On Loop: Lovestruck

16 3 0
                                        

Freshman Year

Rosetta loves the feeling of the sun hitting in her face. It made her feel free and liberated sa tuwing nakakalabas siya mula sa apat na sulok ng kanilang tahanan.

Napapangiti siya sa kanyang sarili sa tuwing ang kanyang mga paa ay nakatapak sa lupaing hindi siya pamilyar, kahit na papasok lang siya sa paaralan ay masaya si Rose. Hindi tulad ng ibang estudyante na halos kaladkarin na ang sarili papunta sa paaralan, ay ibahin niyo si Rose sa karamihan. Kahit saan siya pumunta basta hindi lang siya nakakulong sa bahay nila ay gusto niya ‘yon.

Not that she has any problems at their home, she’s just used to adventures. And her dad made her the wanderer that she is today. So it was really in her system ever since she was young.

So it was really a no brainer that Rose would really take their history project very seriously. Lalo na’t their project focuses on historic places in the Philippines. Pagkarinig pa lang ni Rose sa magiging topic nila para sa whole-year project nila ay di na maalis ang ngiti at kislap sa kanyang mga mukha habang tahimik itong nag-iisip ng mga lugar na pwede niyang puntahan.

Ang malaking pagkakamali ni Rose ay hindi na niya pinakinggan ang ibang sinabi ng kanyang teacher. Gulat na gulat na lang si Rose ng marinig niya ang kanyang apelyido na tinatawag at may isang lalaki na naka-tingin sa kanya.

Napakunot ang kanyang noo sa nangyayari, dahil pati ang kanyang katabi ay wala na, nasa ibang sulok na pala ito ng classroom. Tinawag siya ulit ng kanyang guro at napatayo nalang si Rose ng wala sa sarili at sinundan ng tingin ang tinuturo ng kanyang guro.

Napa-awang ang kanyang labi ng mag-tama ang mata nila ng lalaking kanina pa nakatingin sa kanya. Oh.

Kaya pala naka-tingin sa kanya si Elliot, she guessed she’s partnered with him. At sa ilang linggo pa lang nila sa high school, ay hindi pa niya ito nakaka-usap kaya hindi niya alam ang sasabihin sa kaklase niya.

Pero ang alam niya ay sikat ito sa mga higher year dahil kapatid nito ang isang senior na mukhang sikat rin sa mga estudyante sa kanilang highschool. She’s nervous to talk to him, paano kung masungit ito o walang interes na seryosohin ang project.

Pero ang dami na niyang naisip kanina bago pa siya nawalan ng pokus sa pakikinig sa teacher nila, kaya she’d be really disappointed kung hindi pumayag si Elliot sa mga naisip niyang mga idea,

Walang bakanteng upuan sa tabi ni Rose, kaya tumayo siya at binitbit ang bag niya papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Elliot. He was just seriously staring at her!

Napapikit na lang si Rose at humugot ng malalim na hininga nang umupo siya sa bakanteng upuan. Napakagat siya ng labi ng itinuon niya ang atensyon sa tahimik na lalaking nakamasid sa kanya na nagngangalang Elliot.

“You seem to be spaced out, okay ka lang Rosetta?” Oh dear, she hates to be called Rosetta. She goes with Rose dahil masyadong old fashioned pakinggan ang pangalan niya, and she blames her father’s love for egyptian archeology the year she was born.

“Please, call me Rose.” she stumbled on her words as she shyly looked at Elliot. She didn’t know what to expect sa reaction ni Elliot, usually people would ask why or would just agree with no questions asked.

But she was really astounded when Elliot smiled and said, “Rosie really suits you.”

Damn, hindi niya alam kung saan nanggaling ang pag-iinit ng kanyang pisngi sa pag-bigkas nito ng kanyang pangalan. Hindi naman siya ang kauna-unahang taong nagbigkas ng kanyang pangalan o dahil ito sa ngiti niyang hindi niya maipaliwanag sa sarili.

Elliot’s undeniably cute and charming, he’s really no doubt the first year cuttie sa batch nila. She heard it from her girl friends na rin that Elliot’s a popular choice, at ngayon hindi na nga siya nagtaka kung bakit.

On Loop - A Collective Alternate UniverseWhere stories live. Discover now