Chapter Twelve: Blame and Suicide

131 5 0
                                        

NO ONE'S POV

"Anong anong nagyari?! Saan ka nanggaling?!" Sigaw ni Camille kay Mhel,

Halos lahat ng studyante ay nagulat sa pagsigaw ni Camille, galit na galit ang mukha nito at nakakkatakot talaga.

"Sa-" Hindi na natapos ni mhel ang kanyang sasabihin ng Lumapat na sa mukha niya ang kamay ni Francine. Sinampal siya nito dahilan ng pagkatumba niya. Agad namang lumapit si Grace at Crislenn kay Mhel para tulungan ito.

"IKAW! IKAW ANG KILLER! MAMAMATAY KA! KASALANAN MO KUNG BAKIT NAMATAY SI ALLY! SI MARVIN AT KLAUDINE IKAW ANG PUMAPATAY! IKAW! IKA--HUHU" Sigaw sa kanya ni Francine, halos lahat ay natigilan sa kanilang narinig. Ang papalapit na si Beth at Myra ay natulala sa kanilang narinig,

"Si-si Mhel?" Tanong ni Beth

"Hindi killer si Mhel!" Sigaw ni Myra,

"Bakit nyo ba pinagbibintangan si Mhel?" Tanong ni Crislenn.

"Bakit, nasan ba siya ng mawala si Ally asan ba siya ng nagkahiwahiwalay kami sa dorm, siya lang mag isa tapos hindi siya ang kinuha ng killer! Bakit kasi hindi nalang ikaw yung namatay!" Sigaw sa kanya ni Francine

"Hindi ako ang killer." Sabi ni Mhel at tumalikod na 'to at lumabas,

"Tumutulong lang ako.." Mahinang sabi ni Mhel sa kanyang sarili. Agad itong naglakad papalayo sa Gym,.

Samantala si Camille at Francine ay galit na galit parin.

"Maniwala kayo sakin si Mhel ang Killer,siya ang pumapatay." Sabi ni Francine,

"Tama na nga Francine! Kanina ka pa hindi killer si Mhel!" Sigaw ni Cent sa kanyang kasintahan na si Francine,

"Bakit mo ba kinakampihan si Mhel ha? Dahil mahal mo pa siya? MAHAL MO PA BA SIYA CENT?!" Galit na sigaw ni Francine

"OO! ANO MASAYA KANA BA? NALAMAN MO NA YUNG TOTOO? MAHAL KO PA SI MHEL! AT IKAW GINAMIT LANG KITA, PANAKIP BUTAS LANG KITA FRANCINE!" Sigaw ni Cent kay Francine, napatulala ang dalaga sa kanyang narinig, naiyak siya at unti unting bumigay at napaupo sa sahig.

"Gi-ginamit mo lang ako?" mahinang tanong niya

"Oo, ginamit lang kita. Hindi kita mahal, at hindi kita mamahalin kagaya ng pagmamahal ko kay Mhel." Sagot naman sa kanya ni Cent. Tumingin ng matalim si Francine kay Cent at tumayo, lumapit siya dito at sinampal at pinagpapalo sa dibdib.

"Napaka sama mo! Pinaasa mo 'ko" sigaw nito kay Cent habang umiiyak, hindi umiimik si Cent at nanatili lang itong tahimik.

"Ang sama mo! Pinaasa mo lang ako, ang sama mo ang sama sama mo." Patuloy lang siya sa pagiyak ng nag salita si Cent,

"Kilala mo naman ako diba? Cent Adayo. Ako, playboy. Hindi ko na kasalanan kung umasa at nagpakatanga ka, una palang alam mo na kung sino ang minahal ko, si Mhelannie lang at hindi ikaw. Kailanman hindi magiging ikaw." Sabi ni Cent atsaka tumalikod na at pumunta sa sulok at naupo.

Si Francine naman ay naiwan na umiiyak habang pinagmamasdan si Cent na papalayo, agad siyang lumabas at nagtatakbo. Hindi niya alam kung nasaan siya basta ang alam niya ay kailangan niyang makalayo... makalayo kay Cent.

Nang lumabas si Francine ay gustong sundan ni Camille si Francine, ngunit hindi pumayag si Teacher Alma,

"Hindi, hayaan niyo siya. Ayaw niyang makinig sa'kin. pano kung may mangyari sa kanya? tapos sumunod kayo? Diba madadamay ka?! Di lang kayo!" Sabi ni Teacher Alma kay Camille at Leine.

"Opo,"

"Ma'am si Jam po!" Sigaw ni Rome, tumakbo si Ma'am alam upang tignan kung anong nangyayari.

"Anong nagya-- Jam ibaba mo yan!" Nagulat sila nang makita si Jam na may hawak na baril,

"Ayoko." Maygalit na sabi ni Jam.

"Jam, ano ba naman yang ginagawa mo?" Tanong sa kanya ng kanilang guro.

"Mamamatay din naman ako, ako na ang papatay sa sarili ko." Sagot ni Jam.

"Hindi Solusyon ang pagpapakamatay Jam! Ibaba mo na--JAM!!"

*BUMMMM* Tumunog ang baril.

"JAAAAM!" Halos lahat ay napasigaw sa kanilang nakita, nagpakamatay na si Jam,

"Mahal kita ally, " Ang huling sinabi ni Jam bago pa man tuluyag pumikit ang kanyang mga mata. Lahat sila ay natulala, nagsiiyakan. Hindi nila alam na may nagmamasid pala sa kanila,

3rd Person's POV.

"Sayang naman ang plano kong pagpatay sayo Jam, hindi ko na magagawa. Sige, kay Francine ko nalang gagawin ang mga plano ko sayo. Para makaganti manlang." Nakatingin ako ngayon sa kanila, habang sila naman at umiiyak sa pagkawala ni Jam,

"Ang sweet nila no? Till Death Do Us Part," Sabi sa'kin ng--

"Kayo?!" Sigaw samin ni Francine,

"Oo kami nga," Sabi ng Asawa ko,

"BAKIT NIYO TO GINAGAWA?!" Sigaw ni Francine sa'min.

"Para makaganti," tipid na sagot ko at nginitian siya,

"Sasabihin ko kayo kay Teacher Alma!" Sigaw sa'min ni Francine,

"Sino naman nagsabi sayo na makakatakas ka pa at makakabalik kung nasan sila?" Sabi ng Asawa ko, at lumapit kay Francine, inilagay niya ang panyo sa bibig nito at maya maya pa ay nakatulog din.

"Hahahaha," Tumawa ako, hindi na kami mahihirapan sa paghahanap at paghabol sa kanya,

"Anong gagawin natin sa kanya?" Tanong sa'kin ng Asawa ko,

"Ako ang gagawa," napatingin kami parehas sa nagsalita,

"Oh anak, anjan ka lang pala. Sige, para sayo ikaw na ang gagawa." Sabi ko sa anak ko. Nginitian niya lang ako. Dinala na namin si Francine sa isang Bakanteng Room, at duon at isinabit namin siya.

"Maghanda na kayo, sa ikaapat na tanong." Sabi ng asawa ko,

Kahit ako, ay gusto nang makita kung paano pataying ang isang Francine Ravidas, ang isa sa taong nagpahirap sa pamilya ko...

--------

Hi guys! Hindi pa masyadong mahaba, sorry. Bawi ako ulit ng next chapter. Tinatapos ko na kasi gusto nang basahin ng isa sa mga bestfriend ko (Ellen) Hehe. Thanks sa Reads and Votes! Love lots. xx

-Author

Class 8 LeeuwenhoekWhere stories live. Discover now