"Para san ba yung alak?"

Agad ko naman itong hinampas sa braso. "Wag ka ngang pilosopo, Nakakabwisit ka."


"Okay, fine."

Ang hirap makipagusap sa kaniya, napakatipid lagi ng sagot. Kaylangan may maisip kang topic na paguusapan niyo dahil kung wala, hindi talaga siya magsasalita.


"Pano mo nga pala nalaman? na teacher sa school natin yung manyak na lalaki kanina." Tanong ko.


"Uhm, habang nag eenroll ako sa office nakita ko yung resume niya."aniya.

Dahan dahan akong lumunok bago ulit magsalita.

"Makukulong ba siya?"

"Every action has a consequence, kaya dapat siyang makulong." Sambit niya, at muling bumalik ang seryosong tono ng boses nito.


"Kasalanan ko rin naman, dapat pala nagpants na lang ako." Yukong sambit ko.

"Wag mong sisisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan, kahit anong isuot mo wala silang karapatan na galawin ka at hindi iyon sapat na dahilan para bastusin ka nila."

"But atleast learned to protect yourself, magdala ka ng pepper spray just incase."



Natulala naman ako dahil finally ang dami na ring words na lumabas sa bibig niya. "T-thank you."


"Thank you for what?" Tanong nito.

"For saving me." Ngiting sambit ko.


"I don't accept thankyou, cash will do."


"Wow? Business minded?"

"Like I told you, lahat ng bagay may kapalit." Ngising sambit nito.




GABB's POV

"Lagi ka bang umiinom?" Biglang tanong naman nito, apakadaldal.







"Ewan." Maikling sagot ko.






Agad kong pinuputol ang usapan dahil baka mapahaba pa. Kaso hindi nauubusan ng topic tong babaeng to. Gusto ko lang naman uminom ng matiwasay.





"May problema ka ba?"





"Bakit?"


"dalawang rason lang kung bat umiinom ang isang tao. Umiinom sila dahil masaya sila at malungkot sila." Aniya.


"Hindi ba pwedeng nauuhaw lang?" Pilosopong tanong ko.


"Ano ba! Wag ka ngang pilosopo!" Biglang sigaw nito at umirap sakin.

Galit ba siya?







"Sa nakikita ko wala ka naman ibang kausap, at hindi ka rin mukhang nag eenjoy. So Mayproblema ka nga."
Sabi nito habang pilit na iniinom yung tequilla na walang chaser.

"Lahat naman ng tao may problema, don't act like its not normal." Sagot ko.







"Oonga, normal na may problema ka pero hindi normal na hinaharap mo yon mag isa."








Huh? All this time Ive been fighting my own problems all by myself. Tas ngayon mo sasabihin na hindi normal yon?




"Alam mo kakakilala ko pa lang sayo pero parang bat antagal na kitang kilala?" Ani nito habang pinanliliitan ako ng mata.







"Re-write."  (sequel)Where stories live. Discover now