"Oo, maraming salamat sa pagbabantay. Maaasahan ka talaga. You never fail to impress me." saad ni papa.

Pinababantayan ? Ako ba ang pinababantayan ni papa? Sino naman yung kausap niya?

"Wag kang mag-alala hijo, ipapadala ko bukas na bukas din yung regalo ko sayo. Sa ngayon pahinga ka muna. Sige salamat uli." at ibinaba na ni papa ang phone. Bago pa ako maunahan ni papa ay agad ko na siyang tinawag.

"Pa, andito na po ako." saad ko na parang walang narinig kanina.

"Oh anak! Kanina ka pa ba dyan?" nang lingunin niya ako at agad na hinalikan sa pisngi.

"Ngayon lang po, pero nakita ko po kayong may kausap sa phone. Sino po yun?"

"Ah.. ah yun ba? Yung ninong mo kinakamusta ang negosyo." nakangiti pa nitong sabi. Tumango lang ako at ngumiti.

Nagsisinungaling si papa. Bakit? Ano bang meron? Sino ba talaga ang taong kausap nya? Kinakabahan ako.

"Anak sa friday na alis mo. Anong gusto mong baunin?" pag-iiba ni papa ng usapan. Umupo narin kami sa upuan doon sa veranda.

"Hmm.. Wala naman po. Okay na po yung mga dala ko sa maleta." sabi ko. Ayan nakakadepressed talaga, malapit na ang friday.

"Mamimiss ka namin anak, pagbutihin mong pag-aaral mo dun. Kung kailangan wala munang suitors okay?"

"Opo." sagot ko na pilit ngumiti.

Hindi nga ako magbo-boyfriend dahil wala na akong balak masaktan pa. Masyado na akong stressed sa bagay na yun.

Sa ilang mga araw bago umalis sa bansa ay ginugol ko iyon sa pagsama kay mama sa paggawa ng mga cakes at cookies, kung minsan naman ay pumupunta ako kina Zyrene. Medyo maliit pa yung umbok sa tiyan niya pero mukhang gumanda pa atah si Zyrene habang nagdadalang tao. Ang galing ng pagbubuntis niya, ang iba kasi nag-iiba ang itsura at tumitiim pa.

"Hindi na talaga mapipigilan ang pag-alis mo Seantal, bukas na pala yun." saad ni Zyrene habang nagkukwentuhan kami sa bahay nila.

"Oo nga eh, okay narin yun ng masimulan ko na ang operation move on." nakatawa kong tugon.

"Saan ka magmomove on? Kay Tovy?!"

Tinawanan ko nalang ang tanong na iyon ni Zyrene.

"Basta buo parin yung barkada pagbalik ko ha ? Sana naman hindi contagious yang pagiging pregnant mo at baka sumunod yung iba." pag-iiba ko ng usapan.

"Hala! Choice na nila yun noh, pero promise pagbalik mo dito buo parin ang grupo." agad ay sagot ni Zyrene.

"Mabuti naman, baka kasi mapag-iiwanan ako at ma-out of place pa ako sa inyo in the future."

"Hindi yun maiiwasan, babaeng iyakin lalo't iba ang culture dun sa kultura natin dito. Baka nga inglesera ka na sa mga panahon na yun eh."

"Okay lang yun, makakasabay ka parin naman dahil talent mo ang ngumuya ng english words." nakatawa kong saad.

Kantiyawan lang kami ng kantiyawan. Siguradong mamimiss ko ito. Naiiyak ako, sign na ang biglang pag-atake ng sipon ko.

"Oh? Anyare at tumahimik ka? Uulan na naman ba?"

"Hindi ah! Hindi ako iiyak promise ko yan, mamimiss ko lang talaga ang mga ganitong eksena."

"Ako din, pa-hug!"

At agad ay nagyakapan kami. Zyrene is really sweet kaya ako nahahawa eh.

"Wala na kaming kaibigan na matatakbuhan pag may problema. Mamimiss talaga kita at ng buong barkada." naka-pout pa nitong sabi. I just smiled.

Maghapon din ako sa bahay ng buntis kong kaibigan napasarap kasi ang usapan at kung saan-saan napadpad. Pero umuwi na din ako ng medyo dumilim na, malayo din byahe ko pauwi eh. Nang pumara na ako ng taxi ay siya namang paghagip ng malabo kong mata sa dalawang taong nasa kabilang ibayo ng kalsada. It was Tovy and .. Chloe! Wow lang, wala kaming proper closure tapos heto siya. Walang kahiya-hiyang nakipaglampungan sa ex niya?! Para akong naging tuod sa kinatatayuan ko na di makakilos. Napansin yata nilang may nakatitig sa kanila kaya napatingin sila sa direksyon ko. Pagkakita ni ni Tovy sa akin ay nag-smile pa ito at kumaway samantalang inirapan naman ako ni Chloe. Hindi parin siya nagbabago, pero yung ginawang pagkaway ni Tovy sa akin? Parang hiniwa ng one hundred times yung puso ko. Ganun ba talaga siya ka-insensitive?!

"Don't cry, I'm not gonna offer any hanky to you. Goobye!" bigla ko naman naalala ang sinabing iyon ni Tovy. Kaya automatic na binigyan ko sila ng pamatay kong ngiti. How I wish poisonous ang ngiti ko para tigok ang mga ahas na yun! Pagkatapos ay sumakay na ako ng taxi. I greeted my teeth because of anger. I hate them, I really, really hate them!

"I wont cry for you Tovy and to your godd*mn ass! I wont cry!" bigla ay naibulalas ko na ikinagulat naman ni manong taxi driver. Napapikit nalang ako ng mariin. Hmmp!

MY HANKY MANKde žijí příběhy. Začni objevovat