01 | Pinkish Red

3.2K 103 2
                                    

I don't know why but, I always fall in love with the wrong guy, the wrong guy who never even loved me back. Para bang, imaginative love lang palagi ang ginagawa ko. 'Yong akala ko, kami pero para sa kaniya hindi. Sabi nga ng iba, friend zoned na 'yan 'te. Pero diba iba naman ang friend zoned? Kasi wala ka pang kasiguraduhang para nga sa taong 'yan kaibigan ka lang. Pwede naman sigurong kapatid ka noh? Tapos tawag sayo sib zoned. Aywow.

But, All of my friends says that, I'm too desperate when it comes to love. I lack patience, hindi ako marunong maghintay sa destiny ko.

Pero para sakin, love don't wait.

I believe in it.


We should work hard in order for us to deserve someone, it's arrogant to think that someone's meant for us right? Kasi naman, kapag maghihintay ka nalang sa taong dadating para sa'yo, parang sinayang mo lang ang mga oras mo dito habang buhay ka pa. Eh kung wala talagang dadating para sa'yo? Ano nang gagawin mo? Magsisisi diba?

I believe kasi, we should work hard inorder to deserve someone, and let God guide us to the right path. Siya ang nagsisilbing taga-ilaw natin habang tinatahak ang daan patungo sa kaniya, siya ang tama. Siya ang nagbibigay sa atin ng leksyon kapag may kasalanan tayong nagawa. He's just.

'Yan ang kasabihang palagi kong tinatatak sa utak ko. Kaya nga hindi ako sumusuko hanggang sa makita ko si the one ko.

Kaya nga feeling ko, siya na talaga 'to.

Si Red Sarmiento.

'Yong crush ko, paparating na sa harap ko. Alam ko at nararamdaman ko na, na siya na talaga ang taong para sa akin.

Ngumiti ito sa akin. Sheemay. Hindi ko alam peor kinikilig ako. Papalapit narin siya sa kinatatayuan ko, since last year crush ko na siya. Nalaman ko ang pangalan niya sa kaklase ko din na nakacrush sa kaniya. Eh, tsismosa rin naman siya eh kaya nalaman ko 'yong name niya. Tapos ngayon, inaagawan na namin siya. Pero sumuko na 'yong kabigan ko at binigay na lang para sa akin si Red. Hahahha. Trading card lang ang peg niya noh? Haha.

This Red-Orange haired guy is an epitome of an anime heartthrob para sa akin. Bagay na bagay sa kaniya ang kulay ng buhok niya, suited pa nga to sa white uniform niya at fitted black pants. Idagdag mo pa na naka-unbuttoned pa ang dalawang buttones mula leeg pababa ng kaniyang uniform at kita pa ang    collar bone nito. Which makes him even hotter.

Lumapit ito sa akin at ilang hakbang nalang magtatamaan na kami, kaya naman tumingin ako kay Red habang naglalakad opposite sa kaniya, "Hi." Mahina kong sinabi sa kaniya. Pero diretso lang ang kaniyang paglalakad.

Hindi niya ata ako narinig kaya naman nag, "Hi Red." I reiterated. Pero bakit 'di niya ako sinasagot?

Did he just snubbed me? But I'm pretty sure na hindi 'yan ugali ni Red, he used to say hi to me. But still his ayes are still glued to me, Tumingin ako sa paligid ko dahil baka iba lang ang tinititigan nito, pero wala naman. Nakita ko itong lumapit sa akin, I stopped walking as soon as he stopped walking too.

And there was a second of awkward silence. Nakatayo ako sa gilid ng pole na nagsusupport sa roof ng hallway ng school, while Red on the other hand leaned on the pole beside me. Natutulala ako kasi for the first time, magkalapit kami ni Red.

He broke the silence first, "Hi." Nakita kong kinuha niya ang headset na nakasaksak sa tenga nito. Kaya pala hindi niya ako marinig, wala kasi akong glasses ngayon kaya naman hindi ko gaanong makita ng mabuti si Red. But I'm pretty sure, hundred percent sure na si Red Sarmiento ang nasa harap ko. Sa amoy palang niya. Red na red na.

"Hi." I answered quite flirty, I don't what's going on with me but maybe because Red is in front of me tumataas ang sex hormones ko. Whut? Pero idagdag mo rin naman na ni-ne-nerbyos ako at parang any seconds later babasag na ako.

But I keep myself calm and composed as I can. Tumikhim siya. "So, wala ka nang pasok?" Tanong nito sa akin.

Tamang-tama wala na talaga akong klase ngayon, papauwi na rin naman ako ng apartment eh, nalimutan ko nga lang ang libro ko sa locker ko pero 'wag na. Hayaan ko na lang muna, sa Friday pa naman ang exam ko eh. Mas importante munang makipaglandi sa krasss ko. Haha.

I slowly nodded, blushing. Gosh. Namumula ako, paano naman hindi aber? Nakatingin ito sa akin eh? 'Yong tingin ba na parang in love ang isang tao sa'yo. Ano ba Red makalaglag panty ang tingin mo eh. Wait--wala pala akong panty, brief.

"Good. May hinihintay ba tayo?" Tanong nito sa akin ulit.

Nag-isip muna ako, may hinihintay ba ako? Wala naman, nag-siuwian na ang mga kaibigan ko eh. Ako nalang nga ang naiwan dito sa school kasi nga I forgot to bring my book ano.

Umiling ulit ako. Red smirked. Which made him even hotter, ang mapupungay niyang mga mata? Nakaglue na sa akin. Oh my god. I wonder what's inside this guy's mind?

"Sama ka?" Ani Red, my forehead creased.

"Saan naman?" Tanong ko dito, hindi naman dahil wala akong tiwala sa kaniya pero para masiguro ko lang kung saan niya ako dadalhin ano? Baka naman sa parents nito? Tapos ipapakilala niya ako! Maybe.

Red leaned closer and placed both his hands inside his pocket. Hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa akin, tapos ang ngisi nito hindi parin maalis sa tarantado niyang mukha. I observed him as he chew his bubblegum, he was actually chewing a bubblegum. Ngayon ko lang na-notice ah?

"Date?"

Natameme ako.

Wait, what? Pinisil ko ang left arm ko, nakagawian ko nang gawin ito kapag feeing ko na nananaginip lang ako. Pero masakit ang pagpisil ko kaya sigurado akong hindi ako nananaginip. Oh my God.

Red is asking me for a date.

Tumikhim ako. Trying to compose myself, and of course to keep calm. Pero nanginginit ang mukha ko. Tahimik lang ako, kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.

"Nabibingi ata ako eh." I heard Red tsked.


"You're not dreaming." Naramdaman kong pinitik ni Red ang forehead ko. Which made me react. "Ouch." Sabi ko pa habang napasapo ng noo ko, pero deep-deep inside ang sarap sa pakiramdam sapagkat dumikit ang kamay nito sa skin ko. Owmaygad.


"So, Date?" Tanong nito sa akin, while chewing his bubblegum. Napa-isip tuloy ako.

Okay, first of all. Ang saya-saya ko ngayon, Second, ang happy ko. Third, I'm full of joy.

Napasampal ako ng pisnge, Am I dreaming again?! Pero masakit eh kaya nga totoo 'to. I'm not dreaming!!!

Ang saya ko.

"Yes." Masayang-masaya kong sinagot kay Red, his smirk grew wider.

This is it.

I don't know why, but I feel pink today. Learning how this guy wanted to take me out on a date. My cheeks turned pink, blushed by how lovely this day would turn out to be. 

Dating the guy of my dreams.


© 051216

RED (boyxboy)(bromance)Where stories live. Discover now