ー 76

1.6K 42 9
                                    

CLIO'S POV

"Ayaw niyo talaga sumama?" pag-uulit ko ng tanong  sa mga kaibigan ko.


"May gagawin kami. Umalis na nga kayo baka nag-aantay na roon sila," pagtataboy sa 'min ni Skye at Daphne.


"If gusto niyo humabol, call me," paalam ni Chanel sa kanilang dalawa. Kumaway muna ako sa dalawa bago pumasok sa sasakyan ni Chanel.


"SM aura na?" tanong ko.


"Yes. They ordered food na raw," sabi niya.


"Kakain tayo agad?"


"They are hungry na raw, e,"


"Kasama si Ate Sloane?" tanong ko ulit.


"Yep, Ezra's friends also. The ten of them," sagot niya.


Alam niyo ba ini-stalk ko lahat ng mga kaibigan ni Ezra? Ang masasabi ko lang ay ang gwapo. Sobrang gwapo. Wala nang makakatalo. Kumusta naman kaya mamaya kapag nakita ko na sila na magkakasama?


Tuwang tuwa siguro mga babae na madadaanan namin mamaya. Naka-witness sila ng sampung diyos na naglalakad sa mall.


Hindi ko inakala na sobrang kulit ng mga kaibigan ni Ezra. Akala ko sila 'yung type na magkakaibigan na super chill and classy ang mga ugali, pero naalala ko na kasama nga pala nila si Jupiter na walang hiya. Choir!


"We're here na,"


Hindi ko namalayan na nasa SM Aura na pala kami dahil busy ako na basahin ang mga chats sa group chat na ginawa nila Jupiter. Hanggang ngayon, napakaiingay pa rin nila kahit alam kong magkakasama sila ngayon.


Tinext ko rin si Ezra pero wala pa ring reply. Pakiramdam ko ay baka nag-aaral na naman siya.


"Where are you?" rinig kong tanong ni Chanel mula sa phone niya. Kausap niya ngayon si Brent pero ayaw siyang sagutin ng maayos kaya nakapasok na kami sa loob ng mall, hindi pa rin namin alam kung nasaan sila.


"Brent, malapit na kitang sapakin," mahinahon na sabi ni Chanel. Natawa ako sa inakto niya dahil kalmado siya pero alam kong pinapatay na niya si Brent sa isip niya.


"You talk to him nga," Inabot sa 'kin ni Chanel yung phone niya para makipag-usap kay Brent.


[Hello, sister-in-law!...si clio 'yan?...kasama siya ni chanel?]  rinig ko ang mga boses ng mga kaibigan. Halatang ang ingay nila sa restaurant na kinakainan nila.

Take It SlowDär berättelser lever. Upptäck nu