“Bakit ka naglasing?”

“Dahil safe ang makasama ko at nasa bahay lang ako, duh.” Naghahanap ako ng magandang channel pero ngayon ay wala na akong ganang manood. I think kelangan kong lumabas ng bahay.

“JL I’m serious.”

“Seryoso rin naman ako. Ano bang akala mo saakin? Hindi siniseryoso ang mga bagay-bagay?”

“That’s not it!”

“Then what? Ano bang big deal sa ginawa ko? Birthday ko kahapon. Pinuntahan ako ng mga kaibigan ko kahit hindi ko sinabi sakanila. Nagsaya lang naman kami, anong mali sa ginawa ko?” Hindi ko namalayan na ngayon ay nakatayo na kaming dalawa. Naiinis ako dahil ginagawa niyang big deal ang ginawa ko. “Hinayaan naman kita kahapon nung bigla kang umalis. Hinayaan ko ngang hindi mo sagutin yung tawag ko sayo tapos ikaw pa ang may ganang manumbat? Ang kapal mo naman.” Magsasalita pa sana siya ulit pero I butt in. “Itikom mo lang ang bibig mo. Huwag kang magsasalita dahil D, okay lang saakin na gawin mo ulit sakin yun. Naiintindihan ko naman na we’re doing this dahil may pareho tayong may gustong mangyari. Ako para makalimot at ikaw para layuan ka ng mga sinasabi mong lumayo sayo.”

“Pumunta ako dito para magpaliwanag but you’re out of yourself, JL. Pinuntahan ko si Pauline.”

“Kung pupuntahan mo lang din pala siya edi sana wala nalang tayong agreement. Paano ka niya lalayuan kung ikaw mismo pumupunta lagi sa tabi niya tuwing tatawagan ka? Damn D! Iniwan mo ako nang hindi nagpapaalam. Mukha akong tanga doon. Hinintay pa nga kita baka sakaling bumalik ka pero hindi, e.”

Huminga ako nang malalim bago ko pinatay ang tv at pumunta sa kusina. Tubig. Kelangan ko ng tubig para kumalma.

“Itinakbo ko siya ospital. Nahulog kasi siya sa hagdan, JL. Wala siyang kasama sa bahay nila at hindi naman niya matawag ang kapitbahay niya kaya agad akong umalis.”

Tapos ikaw ang tatawagan? Ikaw lang ba ang kakilala niya dito? Gustong-gusto ko yang sabihin pero magmumukha lang akong nagseselos.

“Okay na ba siya?” Hindi ko nakatinging tanong sakanya.

“I think so.” Lumapit siya saakin at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Doll, look at me.” Tumingin ako katulad ng sabi niya but then nakita ko yung kiss mark sa leeg niya.

“Kiss mark ba yan?” I asked him pero natawa lang siya sa tanong ko.

“It’s not even a kiss mark. Teeth mark yan. You did that.”

“I—I what? No fcking way!”

“But you did.”

“Did not!” I slapped his hands away from me.

“Did.”

“Not! Stop smiling! You’re pissing me off D!” Bakit ba ang galing niya lagi magshift ng topic? Gee! I really hate him! Kung kelan galit na galit ako sakanya ay doon naman siya biglang ngingiti at sisirain lahat ng wall na itinayo ko. Badtrip.

Muli ay nasa sala na ako at nakaupo lang sa sofa. Calmer this time and so is he. We’re not actually talking to each other and it’s becoming weirder as time goes by.

“Alam ko ang nasa isip mo.” Hindi ako sumagot dahil alam ko ang tinutukoy niya. Alam kong alam niyang gusto ko ng itigil ‘to. “Gusto mo na ba talagang itigil na ‘to?” Tumango lang ako at hindi siya tinignan.

“Gusto mo bang bumalik sa pagkakaibigan lang?” Muli ay tumango ako. Hindi ko alam. Pero susubukan kong maging cool lang kung nagkataon na itigil nga naming ito. Aalis din naman ako at baka isama ko na si lola pag-alis ko dito. “Paano kung ayaw kong tumigil tayo?”

“You’re a selfish bastard.”

“I know.”

“But D, I’m serious. Let’s stop this.” Matagal siyang hindi sumagot pero noong sumagot na siya, hindi ko inasahan ang iisang salitang sinabi niya bago siya umalis.

Doon ko napatunayan na walang halaga sakanya ang ginawa naming ito. That ‘okay’ is damn too much.

 ***

A/N: Di ako makapag-UD kaagad dahil busy. Tapos si Miru Mariano lagi naiisip kong story. HAHA

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Where stories live. Discover now