Chapter Five: First Question

236 3 0
                                        

Mag aalas-dose palang nang tanghali ay nasa classroom na nila ang mga studyante ng Class 8, lahat ay nagsisipaghanda para sa examination. Ang sabi kasi, sa kanila naka salalay ang paaralan. Kahit hindi naman nila alam ang kapalit nito ay nag hahanda sila. Nagdala sila ng Damit pangtulog dahil mago overnight sila sa school ng ilang araw, sa Dorm sila tutuloy dahil Isang linggo naman walang pasok ang mga studyante kaya't sila lamang ang nasa paaralan. Halos lahat sila ay busy sa kaniya kaniyang ginagawa.

Ang iba ay Kumakain, ang iba ay nagpapaganda, may nagku kwentuhan at ang iba naman ay may hawak ng libro. Nagulat silang lahat ng biglang dumating ang kanilang punong guro at isa sa guro ng paaralan na si Sir Gin.

T.Alma: "Hello Class 8! Ready na ba kayo?"

Students:"Yes ma'am!"

T.Alma: "Parang nag review kayo ah? sige at maya maya ay uumpisahan na natin. "

Students:"Yes ma'am"

Matapos nun ay umalis sandali ang kanilang guro upang kuhain ang mga Test papers gayon pa man umalis din si Sir Gin.

Jed Samson: "Guys, mag ready na kayo." Sabi ng president para dahilan ng paghahanda ng class 8.

Ilang minuto ang lumipas at bumalik na si Teacher Alma.

Teacher Alma:" Class mag start na tayo but before we start kailangan i confiscate ang phones nyo. Cameron and Allyson please collect all the phones. Marvin paki kuha nga yung folder dun sa table ko sa faculty please." Pahayag ni Teacher alma.

Francine:"Teacher bakit kailangan pa pong kunin ang phones? My gosh" maarteng sabi niya.

Teacher Alma:"Para makapag concentrate kayo sa examination nyo"

Camille:"Ano bayan. Tsk"

Kinulekta na ni Cameron at ni Allyson ang cellphones ng mga kaklase nila. Samantala, si marvin naman ay lumabas na ng classroom para pumunta sa faculty.

Cameron:"San po namin ilalagay ang phones ma'am?"

Teacher Alma:"Sa faculty nalang din, sa drawer ko dun."

Lumabas na sina Cameron at Allyson.

Allyson:"Hay nako. I really hate this. Ang layo ng faculty sa classroom i hate it." Maarteng sabi niya

Cameron:" Duh. Magpakitang tao ka nga. Kaya ayaw sayo ng mga classmate natin. You're so maarte" pag prangka naman ni Cameron sa kanya.

Malapit na sila Faculty ng makasalubong na nila si Marvin.

Marvin:" Hala kayo may multo jan" pagtakot naman ng kaklase sa kanila.

Allyson:" You're such a moron talaga marvs." Sabi nito. Si marvin naman ay tumakbo na papunta sa classroom.

Pumasok na sa Faculty si Cameron at Allyson.

Allyson: "Saan ba dito ang drawer ni ma'am cams?"

Cameron:" Sa may tabi ng kay sir Ian." sabi nito habang nagsasalamin.

Allyson:" hey! tara na, para maaga tayong maka uwi. may lakad pa ko. tsk" sabi nito na may halong inis.

Cameron: " Ok. come na! baka nagsstart na sila." sagot naman nito na may maarteng boses.

Lumabas na ang dalawang babae sa faculty at naglakad pabalik sa kanilang classroom nang madaanan nila ang lumang classroom ng Class 8. Mas pinili kase nilang dumaan sa tagong hallway para shortcut nalang. Kita sa mga mukha nila ang kaba at takot. Madami nga kasing nababalita na hindi magandang nangyayari doon sa lumang silid. Lumuwag naman ang kanilang paghinga ng nalagpasan nila ang lumang silid na walang nagyaring masama.

Class 8 LeeuwenhoekDonde viven las historias. Descúbrelo ahora