Ano bang hiling ko na tinutupad niya? Huy Jen, gumising kana para ka namang timang diyan.

     Nakasandal ka lang sa poging ito eh, " Jen, pina ayos ko na yong graduation pictorial mo at darating na ‘yon mamaya. " sabi niya habang ang isang kamay ay nasa laptop niya.

    Mukhang ginagawa niya yong presentation niya at naka abala pa ako sa oras niya.

" Sir, nakakaabala na ata ako sa oras niyo. " sabi ko sa kaniya mukha kasing kailangan niyang tapusin yong presentation niya. Ayan oh, diretso lang siya sa pagtatype niya at mukhang ayaw niya magpa abala. Nakaka akward kasi mas lalo na kung nasa bisig ka niya nakasandal.

" Jen, pakinggan mo ito. " sabi niya at pasimpleng naglagay ng headset sa tenga ko.

     Hala, ang bilis ng kamay ni sir Carllex at may nakahandang headset sa tabi niya.

" Teka, ayusin natin. " sandali niyang hawi ng buhok ko at inayos ang headset rito.

     Nakasandal lang ako sa kaniya at nagpaplay ng isang kanta. Ang kantang pangharana sana kaso mukhang pampa antok.

     Para akong dinadalaw ng antok sa mga sandaling iyon na kung ano'y nagpapikit sa mga mata ko ng tuluyan.

      Naramdaman ko na lamang ng unti unti niya akong pinahihiga sa bisig niya na tila iyon ang pakay niya kanina pa.

" Just rest in my arms Jen, even you don’t love me too. " pagkarinig kong sabi niya habang hinahawi ang mga buhok ko.

    Patawad sir Carllex at wala akong karapatan para sabihin sayo ang katotohanan.
Mahal kita pero hindi tayo para sa isa't isa kaya pasensya na sir.

" Jen, sana dumating ang araw na bigyan ako ng chance para tanggapin mo ako diyan sa puso mo. Maghihintay pa rin ako Jen kahit sinabi mong wala nang pag asa. " bulong niya sa akin.

     Ano ba Jen, pakinggan mo naman ang puso mo oh. Nagpapaka bitter ka na naman kahit may dahilan na siya para mahalin ka. Pero wala akong magawa dahil isip ang laging nangunguna sa akin. Maybe pinagtagpo lang tayo sir Carllex pero hindi tayo itinadhana. I closed my eyes again at tuluyan ng nakatulog sa bisig niya.

    Mapapatitig na lamang ang mga binata sa kaniya na tila puno ng pa rin ng pag asa na balang araw ay babalik ito sa kaniya para sa isang rason.

Iyon ay ang mahalin siya nito tulad ng pagmamahal niya sa dalaga.

His Pov's
     I was staring at her ugly face. Yes, pangit siya kaya ko siya nagustuhan at nahulog ang puso ko sa kaniya. Ang pangit pangit niya kaya nahihibang itong puso at isipan ko sa kaniya. Ano ba ang gagawin ko para mapa amin siya ng lubusan. Parang gusto kong sabihin na nagpapanggap lang siya kasi ang totoo ay mahal niya rin ako. Sana nga tama ang nakikita ko sa mga mata niya.

     Gusto ko siyang gisinging at sabihin muli na mahal ko siya. Pero baka iyon din naman ang sagot niya na hindi kami para sa isa't isa. Hayyst, itulog mo nalang yan Carllex baka sakaling mapanaginipan mo siya.

Makalipas ang isang oras
    Makikitang mag isa na lamang ang binata sa kama habang naka kumot. Sandali itong magigising at magtataka.

" Ay ang pangit na iyon hindi man lang ako ginising. " inis niyang bangon at isinuot ang sandalyas.
Mapapatungo siya sa kusina nang maabutan niyang nagluluto ang dalaga.

" Ako na riyan pangit baka mapaso ka pa at lalo ka pang pumangit. " inis niyang sabi sa dalaga.

" Sir Carllex baka mapaso kayo diyan. Sensitive pa naman ang skin niyo. " ganti niyang sabi sa binatang umagaw ng hawak niyang rice cooker.

        Aagawin naman ito ng binata sa kaniya. " H’wag ka nang pasaway pangit saka may kasalanan ka sa akin. Hindi mo ako ginising kanina. " paupo niyang sabi sa dalaga sabay titig rito. Mapapakamot na lamang si Jen sabay na iirap ito.

" Sir hindi niyo naman ako nobya para pagsilbihan niyo ako. " katwiran ng dalaga. Sandali namang tititig sa kaniya ang binata at ngingiti.

" Hindi nga kita nobya pero mahal kita. " diretsuhan niyang sabi sa dalaga sabay prepare ng lulutuin niyang gulay.

     Napatahimik na lamang si Jen. Kailan kaya niya aaminin ang totoo niyang nararamdaman?

    Mananatili kaya siyang magpapanggap na walang nararamdaman at patuloy ang pagtatago niya ng totoo nitong nararamdaman?

" Jen, ano ang iniisip mo ngayon? " ask ng sir Carllex niyang naghihiwa ng mga gulay habang nagsusulyap ng tingin sa dalagang nakasubsob ang mukha sa mesa.

" Wala sir, " tanggi nito na tila ayaw niyang ipabated ang problema niya.

" Jen, may ipis oh! " takbong turo ng binata. Napakuripas na lamang ang dalaga ng yakap sa sir Carllex niya na tila ganun din ang ekspresyon niya nong unang pagtripan siya ng binata.
Tatawa na lamang ang binata sa kalokohan niya at palihim na mangingiti.

" Sir, andiyan pa ba yong ipis? " pagkatakot nitong tanong sa binatang yakap yakap niya sa mga sandaling iyon.

" Wala na siya Jen, nag walk out na yong ipis. " pareho niyang tugon ngayon sa dalaga.

" Kainis, pinagtritripan mo lang ata ako sir eh. " suntok niya rito na ikinayuko ng binata.

" Aray Jen, ang sakit mo pa lang sumuntok. " arte ng binata na tila nagloloko lang.

" Da-dagdagan ko yan. " sungit nitong tugon sa binata at iniwan sa kusina.

Palihim na ngingisi si Carllex na tila naisahan na naman niya ang dalaga.
" 10 points, " ngisi pa niyang sabi at nagpatuloy sa ginagawa nito.

Jen Pov's
    Kainis siya, lagi nalang akong pinagtritripan yon. Arrgh, sinipa ko yong container na nasa harapan ko.

" Pangit, wag mong pagbuntungan ng galit ang container kasi hindi yan magrereklamo. " sabat niya sa kusina.

" Manahimik ka diyan at umuwi kana sa inyo. Tutal nakuha mo na ang gusto mo. Ganiyan naman kayong mga lalaki. " bara kong palayas sa kaniya. Hindi na lamang siya sasagot sa akin. Buti nga sayo, mga mayayaman talaga ngayon wala talagang modo. Porket nakuha na nila gusto nila.

      Papalabas na ako ng pintuan ng bigla akong hilain ng pwersahan at isinandal sa pader. Bumungad na lamang ang mga mata niyang nakakasakit ang titig na tila mali ang sinasabi ko tungkol sa kaniya. " You're wrong Ms. Santos! Wag ka na kasing choosy just accept my offer and I'll promise you. Hinding hindi kita sasaktan. " saad niyang sabi sa akin na parang gusto niya akong kumbinsihin.

    Ang sarap niyang sapakin at bugbugin dahil kinuha niya ang pagkababae ko.

    Gusto ko siyang pagbuntungan ng galit. " If you truely love me then just let me go! " saad kong tugon sa kaniya para ipamukha sa kaniya na mali siya ng iniisip.

       Imbis na lumayo siya ay patuloy siyang lumalapit sa mga labi ko. Jusko Jen, pumigil ka. Not now at hindi na dapat maulit ang kasalanan na nangyare kagabi. " Sir, kapag pinatuloy niyo pa yang balak niyo. Kakalimutan ko may nakilala akong Sir Carllex Fierce Carlos Charles de la Vega II. " banta ko pa sa kaniya.

    Napangisi na lamang siya na tila biro lang ang dating ng sinabi ko sa kaniya.

" Then subukan natin. " pasimple niyang hawak sa mga kamay ko at diniinan ang paghawak sa nito. Para siyang leon na tila may binabalak na pagsalakay.

       Walang ano ano'y sinunggaban niya ako ng halik sa labi na lalo kong kinagulat.

" Ano ba? (pagsusuntok ko sa kaniya) hindi kita mahal kaya umalis kana dito. Umalis kana dito sa bording house ko at umalis kana rin sa buhay ko. " sumbat ko pa sa kaniya na parang wala kaming pinagsamahan.

     I'm so sorry sir Carllex pero yon ang totooo at kahit magsinungaling pa ako ay gagawin ko. I‘m so sorry sir pero hanggang dito nalang ang lahat.

ONE NIGHT STAND (S-1)-Carrlex de la Vega series - COMPLETED Where stories live. Discover now