Chapter 1 **Santa's Warning!**

18.6K 118 16
                                    

***

Just For Christmas, Will You Be Mine?

A Short Story by PollyNomial©

***

#1 --> Santa's Warning!

 

 

KATHRYN’S POV

Dashing through the snow

In a one hourse open sleigh

O’er the fields we go

Laughing all the way

Bells on bob tails ring

Making spirit bright

What fun it is to ride and sing

A sleighing song tonight.

Paskong pasko na talaga. Kahit isang linggo pa bago ang pasko ay ramdam na ramdam na ito. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang daming Christmas decorations sa paligid. Lahat ng tao masaya. Rinig sa paligid ang iba’t ibang Christmas songs. Lahat ng tungkol sa pasko, nakikita at nararamdaman ko.

Andito ako ngayon sa isang sikat na lugar dito sa’min. Policarpio ang tawag namin dito. Nagkalat dito ang maraming tiangge. Mga damit, laruan, o kahit anong pwedeng panregalo. Mura-murang at swak sa budget ng mga nagtitipid ngayong pasko. May mga decorations rin na pwedeng mabili. Sa isang part naman ng Policarpio ay park kung saan pwedeng mag-date ang mga couples. Meron ring isang street dito kung saan may mga naglalakihang bahay na nakakamangha naman talaga dahil pinalibutan ito ng Christmas lights at decoratios. Sa lugar na 'to, talagang ramdam mo ang pasko.

“Kathryn! Dito tayo, bilis!” lumingon ako kay Julia, ang best friend ko.

Sumunod ako sa kanya at nakita ko ang mga tinuturo niyang magagandang stuffed toys sa loob ng isang tent.

“O 'diba ang ku-cute nila? Sabi sa’yo this is the right place na mamili ng mga gifts!” pumalakpak pa siya.

“Eh dito naman talaga tayo namimili 'pag pasko ah.” Umiling ako saka hinawakan ang isang magandang manika.

“Whatever. Teka dun lang ako ah.” Tumango ako sa kanya saka siya umalis.

“Ang ganda mo.” Napaangat ang ulo ko nang marinig ang boses na 'yun. Nag-akyatan nanaman lahat ng dugo sa utak ko dahil alam kong hindi ako nagkakamali na siya ang nagsalitang yun.

Marahas akong lumingon sa kanya saka siya sininghalan.

“Good mood ako ngayon kaya 'wag kang lalapit lapit sa’kin ah! 'Wag kang mang-asar ah!” singhal ko sa kanya saka binitawan ang dala kong manika. Tumalikod ako at naglakad kung saan nakita kong pumunta si Julia.

“Wait lang, panget! Intayin mo naman ako.” Kita niyo. Kanina lang ay sinabi niyang maganda ako tapos ngayon panget naman. Nilingon ko si Daniel na ngayon ay nakikipagsisikan na sa mga taong nakaharang sa daan.

Just for Christmas, Will You be Mine?Where stories live. Discover now