"Sandali lang po"

Binuksan ko ang kotse at kinuha ang wallet sa loob ng bag. Kinuha ko ang lahat na pera na nandoon, siguro ay nagkakahalaga rin ng 10 thousand

"Heto po, sana makatulong po sa inyo, sorry po talaga hindi na po ako makakatagal dahil naiwan po kase yung anak ko sa school at ilang oras na po s'yang naghihintay sa akin"

Inilagay ko ang mga pera sa palad n'ya, halos maduling siya sa halaga ng perang hawak n'ya

Hindi maka paniwalang tinignan n'ya ako, bukas ang bibig at naglalakihan ang mga mata na tila hindi makapaniwala

"Naku! Napaka laking halaga neto! Tu-payb ay pwede na sa'min!"

Natawa ako sa reaksyon ng Mamang iito "Hindi na po sainyo na po iyan para tulong po sa pang araw-araw"

"Maraming salamat, napaka buti mo. Pagpalain ka sana!" halo-halong emosyon pasasalamat n'ya

"Walang ano man po, pasensya na ulit. Mauna na po ako dahil kailangan na po ako ng anak ko"

Walang patid parin ang pasasalamat nito sa akin hanggang sa maka sakay na ako

Kumaway ako sa kan'ya at nagpatuloy na sa byahe.
Lumilipad din ang isip ko dahil sa sobrang pag-iisip kay Vierre.

Napaka takaw disgrasya ng anak ko! Mas lalo akong na ngangamba sa mga maaari pang mangyari. Napapadalas kasing na e-engaged siya sa mga gulo o disgrasya.

Kung hindi nawawala ngayon ay may lalaking kinausap. Kailangan ko talagang kausapin ang aking anak sa mga bagay na ganito.

Ilang ulit kuna bang sinabi sakaniya na 'Don't talk to strangers' tapos heto siya ngayon at ibinigay pa ang number ko sa isang lalaking boses tukmol.

Naku Vierre kung hindi lang kasalanan din ang manakit ng bata masasaktan ka talaga sa akin .

"Lalo tuloy akong nahuli sa pag sundo sa kan'ya dahil sa aksidente. Akala ko sa pelikula lang may mga hindrance pag nagmamadali, dito rin pala" patuloy ko

Namalayan kong tinatahak ko na pala ang kahabaan ng paaralan ni Vierre

Isang liko pa ay papasok ako sa labas ng school nila.

Maria Immaculate School

Ang malaking pangalan ng school na 'yan ang pupukaw kaagad ng pansin ng mga darating dito

Mataas na building na umaabot ng 7 floors, whole glass ang school at may parte na gawa sa metal basta all in all kumikinang ang buong school tuwing tanghali. Tumatama kasi ang liwanag kaya kumukinang ang buong paaralan.

Pumasok na ako ngunit kailangan mag iwan ng isang card sa guard's desk

"Buti nalang alam ko ang roon ni Vierre, please be safe anak. Sana andito ka pa" panalangin ko

Hinihingal ako ng mapuntahan ang classroom ng aking anak.
Ngunit ng dumungaw ako sa bintana ay wala ng mga bata sa loob.

Tinignan ko ang ibang kalapit na classroom ngunit ganun din! Ako nalang ang tao sa building na ito.

Napaka gaga ko kase!

Nagmamadali akong lumipat sa kabilang building na kinaroroonan ng faculty. Ipapa check ko lang sakanila ang CCTV para matunton ko kung nasaan si Vierre.

I knocked thrice at the door
Before i push it so i can enter.
Nang pihitin ko ang pintuan ay isang anino ng bata ang naaaninag ko, nang tuluyan kong buksan ang pintuan ay nakita ko si Vierre!

HIDING THE HEIRESS Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ