"Talaga?!" Nanlaki ang mga mata niya. "Si Oliver, may gusto sayo?!"

"Oo...? Kasasabi ko lang, hindi ba?" Nag-aalangan na tinignan ko siya.

"Omg! That's great! Magkaka-boyfriend ka na din sa wakas!" Nagningning ang mata niya.

Sinasabi ko na nga ba at ganito ang magiging reaksyon niya kaya ayoko sanang sabihin sa kaniya ang bagay na iyon.

"Wala akong panahon sa ganyang bagay, Dev." Matamang sinabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

Walang tatanggap sa maduming kagaya ko kailan man, Dev. Baka pati ikaw lumayo din sa akin kapag nalaman mo ang katotohanan.

Nadismaya siya. "Why don't you give him a chance?"

Chance... We will just hurt each other if I give him his chance. Hindi ko nga tanggap ang sarili ko, siya pa kaya?

Tipid akong ngumiti. "I don't want him to hope for nothing, Dev. Okay na walang kahit anong meron sa amin-"

Napahinto ako dahil saktong pumasok si Oliver sa classroom. Sabay kaming natigilan at natahimik ni Dev. Lalo na dahil sa hawak niya.

"That's what you want but it seems like Oliver is serious about you." Bulong ni Dev habang nakatingin sa bulaklak na hawak ni Oliver.

"Good luck, Elizabeth." She smirked.

Bumalik si Dev sa upuan niya. Tuluyang nakalapit sa akin si Oliver at nilahad ang dala niyang pumpon ng bulaklak. Tiningala ko siya at nag-aanlinlangan na inabot ang binibigay niyang bulaklak.

"With hope or not, I will still court you." Seryosong sabi niya.

Tumahimik ang maingay na classroom at nabaling sa amin ang lahat ng atensyon nila. Napayuko ako sa sobrang hiya nang magsimula ang lahat na tudyuin kami.


"Oh my gosh! Is he courting Elizabeth?"

"I knew it! Ever since the first year, I got the feeling that Oliver likes Elizabeth because of the way he looks at her."

"I wonder if Elizabeth likes him too..."

"We can't tell. Men flock on her feet but she always turned them down. Hindi na ako magtataka kung ganon din ang mangyayari kay Oliver dahil walang kahit sinong lalaki tinanggap si Elizabeth sa dami ng nanliligaw sa kaniya..."


Napabuntong hininga ako sa narinig. Hindi ko alam na binibigyan pala nila ng atensyon ang mga nanliligaw sa akin dahil hindi naman ako malapit sa kanila. Hindi na ako magtataka kung iisipin nila na paasa ako at mahilig magpahabol sa lalaki dahil ganon naman talaga ang madalas na bintang sa akin simula high school.

Umupo sa tabi ko si Oliver pero hindi ko siya nilingon kahit alam kong nasa akin ang tingin niya. Tinitigan ko na lang ang pumpon ng pulang rosas na hawak ko. Hindi ako mapakali at gusto ko ng umuwi. Sana matapos agad ang klase

"Good morning." Napatunghay ako at nakita ang pagpasok ni Sir Jacob sa classroom.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng sa akin mapunta ang malamig niyang tingin. Tumiim bagang siya.

Nakahinga ako ng maluwag nang magsimula siyang magklase ng hindi binabanggit ang nangyari isang linggo na ang nakakaraan. Nga lang, napunta sa akin ang buong atensyon niya kaya nagtataka ang mga kaklase namin dahil ako ang madalas tawagin sa recitation. Nagsisimula na rin akong mairita sa tingin niya sa akin.

"Is he one of your clients?" Gulat akong bumaling kay Oliver nang magsalita siya. Madilim ang tingin niya kay Sir Jacob.

Kinakabahan din ako ng sobra dahil baka may makarinig sa kaniya lalo na't may nakaupo sa likuran namin.

Naked Series #1: Undress My Soul (COMPLETE)Where stories live. Discover now