Simula

2 1 0
                                    

Taas-noo akong naglakad papunta sa backstage. Hindi ako natatakot kung may humarang man sa akin tutal kasama ko naman ang dalawang bodyguards ko.



I passed through the bouncers. They can't stop me when I'm at my best condition! Hindi ako natatakot kung may malalaki silang katawan.



"Miss Olive? Anong ginagawa mo dito?! Hindi ka po pwede dito."



I grinned. I pity her.



"Tumabi ka kung ayaw mong kalbuhin kita." I seriously said.



"Pero hindi ka po talaga pwede dito. Magsisimula na po ang concert, hindi mo na siya pwedeng makausap."



"Ah talaga?" I wickedly smile and nod at my two bodyguards.




"Te-Teka! Bitawan niyo ako! Tulong! Tulong!" sigaw ng babaeng manager.



"'Wag kang mag-alala, mabilis lang 'to. Dalawang salita lang ang sasabihin ko sakanya at aalis na ako."



Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa at dali-dali ko silang tinalikuran. Mabilis akong naglakad sa madilim na pasilyo. Naririnig ko rin ang sigawan ng mga tao sa labas. Tsk, ang dami niya talagang fans.



Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa maaninag ko ang pamilyar na likod ng isang lalaki. May gitarang nakasabit sa likod niya. Damn, kilalang-kilala ko ang gitarang 'yan. Back in New Zealand, he used to sing a song for me with his angelic voice.


"Lath-", hindi ko na natawag ng buo ang pangalan niya ng biglang lumakas ang hiyawan sa labas.



Huminga ako ng malalim bago siya muling tinawag. Nakatalikod pa rin siya sa direksyon ko kaya hindi niya pa rin alam ang presensiya ko.


"Lat-", on the second try, the crowd went wild kaya nahalo ang boses ko sa hiyawan nila.




I bit my lower lip in frustration. Madiin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa inis. I opened my eyes and darted my sight on his back.




"I'M PRE-"




Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil saktong napalingon siya sa direksyon ko. He looked at me, shocked. I gulped nervously. He then change his expression. There it is, the piercing look in his eyes which I hate the most.




Why can't you look at me the same way before? Why? I just want you to stay with me. That's all.

Stay With Me (Book 2 of Maldita Trilogy)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum