“Ayoko. Baliw!”  - - Light

“KJ!” pinuntahan ni Red si Light tsaka nya hinatak sa dance floor.

“Red sexy dance nga oh!” hamon ni Hunter kay Red.

“Tigilan nyo nga ako.” papaalis na sana si Light nang hatakin sya pabalik ni Red. Tumingin si Red kay Light. Seductive look.

“Sexy dance lang ba?” tanong ni Red habang nakatingin pa rin kay Light.

“Ashley wag.. ayokong masuka.” - - Light

Biglang lumipat sa next song, at tamang-tama…

NP: Take Care by Drake ft. Rihanna

Simula pa lang nang kanta sinayawan na nang sexy dance ni Red si Light. Naglilipsync pa sya habang iniikutan nya si Light. Hinawakan nya sa balikat si Light tsaka sya biglang umupo tapos nagsesexy dance pa rin sya habang unti-unting tumatayo.

“Woohhoooo! Hot! Ano ka ngayon Light!” - - Hunter

“Pwede! Pwede! Light ikaw naman!” - - Austin

Light smirked kaya napahinto si Red “Yan lang ba kaya mo?” nagulat si Red nang sayawan din sya ni Light. Naaalala tuloy nya si Vhong and Billy sa ginagawa ni Light ngayon. Grabe! Akalain nyong kaya pala magsayaw ni Light nang ganun!

“Oh Red! Turn mo naman! Woohhooo! Ayos!” - - Hunter

Hindi nagpatalo si Red, nagsexy dance ulit sya sa harap ni Light katulad nang ginawa nya kanina kaya lang sinabayan na sya ni Light kaya napahinto sya bigla. Naaakit sya sa sayaw ni Light kaya tinakpan nya ang mga mata nya.

“Waaaaahhhhhhh! Ayoko na!” - - Red

Huminto si Light tsaka sya tumawa ng tumawa “Hahahaha! Grabe Ashley! Namumula ka na oh! Hahahaha!” - - Light

Tawa rin ng tawa yung dalawang boys dahil sa itsura ni Red. Napaupo na lang sya sa couch habang nakayuko. Nahiya naman daw sya bigla.

“Bwiset! Wag nyo nga akong pagtripan!” - - Red

“Hahaha! Hindi mo ba alam na sanay si Light sa ganyan?” - - Hunter

“Talaga?” - - Red

“Oo! Hahaha! Pero imbah pa rin yung itsura mo.” - - Hunter

“Manahimik ka dyan! Sasapukin na kita!” - - Red

“Hay nako Red!” umupo si Austin sa tabi ni Red “Salamat ah. Hahahaha!” - - Austin

“Para saan?” - - Red

“Alam mo bang ngayon lang ulit namin nakitang ganyan si Light? Nagiging abnormal kapag kasama ka. Hahahaha!” - - Austin

“Bad influenced ako, ganun?!” - - Red

“Hindi naman. Iba lang siguro epekto mo sa kanya. Hahaha!” -  - Austin

Napakunot na lang nang noo si Red. Hindi nya maintindihan yung sinasabi ni Austin na epekto daw nya kay Light. Ano ibig sabihin nun?

Naglapag si Light nang T-Ice sa table. “Break muna. Inom tayo.” - - Light

Pagtingin ni Light kay Red humalakhak na naman sya nang tawa. Hindi sya makamove-on sa pinaggagagawa ni Red sa kanya. Kakaiba talagang experience ‘yun para sa kanya. Minsan lang din nya makitang ganun ka-naughty si Red kaya unforgettable yun para sa kanya.

Frozen Hearted PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon