Falling Stars

29 13 3
                                    

Falling Stars

written by: ItsMeSeraphine

(May 20,2016)
(One Shot Story)
(Completed)
(Wattpad All In Campus One Shot Story Winner)

Sera's Note:

Ang istoryang ito ay puno pa ng typo. Read at your own risk. Nasulat ang istoryang ito noong labing anim na taong gulang palang ako. Pagpasensyahan ang pagkakain saken ng sistema ng wattpad.

Love lots. ❤

---------

Gabi na naman...

Umiiyak ang malungkot na kalangitan...

At higit sa lahat walang akong kahit isang bituin na masumpungan.

Isang pangyayaring nagpapaalala saken na minsan sa mundong ito, nag-exist siya sa buhay ko at sa mundong ito.

"Umuulan na Kim. Halika na ngang bata ka at pumasok ka na rito!" Naririnig ko ang sigaw ng aking pinakamamahal na ina, makailang beses narin niya akong tinatawag ngunit wala akong balak umalis sa kinatatayuan ko ngayon.

"Pumasok ka na!" Nagsimula ng unti-unting pumatak ang mga luhang galing mula sa langit, nanatili lang akong nakatitig dito.

'Masama bang hintayin ang taong alam kong kailan man ay hinding-hindi na darating?

Masama ba ang maghintay at magpakatanga sa sarili kong kagustuhan na saktan ang sarili ko?'

Natatawa kong tanong sa kung sino mang makakarinig ng boses ko, kahit na alam kong wala namang makakarinig nito.

Nanatili lang akong nakatayo sa gitna ng kalsadang iyon, ang lugar kung saan kami unang nagkita.

--

*Flashback*

Naglalakad ako sa gitna ng kawalan, basang-basa na ako ngunit hindi ako nakakaramdam ng kung ano mang lamig sa katawan. Pakiramdam ko ay namatay ako. Wala na din akong pakialam sa kung sino man ang nakakakita saken ngayon. Hindi ko na alam pa. Sobrang sakit ng nararamdaman ko to the point na pati ako at ang puso ko ay namatay na, hindi katulad ng sa ibang kabataan. H'wag kayong mag-alala hindi ako naiyak ng dahil lang sa iniwan ako ng kung sino mang lalaki dyan sa tabi-tabi.

"Totoo ka ba!?" Sinigaw ko ng malakas, gusto kong marinig niya ang gusto kong sabihin. "Totoo ka bang talaga!?" Nakatingala lang ako sa langit na tila naghihintay ng sagot mula sa Diyos, sasagot kaya siya? O baka naman katulad dati nagbibingi-bingihan lang ulit siya?

Kinuha niya sa Papa... Ang nag-iisang taong nakakaintindi sa akin.

Unti-unti na namang pumatak ang luha ko.

Kung totoo nga siya bakit nangyayari saken ang ganito?

Bakit ako at si Mama nalang ang natira?

May nagawa ba akong mali?

Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya?

"TOTOO KA BANG TALAGA!!?" napaluhod nalang ako at humagulgol hanggang sa tumila sa paligid ko ang ulan.

Napatingin ako sa paligid ko... P-paanong sa pwesto ko lang tumigil ang ulan-?

"Miss, magkakasakit ka niyan." Napatingin ako sa boses na iyon. Isang boses. Boses na uno ng pag-asa. "At kung iniisip mo na hindi siya totoo." Sabay turo niya sa langit. "Sorry ka nalang dahil mali ka.

Napatulala nalang ako sa kanya... Sino ba to at kung kausapin ako ay parang close na close kami??

"U-umalis ka nalang!" Saka ko siya hinampas sa binti pero hindi siya natinag at imbis na umalis ay ipinatong niya ang jacket niya sa akin.

Falling StarsWhere stories live. Discover now