Chapter 10

18.6K 583 31
                                    

KABANATA X

[JIRSTERN MYLES]

Wala ako sa sarili nang makabalik ako sa mansion. Matapos kong sabihin kay Landon na break na kami ay hindi siya nakapagsalita. Iniwan ko siya roon at hindi na hinintay ang sasabihin niya.

I know he knew why we had to break up. It was the right thing to do. Even if I was the first, Chynna didn’t know our relationship. Kahit saang angulo tignan, kami ang nanluluko dito.

I shouldn’t have agreed with this kind of setup in the first place. I should have broken up with him before we could hurt someone else. I shouldn’t have believed his promise that he would fix everything and make his family accept me. Bakit ba nagpadala ako sa pagmamahal sa kaniya?

Habang pabalik sa silid ko ay narinig ko ang boses ni Mama mula sa nakaawang na pinto ng kanilang silid.

“Huwag mo na akong guluhin! Papadalhan naman kita!”

Napakunot ang noo ko. Sa halip na magtungo sa silid ko ay nagtungo ako nakaawang na pinto.

“Tatawagan ulit kita. Huwag ka lang tumawag dito. Baka si Oliver ang makasagot!”

Sa tono ng boses ni mama ay halatang pinipigilan niyang tumaas ang boses niya. Halos pabulong na siya kung magsalita ngunit hindi sapat para hindi ko marinig.

“Sige na. Sige na.”

Tumayo ako sa harap ng pintuan nila. Nakatalikod si mama sa akin. Kitang kita ko kung paano niya pinanggigilan ang phone niya habang sinusubukang patayin ito.

“Haist. Sabi nang ako ang tatawag eh,” inis na sigaw niya habang nakatingin sa phone na animo’y kausap.

“Ma,” mahinang pagtawag ko sa kaniya. Gulat naman siyang napalingon sa direksyon ko. “Sino iyon?”

Pilit siyang napangiti sa akin.

“A-Anak, wala lang iyon. Maniwala ka.” Itinaas niya ang kamay niya na para bang nangangako.

Wala sa sarili naman akong tumango. Tatalikod na sana ako ngunit napatingin ako kay Mama nang may maalala.

“Ma?”

“A-Ano iyon, anak?” nauutal pa ring aniya.

“Don’t hurt Tito Oliver. Mahal na mahal ka niya,” mahinang turan ko bago tinahak ang daan patungo sa silid ko.

Ipinatong ko ang braso ko sa mga mata ko matapos kong mahiga sa kama. Kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko.

I must endure it... for the sake of my mom’s happiness.

---***---

KINAUMAGAHAN AY hindi ako pumasok. Palakad-lakad lang ako kung saan-saan para makapag-isip-isip. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Nakita ko na lamang ang sarili ko sa isang park at nanatili roon hanggang lumubog ang araw.

Madilim na nang maisipan kong bumalik ng mansion. Naglakad ako hanggang sakayan.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang isang flyer na nakadikit sa pader ng gusali. Yummika Bar. Waiter/helper hiring. 13k per month. Must be 19-25 years old.

Napatingin ako sa gilid ko nang mabuksan ang pintuan papasok sa loob ng bar. Lumabas doon ang isang lalaki na may hawak na garbage bag. Mukhang naghahanda silang magbukas.

“Kuya, nagtatrabaho ka po ba dito?” agad kong tanong. Base sa suot niyang uniporme ay dito nga siya nagtatrabaho.

Tumingin naman siya sa kabuuan ko.

The Mistress's Daughter (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon