa." Paanyaya niya sa akin, habang naka tayo siya sa hagdanan.

"Hawakan mo ang kamay ko, baka mapano kapa." Sabi niya at kanyang ini lahad ang isa niyang kamay niya sa akin.

Tinanggap ko ito gamit ang kaliwa kong kamay habang ini dikit ko naman ang libro sa dibdib ko gamit ang isa.

Hawak kamay kaming bumaba sa hagdanan.

THE ANTAGONIST [COMPLETED]Where stories live. Discover now