FHP #58

5.5K 101 7
                                    

Read, Vote and Comment po! Salamat! ^_^

“Some of us think holding on makes us stronger, but sometimes it’s letting go that proves our real strength.”

“Ulap ko!” tawag ni Raine kay Cloud na nakasandal sa kotse nya, pagbaba na pagbaba nya nang ground floor nang unit nila.

“Wow! Ganda talaga nang girlfriend ko!” - - Cloud

Napangiti na lang si Raine kay Cloud. Ngayon lang nya naranasang tawaging girlfriend, sobrang sarap pala sa pakiramdam. This is their first date as girlfriend and boyfriend.

Lumapit si Cloud sa kanya tsaka sya hinalikan sa pisngi. “Ngayon palang buo na ang araw ko.”

“Hahaha! Sira! Tara na nga..” hinawakan ni Cloud ang kamay nya tsaka sya nilead sa passenger seat, pinagbuksan sya ni Cloud nang pinto “.. saan tayo pupunta?” - - Raine

“Kahit saan.. basta kasama kita.” sabay kindat sa kanya ni Cloud.

Sinara na ni Cloud yung pinto, lumipat naman sya sa kabila kaya lang bago pa sya makapasok nang kotse…

“Cloud!” tawag nang isang babae sa kanya.

“Lindsay?” - - Cloud

Nagulat si Raine and Cloud sa pagdating ni Lindsay. Agad na lumabas nang kotse si Raine tsaka sya lumapit kay Cloud. Hinawakan nya sa braso si Cloud, tiningnan naman sya ni Cloud tapos ngumiti sa kanya tsaka sya hinawakan sa kamay.

“Anong ginagawa mo dito?” - - Cloud

“K-Kayo na?” tanong ni Lindsay habang nakatingin sa mga kamay ni Cloud and Raine.

“Oo. Kami na.. habang buhay.” - - Cloud

“P-Pero.. nandito pa ko Cloud! Bumalik ako para balikan ka! Mahal mo pa naman ako diba? Pwede pa tayong bumalik sa dati!” - - Lindsay

“Anong dati ang sinasabi mo Lindsay? Yung lokohan? Yung boring na relasyon? Yung gamitan?.. I’m sorry pero hindi ko ipagpapalit ang ganung relasyon sa babaeng katabi ko ngayon.. Hindi na kita mahal Lindsay.. First year pa lang tayo nakamove on na ko sayo. Actually, dapat nga magpasalamat pa ko sayo dahil kung hindi mo ko iniwan noon hindi ko makikilala si Red at kung hindi ko nakilala si Red hindi ko makikilala ang babaeng babago nang buhay ko.” - - Cloud

“Kaya nga ako bumalik para itama ang lahat! Gusto kong maging masaya kasama ka! Magsimula tayo ulit! Nagbago na ko Cloud.” - -  Lindsay

“Nagbago? Pero sa nakikita ko mas lalo kang naging makasarili Lindsay. Sorry Lindsay pero tapos na tayo.. may napili na kong babaeng gusto kong makasama habang buhay.. at hindi ikaw ‘yun.. kaya kung pwede lang sana matanggap mo na hindi na ko babalik pa sayo dahil masaya na ko sa girlfriend ko.” inakbayan ni Cloud si Raine “Lindsay.. si Loraine Mae Palma nga pala.. girlfriend ko.. and my soon to be wife.” - - Cloud

“P-Pero…---” - - Lindsay

Biglang nagsalita si Raine “Mahal ko sya Lindsay.. at kung lalaban ka para makuha sya sakin.. hindi kita aatrasan. I will fight for him too but I doubt na makukuha mo sya sakin.” minsan lang magmahal si Raine. Si Cloud na ang napili nang puso nyang mahalin, nag-iisa lang si Cloud na nakapagpalambot nang puso nya.. wala na syang mahahanap na iba kaya hindi sya papayag na basta-basta na lang sya maagaw sa kanya.

Napaupo si Lindsay habang umiiyak.. “I-I’m sorry.. sorry Cloud.. after few years ngayon lang ako makakahingi nang tawad sayo.. sorry talaga sa lahat nang nagawa ko.” - - Lindsay

Frozen Hearted PrincessesWhere stories live. Discover now