"Hindi, Dior. Dahil pinapakita niyang si Portia na mas nahihirapan siya sa ating tatlo. Samantalang tayo, mukhang ayos lang gano'n," sarkastikong dagdag pa nito.

Gusto ko mang patulan ito pero wala na 'kong lakas para makipagsagutan. At isa pa, naiintindihan ko naman kung bakit ito nagagalit sa 'kin. She's just too worried about me.

"Titigil lang ako kapag nasigurado ko nang mabubulok sa kulungan ang hayop na Pablo na 'yon." Marahan kong hinawakan ang kamay ni Kai at ingat na ingat na hinaplos iyon. "Bangon na, Kairo. Kahit ipaglinis at ipagluto pa kita araw araw hindi na 'ko magrereklamo basta tumayo ka lang d'yan," idinikit ko ang kamay nito sa pisngi ko.

Naramdaman ko ang dalawang kamay ng mga pinsan ko na sabay humaplos sa likod ko nang hindi ko na naman napigilan ang mapaiyak.

Alam niyo 'yung pakiramdam na galit na galit ka, pero sa sobrang galit mo, maiiyak ka na lang? P*tangina. Parang gusto ko laging magwala. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ilalabas ang galit na nararamdaman ko.

Ilang beses na 'kong nagpabalik balik sa presinto para harapin ang tanginang si Pablo, pero ayaw tumanggap ng bisita ng gago. Kating kati na ang mga kamao ko na dumapo sa mukha nitong gawa yata sa bakal sa tigas!

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para kalmahin ang sarili. Hindi ko namalayan na sa kakaiyak ko pala ay nakaidlip na 'ko. Paggising ko wala na 'kong mga kasama.

Napakunot noo ako nang parang may kumakalabog at nagsisigawan sa labas. Kinapa ko ang phone ko para tignan kung gaano ba 'ko katagal nakatulog, pero umawang nang malaki ang pintuan at iniluwa no'n ang taong pinaka kinasusuklaman ko sa mga oras na 'to.

Napatayo agad ako at nangangatal ang mga kamaong kumuyom. "Anong ginagawa mo ritong hayop ka?" Matalim kong tinitigan ang demonyong nakatayo ngayon sa harapan ko. 

Ang kapal naman talaga ng mukha nitong magpakita rito sa ospital! 

Lumapit sa magkabila ko sina Dior at Lyra. Marahil sila iyong naririnig kong nakikipagsigawan kanina sa labas.

"Gusto lang makita ng kliyente ko ang biktima at humingi ng pasensya," sagot ng abogado nitong kasama. Parang may kung anong masamang salita akong narinig doon sa sinabi nito na lalong nakapagpainit sa ulo ko.

"Humingi ng ano? Pasensya?" hindi makapaniwalang pag-uulit ko. Sarkastiko akong napatawa. "Pagkatapos mong tumanggi sa mga pagbisita namin sa 'yo sa kulungan, pupunta ka rito para manghingi ng... pasensya?"

Napasuklay ako ng mga daliri ko sa buhok ko habang natatawa pa rin sa gusto nitong mangyari.

"Hindi ko naman sadya. Pinagtanggol ko lang ang sarili—"

"Lamunin mo 'yang p*tangina mong pasensya!" putol ko sa paliwanag nito. Sa galit ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong paghahampasin ito. Wala akong pakealam kung saan dumapo ang mga kamay ko at wala naman itong magawa dahil nakaposas ang mga kamay. "Hayop ka! Wala kang puso! Hindi na dapat nabubuhay sa mundo ang mga katulad mong salot!"

Hinawakan ako sa magkabilang kamay ng mga kasama nitong guwardiya. Hindi ko agad napansin na may kasama rin pala itong media sa labas ng pinto kaya mabilis akong hinatak ni Dior at itinago sa mga flash ng camera.

Mabilis namang kumilos si Lyra para isarado ang pinto at pigilan ang mga ito sa pagpasok. Narinig ko pa kung papaano nito tinarayan ang mga reporters na nagpupumilit pumasok.

Nagpumiglas agad ako sa pagkakahawak ni Dior pagkarinig ko sa pagsarado ng pinto. Pero nauna na si Lyra sa paglalabas ng galit nito.

"Tangina kang demonyo ka! Nakikita mo ba ang kalagayan ngayon ng Kairo?! Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising dahil sa kagagawan mo! Tapos gusto mong humingi ng pasensya? Eh kung pinapalamon ko 'yang dila mo sa 'yo nang 'di ka na makapagsalita? Ang tigas ng mukha mong hayop ka!"

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon