Sandali

17 1 0
                                        


Sandali na lang

"Malapit na matapos yung kontrata natin. Hindi na ulit tayo magkikita" mga salitang namutawi sa bibig mo, bakit ganun kabaligtaran sa naisip ko.

Akala ko, sasabihin mo saking totohanin na natin yon.

Akala ko aaminin mo nang mahal mo ako.

Akala ko lang pala yon!



Maari bang pagbigyan

"Pwede ba humiling saýo total huli na naman ito?" nilakasan ko na ang loob ko para sabihin sayo ang gusto ko.

"Oo naman, ano yon?" nakangiti ka pa habang nagsasalita.

"Pwede bang wag na nating tapusin ito?" napatingin ka sakin at lumungkot ang mga mata mo. Bakit ganun ang nakikita ko?

"Hindi pwede talagang kailangan na nating tapusin ito." Ngumiti ka pero hindi saya ang sinasabi ng mga mata mo. Lungkot...

pero bakit!?



Aalis na nga

Sampong minuto na lang ang natitira, andami ko pa gusto sabihin sayo pero nanatili akong tahimik.

Baka kasi masabi ko pa sayo na nahulog na ako sayo at totoo na yung nararamdaman ko.

Hindi mo pwedeng malaman. Ayoko sabihin...

Kasi totoong aalis ka na at hindi na babalik pa.



Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay

Inabot mo ang mga kamay ko, nanginginig ako habang inaabot kita. Iniisip ko lang kanina kung pwede ba kita hawakan sa kamay kagaya nung dati nating mga ginagawa...

"Halika! Sayaw tayo!" nakangiti ka pa sakin na parang eto yung unang beses na sasayaw tayo.

Naalala ko bigla yung nagpapractice tayo para sa sayaw tas tayong dalawa yung nagging magkaparehas, nung una ayaw mo pumayag pero nung napilit kita, umOo ka naman.

Unang paghahawak pa lang kamay natin non, nanginginig ka na. Ngayon, ako naman.



Sana ay maabot ng langit ang iyong mga ngiti

Kinuha mo ang cellphone mo at pinatugtog ang paborito nating kanta.

Mabagal by Daniel Padilla.

Shet! Naalala ko yung una kong marinig ang kantang to, naiyak talaga ako. Pano ba naman naalala ko yung ex ko tas eto pa pala yung magiging paborito nating kanta.

"Gusto kitang isayaw ng mabagal,

Gusto kitang isayaw ng mabagal.

Hawak kamay, pikit mata.

Sumasabay sa musika"

Nakangiti ka lang sa akin habang kumakanta ka. Hindi man kasing galing ni Daniel Padilla boses mo pero iba ka kasi naisali mo pa yan sa contest.

Napapangiti ako habang inaalala ko yung mga memories natin sa kanta na ito.

Gusto ko pa makita lagi yang mga ngiti mo, kung pwede lang...



Sana ay masilip

Tinitigan kita sa mga mata mo kasabay non ang paghiling ko na sana tumigil ang takbo ng mga oras na yon.

Gusto pa kita titigan pero biglang tumigil ang kanta kasabay non ay ang paglakad mo papalayo.

Wala man lang bye? Aalis ka na agad?

Napapikit na lang ako kasabay non ay ang pag-agos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Langya, mahal na nga talaga kita!



Akala ko nung una

Madaming araw na din ang lumipas simula nung huli tayong magkita.

Akala ko madali mag Move On pero ang hirap pala lalo na pag nakikita pa din kita na literal kasi parehas lang tayo ng palaging pinupuntahan eh, school.

Akala ko madali pero mahirap pala lalo na kapag minsan nakakasalubong kita tapos parang wala na lang sayo lahat.

Di pala madali mag-move on.



May bukas ang ganito

Pinipilit ko pa din na magmukhang okay. Kaya kapag nginingitian mo ako, ngumingiti din ako pero sa loob ko, takte mas lalo akong nahihirapang magMove on.

Okay naman na eh kaso nagsimula ka na naming lumapit sakin.

Hindi ko mapigilan yung sarili ko, sa tuwing sinusubok ako ng pagkakataon bigla kong naiisip na 'Shet! Tapos na nga pala tayo'.



Mabuti pang umiwas

Kaya ang ginawa ko nagpakaBusy ako para hindi na tayo palaging magkasalubong.

Tapos kapag lumalapit ka, ako na yung kusang umiiwas pero Langya! bilis pa din ng tibok netong traydor kong puso.

Iiwas na ako simula ngayon... Seryoso na to.



Pero salamat na rin at nagtagpo

Pero alam mo ba, masaya pa din ako na kahit saglit na panahon lang yon...

Nakilala kita, yung totoong ikaw.

Nakasama kita, pinakita mo lahat ng ugaling meron ka.

Naging tayo kahit na panandalian lang.

At naramdaman kong mahal mo ako...

Alam ko naramdaman mo din na mahal kita...

Kaso hindi tayo para sa panahon na ito.

Siguro kapag tama na yung panahon, kapag pwede na.

Baka maulit ulit!

Pwede ba nating ulitin ulit? 





Thank you! Sana nagustuhan niyo! :) 

-ChanielleMin

SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon