PAUNANG SALITA

30 8 0
                                        

Ito ang unang aklat na aking gagawin. Walang kasiguraduhan kung talaga nga bang may patutunguhan. Ngunit isa lang ang aking nagagarantiya sa iyo, lahat ng ito ay maaaring makapagpabago sa takbo hindi lamang ng isip mo maging pati na ng buong pagkatao mo.

Nais mong malunod hindi ba? Ito ang unang karagatan na iyong maaaring sisirin. Ibang klaseng paglalakbay ang maaari mong danasin. Paglalakbay na hindi mo na kailangan pang umalis sa iyong kinaroonan. Tanging isipan mong malaro at malawak mong imahinasyon ang siyang maaari mong maging transportasyon. Nasa iyo na mismo kung papaano magiging masaya at makabuluhan ang iyong paglalakbay. Lahat ay nakadepende sa kung paano ka mag-isip at umunawa, lalo na pagdating sa mga Tula.

Sa aklat na ito ay may halo-halo, Hindi malamig at lalong hindi pagkain ng tiyan kundi ng kaluluwa, panigurado. Pagkat ito ay halo-halong paksang nangyayaring tunay sa totoong buhay. Halo-halong emosyon na sana ay pumukaw sa iyong atensyon.

Maligayang pagparito!

Ang Paglalakbay ng Ipis (ON GOING)Stories to obsess over. Discover now