Enjoy reading...♥
ROUG'S POV
"Wag na. Uuwi nalang akong mag-isa." Sabi niya at ngumiti, pero alam kong hindi sya okay. "May kotse naman ako at saka may pinambili din ako. Noon pa naman kinaya ko ng mag-isa. Kaya salamat nalang." yun nalang yung sinabi niya sakin at tinalikuran na niya ako. Dahil sa sinabi niyang yun nakaramdam ako ng guilt.
Nang umandar na yung kotse niya ay hinayaan ko muna itong makalabas ng parking lot saka patago akong sumunod.
Alam kong nasasaktan siya at alam ko na ako ang dahilan nun. Ang tagal na ng panahon nung iniwan ko siyang mag-isang umiiyak sa daan. Wala akong ginawa kung hindi ang pabayaan nalang siya. Pinili yung gusto kong mangyari. Pero ngayon bawat kilos niya, gagawin niya at bawat paghinga ay binabantayan ko na.
Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto ko siyang protektahan, lalo na sa nalaman ko tungkol sa kanya.
May mga nilalang na gusto siyang patayin at isa sila sa lahi ng mga bampira. Kung ang dating digmaan ay ang mga tribo ng mangkukulam, lobo at bampira. Ngayon naman ay bampira laban sa bampira at nakataya ang buhay ni Ysarie dito dahil sa pagkaka-alam ko na sa kanya ang isang susi para mabuksan ang Land of Immortals.
Sa mundong yun, doon ikinulong ang mga lobo, mangkukulam, at bampira. Bagamat hindi lahat ng nakasali sa digmaan ay naka-kulong doon. May ibang lobo, mangkukulam at bampira ang namumuhay ngayon sa mundong ito. May iba't-ibang klase ang mga bampira. Una ay ang common vampires, sila yung mga madalas lang makita at wala dito sa mundo ng mga tao. Sila yung mga bampira na kadalasang tinatawag na insane vampires dahil sila yung mga nambibiktima ng mga tao. Hindi din sila pinapayagan na manirahan kasama ang mga tao, dahil ang mga uri nila ay umiinom talaga ng dugo ng tao. Pangalawa ay yung sanguine vampires sila yung bampira na sa bundok nakatira. Survival of the fittest, humahanap sila ng paraan para mabuhay. Hindi sila nambibiktima ng tao at kadalasang iniinom nila ay dugo ng hayop. Pero sensitive din sila sa mga tao. Pangatlo ay ang half-breed vampires, ito naman sila ang mga bampirang may halong ibang lahi Ang dugo nila at isa nako dun.
Oo, isa akong bampira. Pero 'di ako nambibiktima ng tao. Ang kagaya ko ay iyon yung maalam makisama sa mga tao. Kumakain din kami ng pagkain ng tao at 'di umiinom ng dugo. Dahil may dugong mortal ako, nagiging insane ako pag nakaka-inom ng dugo ng tao. Halos lahat naman yata ng bampira maliban sa common vampires ay nagiging insane pag naka inom ng dugo ng tao.
Nung nalaman akong may dugong bampira ako, lumayo talaga ako kay Ysa nun. Lalo na't 'di ko kayang maglihim dun. Kahit bata pa yun noon, masyado ng matured yung utak niya. Bawat kilos na ipanapakita ko o kahit pa na emosyon alam niya agad kung paano hahanapan ng way maayos langa ako.
Now? I feel so guilty. Hindi ko maiwasan yun. Gusto kong bumawe sa kanya. Sa bagay bumabawe na naman ako sa kanya ngayon. Napoprotektahan ko siya... ng di naman niya alam. Basta okay lang siya, ayos na sakin yun.
Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa labas ng village kung saan siya naka tira. Sinundan ko parin siya hanggang sa loob. I'll find a better place here to live. So that I can monitor her condition. Prinsesa ko yan simula pa nung dati, she was my childhood friend even though were a years age gap. Marunong siyang makisama sakin nun. Mga bagay na minsan lang nagagawa ng bata. Yup, nakikipaglaro ako sa kanya nun dati kahit na I feel something strange of child thing. Yun bang tinatawag nilang nagbibinata.
Later and so on, umuwi nako. Nakahanap nako ng malilipatan dito lang sa village kung saan si Ysa nakatira. '𝙿𝚛𝚘𝚖𝚒𝚜𝚎 𝙸'𝚕𝚕 𝚗𝚎𝚟𝚎𝚛 𝚕𝚎𝚊𝚟𝚎 𝚋𝚢 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚜𝚒𝚍𝚎 𝚊𝚐𝚊𝚒𝚗, 𝚈𝚜𝚊. 𝙴𝚟𝚎𝚗 𝚝𝚑𝚘𝚞𝚐𝚑 𝚠𝚎𝚛𝚎 𝚔𝚒𝚕𝚘𝚖𝚎𝚝𝚎𝚛𝚜 𝚊𝚙𝚊𝚛𝚝.'
YOU ARE READING
He's My Perverted Vampire
Vampire» on going « WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR SENSITIVE MINOR, THIS STORY MAY CONTENT SEX SCENE, BAD WORDS AND ETC., HMPV © 2020 All Rights Reserve
