Bigla ay napamulat ako at nakita ang flight attendants sa harap ko. Oo tatlo sila, at mukhang kanina pa nila ako ginigising. Gising? Tiningnan ko agad ang katabing upuan, walang tao, pati narin sa ibang parte ng eroplano. Mukhang nakalabas na silang lahat. Oh my! Nakakahiya, sana naman hindi ako ngumunguso kanina.

"Ohw! I'm sorry, I didn't notice .."

"It's okay maam, karaniwan na po itong nangyayari sa mga pasahero." sabi ng isang morenang stewardess. Mabuti nagtagalog, hindi pa ready ang utak ko.

"Sige lalabas na ako, salamat uli." nagmadali na akong lumabas dala-dala ang mabibigat na bagahe.

"Sana naman hindi pa umaalis yung susundo sa akin. Medyo natagalan din ako doon sa loob, baka isiping hindi ako tumuloy sa flight." bulong ko habang binbaybay ang daan palabas ng Texas airport. Wala naring masyadong tao at nalulula ako sa laki ng lugar na ito pati narin sa mga tao. I never expect this to happen.

"Wala na atang nag-aabang ng mga bagong dating. Akala niya siguro ay wala ako kaya umalis na." bulong ko na naman sa sarili. Wala na akong energy kaya napahinto ako sa may parking area at umupo ng diretso sa sahig dahil wala namang upuan.

"Hello dad? Talaga bang natuloy ang flight niya? I haven't noticed her."

Narinig kong may nagsalita malapit sa kinaroroonan ko. Pamilyar ang boses na yun kaya automatic na napalingon ako sa kinaroroonan ng boses. Sumingkit ang mata ko at kumunot ang noo dahil iniestema ko kung siya ba talaga ang lalaking nakatalikod na ito.

"Paki-check uli kay tito, hindi ko talaga siya mahanap. Kanina ko pa siya inaabangan, 2 hours na po ako dito sa airport." tila naiinip na tugon nito sa kausap sa phone.

Hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan ito habang hila-hila ang bagahe. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang kinalabit upang mapatingin siya sa direksyon ko. Nakatalikod kasi siya at mukhang busy sa phone habang ang leeg ay tumataas na, kakahanap siguro sa kung sino man. Agad ko rin namang nakuha ang atensyon niya. Lumingon ito at agad ay nagulat! Pero mas nagulat ako dahil hindi ko akalaing makikita ko siya rito.

Kinurot ko talaga ang tagiliran ko para lang e.test kung nanaginip parin ba ako. Pero hindi eh, si Rielle, siya talaga itong nasa harap ko ngayon.

"Seantal ! I've been looking for you." bulalas nito ng makabawi sa pagkabigla at agad akong niyakap.

"T-teka, you've been looking for, for me?!" saka turo sa sarili. He nodded.

"Bakit? I mean, alam mo bang dito ang punta ko?" tanong ko. He nodded again.

"Ano ba, I don't want a nod, I need explanation. Naguguluhan ako Rielle!" naiirita kong sabi medyo mataas narin boses ko dala siguro ng stress at jetlag.

"Ah .. I mean nope! Hindi kita sinsundan but I was asked by my dad and his business partner which is actually your dad to pick you up today."

I think may jaw dropped! Is this real?

"I know mabibigla ka pero mas kailangan mo na ng pahinga kaya tara na sa bahay then I'll explain further later."

Whaaaat?! Bigla ay napa-urong ako. Nakangiti si Rielle habang iiling-iling.

"Don't worry, harmless ako and besides we have different rooms and you have your own key." assurance nito sa akin.

Kaya hinila na niya ako papunta sa isang cab. Siya narin nagbitbit ng gamit ko at ikinarga ito sa taxi cab. Habang nasa sasakyan kami hindi parin matahimik ang isip ko sa kaka-analyze sa mga pangyayari. Bakit hindi ko ito alam? Alam kaya ni papa na kakilala ko si Rielle? Alam rin ba ni mama na may koneksyon si papa kay Rielle? Kaya ba malapit si Rielle sa kanya dahil ninong ko pala ang papa nito? Bakit hindi ko alam?! Ang daya nila!

Ang daming tanong sa isip ko ngayon, looking at Rielle na relax na relax sa tabi ko na parang walang hindi magandang nangyari noon sa Pilipinas. Nakakabilib lang! Gosh! Baka ano na namang buhay ang mapasukan ko dito sa lugar na ito lala na at kasama ko si Rielle. Pero yung kanina, habang natutulog ako sa plane tapos ginising ako ni Tovy, panaginip lang ba talaga yun? Gustong maglupasay ng puso ko sa disappointment. Akala ko totoong sinundan niya ako. Akala ko.

"Pumayag ba si Tovy na mag-aral ka dito.?" out of the blue ay tanong ni Rielle. He's not looking at me his eyes are on the road.

"Hmm.. Hindi naman niya kailangang pumayag para magpunta ako dito." sagot ko. Agad namang napatingin si Rielle sa akin.

"Well, tama nga naman. Desisyon mo yan eh at para rin naman yan sa future nyo." Kibit-balikat na tugon niya at ibinaling uli ang atensyon sa mga nadadaanan naming lugar. Hindi na ako nagkumento pa, baka ma misinterpret na naman at gumulo uli ang buhay. Tahimik lang kami sa lang kami sa loob ng cab hanggang sa makarating kami sa boarding house namin.

"Ito yung magiging kwarto mo at ito naman yung sa'kin." saad ni Rielle habang pinagbubukas ako ng pinto ng kwarto at ipinasok ang mga gamit ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang busying-busy siya sa kaka-istema sa akin.

Eto yung susi, wala akong duplicate nyan kaya hindi ka dapat mag-alala tsaka --.."

"Rielle, wala naman akong sinabing nag-aalala ako sa sarili ko dahil kasama kita sa iisang bubong eh." nag-interrupt na ako.

"Ah gusto ko lang naman na hindi ka mag-worry sa privacy at security mo." naka-yuko na sabi niya habang naka-cross arms.

"Okay lang ako Rielle, and I want us to feel comfortable to each other again."

"Friends?" tanong ko sabay offer ng right hand ko kay Rielle.

"Friends .. " at inabot naman niya yung kamay ko. I smiled then he smiled back. I hope this will be the start of another close bond for us. No deeper feelings just fiends.

MY HANKY MANWhere stories live. Discover now