Tittle: HAGUPIT
Author: LEVI
Hinawakan ni Temyong ang kanyang nanghihinang tuhod upang pigilan ito sa panginginig. Butil -butil na pawis ang lumabas sa kanyang noo na hindi na niya inaalintana kasabay ng kanyang mabilis na paghingal. Gamit ang kaliwang kamay, tinutop niya ang sariling bibig upang pigilang umalpas ang impit na paghingal gawa ng matinding pagkahapo.
Hindi ako dapat Makita ni Jose!
Asik niya sa sarili upang pakalmahin ito. Kahit ngayon lang, makisama kang paa ka! Baling pa nito sa nanginginig pang paa.
Labis na kaba ang kanyang naramdaman ng makarinig ng mga yabag patungo sa kinaroroonan niyang tagong dako. Pilit niyang isinisiksik ang katawan sa likod ng mga kahon upang makatago sa mga humahabol sa kanya. Ang mga grupo ni Jose.
"Talasan niyo ang mga mata niyo! Hindi makakalayo ang pilantod na Temyong na iyon sa akin!" galit na sigaw ni Jose. "Marami ng kasalanan ang pilay na yun sa akin! Biruin mo, pilay na nga pero siya pa din ang piniling makasama ni Ana sa Canteen" gigil na saad nito patungkol sa nililigawang kamag aral na si Ana.
"Boss, anong gagawin mo kay Temyong pag Nakita natin siya?" narinig niyang tanong ni Marvin, isa sa kaklase nila at ngayon ay humahabol din sa kanya.
"Lulumpuhin ko ng tuluyan para hindi lang isang paa ang pilantod niya kundi dalawa na." tumatawang sagot ni Jose.
Nangilabot si Temyong sa kanyang narinig lalo na at ramdam niyang sobrang lapit lang niya sa kinaroroonan ni Jose. Labis ang pag-alala niyang tototohanin nito ang sinabi lalo na at kilala ito sa pagiging maton sa buong klase. Marami na itong nabully, hindi lang siya, ngunit kahit sino ay walang lakas umalma sapagkat anak ito ng pinakamayamang tao sa kanilang lugar.
Sa kanyang pagmuni-muni umalpas ang impit na sigaw sa kanyang lalamunan nang walang ano-ano ay tumambad sa kanyang mukha ang nakangising mukha ni Juan. Ng sandaling iyon, tanging malakas na tibok ng kanyang puso ang bumingi sa kanya kasabay ng walang padsidlang takot.
"Iniisip mo talagang makakapagtago ka sa akin ha? Sa tingin mo makakalayo ka sa akin Pilay" gigil na saad nito at niyapos siya sa kwelyo at walang hirap na iniangat sa ire.
"J-Juan, maawa ka s-sa a-akin! W-Wala a-akong K-kasalanan S-Sa i-iyo." Nahihirapang saad nito habang pilit kumakawala mula sa pagkakabitin sa ire. Wala siyang ibang narinig kundi ang malutong na tawa ni Juan at ang mga hampas nito sa kanyang paa gamit ang meter stick. Ngumiwi siya sa sakit na humagod sa kanyang buong katawan. Ang kanyang nahihirapang paghinga ay napalitan ng mga sigaw dahil sa labis na sakit na nararamdaman.
"Ang mga tulad mo ay walang karapatang mapabilang sa paaralang ito! Bukod sa isa kang dukha, ang mga inutil na kagaya mo ay walang puwang sa lugar na ito!" sigaw ni Juan sa kanya at inihagis siya sa isang sulok at walang sawang pinaghahampas ng meter stick.
Patuloy ito sa paghampas na hindi na niya sinalag. Wala na siyang lakas. Masakit ang buong katawan niya sa bawat pagtama ng pamalo sa kanya. Nararamdaman niya ang pagpantal ng katawan sa bawat pagdaan ng pamalo. Sa kabilang banda, ang kanyang hikbi ay natabunan ng mga halakhak mula sa kaibigan ni Juan na nanonood lamang sa kanilang Boss.
Sa labis na sakit, isang nakakabinging tunog mula sa kanyang tenga lamang ang nangibabaw sa kanya. Masakit ang tumatama sa kanyang katawan, pero mas nangibabaw ang sakit sa kanyang kalooban. Ano bang mabigat na kasalan niya at humantong siya sa kalagayang ito? Anong klaseng kamalasan meron siya at imbes na kaawaan ng ilan dahil sa kanyang kapansan ay inaalipusta siya ng mga ito? Wala nga bang karapatang ang tulad niyang may kapansanan mamuhay sa mundo at magkaroon ng Karapatan katulad ng isang normal na tao? Wala ba siyang karapatang mamuhay ng tahimik? Wala ba siyang puwang bilang tao sa mundong ito?
Meron! Meron! Tao din ako! Impit na sigaw ng kanyang isip.
Pumikit siya at hinayaang mamaluktot sapagkat ang tanging nararamdaman niya ng sandaling iyon ay ang nakakabinging katahimikang umaalpas sa kanyang kalooban habang sa labas ng reyalidad ay walang sawang paghagupit ng isang nilalang na maituturing na hayop sa asal. Isang demonyong nagpapaalala kung gaano kasapklap ang mundo.
Ang tila nagkakatuwaang magkakaibigan ay tumigil dahil sa pito ng mga yabag na papaplapit.
May Tulong! Sigaw ng isip ni Temyong.
Imbes na mabuhayan ng loob, nanatili siyang manhid. Sapagkat huli na. Huli na ang tulong. Naranasan na niya ang hagupit ng katotohanan siguradong mag-iiwan ng kirot at pilat sa kanyang puso.
Sumigaw siya ng malakas. Isang sigaw na naglalarawan sa kanyang nararamdaman. Isang sigaw upang kalabanin ang hagupit. Kung normal lang sana siya. Makakaranas paba siya ng ganito?
Marahil hindi. Sagot ng kanyang puso.
YOU ARE READING
LEVI's YARN
Short StoryThere are tales that needed to tell, but it doesn't have to be in thick pages. as long as the story contains a complete element, it can be fully understand. well then, Welcome to my yarn
