Chapter Two

19 0 0
                                    

“ANNA, are you sure you‘re okay with it?”
Nagtirik ng nga mata niya si Erin nang muling magtanong si Claudette kay Anna kung okay lang dito na sumama ito sa beach kahit na kasama rin nila si Andrew. Claudette has been asking Anna for several times now. Nasa mini bus na sila papuntang Batangas. Toni’s parents rented the mini bus para makasakay silang lahat. Nasa harapang upuan ni Erin sina Claudette at Anna na magkatabi. Si Klea naman ang katabi ni Erin. Medaling-araw pa lang ng mga oras na iyon.
“I’m okay, Claud. Erin already talked to Drew, right? He said there is nothing to worry. If he’s okay, I’m okay, too,” narinig ni Erin na sabi ni Anna. Humahanga rin siya sa maturity nito. Kung ibang babae lang ito ay siguradong mag-iinarte ito at sasabihin na ayaw nitong makasama ang ex nito. But she was different. Para makapag enjoy ang iba ay kailangan nitong tiisin na mapalapit sa ex nito. Ngunit hindi pa rin nakaligtas kay Erin ang pagtawag pa rin Anna sa palayaw ni Andrew. Some of his close friends call him Drew. Ngunit hindi na rin gaanong pinagtuunan ng pansin ni Erin iyon.

NATUTULILIG na ang tenga ni Andrew sa mga kaibigan. Wala kasing mukambibig ang mga ito kundi ang tungkol kay Anna. Mula ng kausapin siya ng class president nila na si Erin ay hindi na siya tinigilan ng mga ito.
“Halata naman na gusto ka pa niya, pre. Mukhang may feelings pa talaga siya sayo. Bakit hindi mo balikan?”
Ilang beses na niyang narinig iyon kay Jordan. At panigurado na sesegunduhan iyon ni Albert.
“Oo nga naman, Drew. Para naman hindi na mag-alala mga classmates natin. Mas maganda pa ‘tong venue ng pagbabalikan niyo kung sakali,” sabi naman ni Albert. Hindi nga siya nagkakamali na sesegundahan nito si Jordan.
“How many times do I have to tell, I don’t care?” Ilang beses na niyang sinabi iyon sa mga ito.
At hindi siya pinapaniwalaan ng mga ito. Sa totoo lang ay wala na talaga siyang pakialam kay Anna. Matagal na siyang nakamove on dito.
“Hay naku, Drew, mapride ka masyado.” Gusto ng magtirik ng mata ni Andrew sa sinabi ni Albert.
“Alam namin na ayaw mo lang siya lapitan dahil sa pride mo,” segunda naman ni Jordan.
“Mga pare, hindi—
“You know what, what if you make her jealous para siya na ang lumapit sayo?” bigla ay sabi ni Albert.
“What?” kunot noong tanong ni Andrew. Minsan ay naitatanong niya sa sarili kung paano niya naging kaibigan ang mga ito. Maloko rin siya ngunit iba ang level ng kalokohan ang mga ito.
“Make her jealous,” ulit pa ni Albert.
“At bakit ko naman gagawin ‘yun?”
“Para si Anna na mismo ang lalapit sa ‘yo. Marerealize niya na hindi niya kayang may ibang babae sa buhay mo,” paliwanag pa ni Albert. Tumango-tango naman si Jordan na senyales na sinasang-ayunan nito si Albert.
Umiling-iling si Andrew.
“Come on, pre. Atleast hindi mo na kailangan ibaba ang pride mo para lapitan siya. Siya na mismo ang lalapit sa ‘yo”
“Don’t ever expect me to do that. ‘Coz I absolutely not gonna do it.”
“Why not?” kunot noong tanong ni Albert.
“Yeah, why not?” segunda naman ni Jordan.
Bumuntung hininga si Michael. Ginawa niya iyon upang pigilan ang sarili na tuluyang mainis sa mga kaibigan.
“First, wala ako kahit na katiting na balak na makipagbalikan kay Anna. Tapos na sa ‘min ang lahat at alam kong malinaw na sa kanya iyon.  Second, wala rin akong balak na mandamay ng kahit sino para sa kalokohan niyo. Wala ng pangatlo. Yan na iyon. Kaya tigilan niyo ‘ko, okay?” pandidismis niya sa dalawang kaibigan.
“Shut up,” pigil pa ni Andrew na tangka pa sanang pagsasalita ni Albert. Nagpasalamat siya na tumigil na ang mga ito. Ipinikit niya na lamang ang mga mata at sinubukang umidlip habang nasa byahe pa sila.

NAIINIS na lumayo si Andrew sa mga kaibigan niya. Hanggang ngayon ay kinukulit pa rin siya ng mga ito na pagselosin si Anna. Naliligo na halos silang lahat sa dagat. Hindi na sila nagpahinga at lumusong na kaagad. Nais sanang mag-enjoy ni Andrew ngunit hindi pa rin siya tinigilan nina Albert at Jordan. Ayaw talaga siyang tantanan ng mga ito. Kaya naman bago pa niya masapak ang mga ito ay lumayo na siya. Galit na sinabihan niya ang mga ito na huwag siyang susundan. At nagpasalamat naman siya na hindi na siya sinundan ng mga ito.
Paghaon niya ay napansin niya si Erin na nasa dalampasigan at nag-iihaw. Mag-isa lamang ito na iniihaw ang mga pagkain nila. Hindi na nag-isip si Andrew at nilapitan na niya ito.
“Prez, ba’t mag-isa ka lang dito?” tanong niya dito pagkalapit niya. Busy ito sa pagpaypay sa mga barbeque na nakasalang. Saglit lang na tinignan siya nito.
“Wala kasing nag-aasikaso sa mga ito, eh. Wala kayong kakainin pag-umahon kayo.”
“Eh, sina Toni?” Wala sa kasalukuyan ang kaklase pati na rin ang parents nito. Kanina pa niya ito hindi napapansin.
“Pumunta lang sila sandali sa palengke. May kulang pa yata na ingredients sa lulutuin nila para mamayang gabi.” Mamayang gabi ang magiging pinakaparty ni Toni.
“Ikaw, bakit humahon ka na? Gutom ka na ba? Hintayin mo na ‘to.”
Lumapit si Andrew kay Erin at inagaw dito ang pamaypay.
“Kaya ko na ‘yan.” Inaagaw nitong muli sa kanya ang pamaypay ngunit hindi niya ito hinayaan.
“Minsan ka lang sumama sa lakad ng klase, prez, kaya hindi puwedeng ikaw lang mag-isa ang gagawa nito.”
“Okay.” Saka ito pumunta sa sa kabilang side ng grill paharap sa kanya. Inikot-ikot nito ang mga barbeque.
“Parang bad mood ka yata ngayon,” pansin nito sa kanya. Tinignan niya ito ngunit abala ito sa pagbaliktad ng mga nakatusok na karne. Kaya ibinalik niya ang tingin sa iniihaw nila.
“Kunot na kunot ‘yang noo mo.”
Hindi na muna pinansin ni Andrew ang sinabi ni Erin. Ipinagpatuloy lang niya ang pagpaypay. Ngunit maya-maya ay napabuntong-hininga siya. Saka niya itinigil ang pagpaypay.
“Nagkaboyfriend ka na ba, Prez?” bigla ay tanong niya. Napatingin ito sa kanya.
“Nope.” Inaasahan na niya iyon. Kumpara kasi sa iba ay kakaiba si Erin. Mature ang pag-iisip nito. Hindi ito nakikisabay sa ilang nauusong gawain ng mga millenials. Ito ang klase ng estudyante na walang ibang focus kundi ang pag-aaral.
“Do you have plans to have one?” he asked her otherwise. Pinagpatuloy na ulit niya ang pagpaypay sa mga karne. Bagong salang na ang nasa grill.
“Nope.”
“Why not?”
“Wala akong panahon d’yan.”
Lihim na napangiti si Andrew dahil tama ang kanyang hinala.
“Masyado kang seryoso sa buhay, alam mo ba ‘yun, Prez?”
“Yan ang hindi totoo. I also know how to have fun.”
“Like how, then?” medyo hindi siya naniniwala sa sinasabi.
“Like watching movies, playing volleyball.”
Natawa si Andrew. Napakunot-noo naman ito.
“What?”
“Anyone can watch movies and play sports.”
“I know,” kibit-balikat lang nito.
“What I mean is except those things ano pa ang fun para sa’yo?”
Saglit na nag-isip si Erin.
“I play video games.”
Bahagyang nagulat si Andrew sa sinabi nito.
“You do?”
“Yes. Pagkatapos ng nakakastress na exam, uupo ako sa harap ng computer at halos maghapon akong naglalaro.”
Nagtanong pa si Andrew ng ilang mga nilalaro nito. Medyo namangha siya kay Erin dahil doon. Sa tingin niya ay magkakasundo sila doon.
“After ng final exam, kung gusto mo pumunta ka ng bahay para makapaglaro tayo.”
“Sure.” Hindi niya palalampasin iyon. Minsan ay nagsasawa na siya na palaging sina Albert at Jordan ang kalaro niya. Besides kilala niya ang parents nito. Erin’s parents were working on his father company. Although ang ina pa lang ni Erin ang nakikita niya ng personal. Kilala din siya ng mga ito.
“Well, I never knew that you’re cool pala, Prez.”
Nakita niya na napangiti ito. Natigilan si Andrew nang makita ang iyon.
“I told you I can be fun, too.”
Bahagya pa rin nakatulala si Andrew sa pagkakangiti ni Erin. Biglang bilis ng tibok ng puso niya. Bigla niyang hindi nakilala ang sarili.
“I never knew also that you have a beautiful smile.”
Kunot-noo na napatingin ito sa kanya.
“What?”
At saka pa lang nahimasmasan si Andrew. Nasapo niya ang kanyang dibdib. Hindi pa rin nawawala ang bilis ng tibok ng puso niya. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot-noo ni Erin.
“Andrew, are you okay?”
Tumango si Andrew.
“Yes, I’m fine.”
“You look weird.”
“And my feeling is weird.”
“Are you really okay?” Mas lalo siya nitong tinitigan. Mababahid ang pag-aalala sa mukha nito
“Yup. Anyway, maliban sa video games, ano pa ang hobby mo?”
Saglit na naging relunctant si Erin ngunit sinagot din nito ang tanong niya. At hindi na nagtagal ay nabalik ang dati nilang mood. Mas marami pang nalaman si Andrew tungkol kay Erin. Mahilig din pala itong magdrawing. Sa panonood daw nito ng anime natutunan iyon.
Habang nakikipagkwentuhan si Andrew ay parang naging magaan ang pakiramdam niya. Nawala ang inis sa kanyang dibdib. Naging maganda ang kanyang mood. Lalo na kapag nakikita niya itong ngumiti. Hindi siya nagsinungaling ng sabihin niya dito na mayroon itong napakagandang ngiti. Nasabi niya iyon na para siyang wala sarili, ngunit sinsero siya doon. Ang totoo ay saglit na nawala siya sa sarili dahil sa ngiti nito. Bahagyang nalito si Andrew sa nangyari. Maliban sa pagbilis ng tibok ng kanyang puso ay parang tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo. Nagkakaroon ng idea si Andrew sa nangyayari sa kanya ngunit hindi muna niya gaanong pinansin. Naramdaman na niya iyon dati kay Anna nang una niyang beses na makita ito. Ngunit iba ang sitwasyon kay Erin. Matagal na niyang kakilala si Erin at kung tutuusin ay ngayon lamang niya nakausap o nakakwentuhan ng ganoon ang president ng kanilang klase. Andrew doesn’t want to jump to conclusion. Sa ngayon marahil ay masaya siyang kakwentuhan ang dalaga.

NANG magtanghali ay nagsiahon na sina Erin sa dagat. Kahit paano ay nakapagswimming din si Erin. Nakasama niya sa pagsuswimming si Andrew. Napansin niya na umiiwas ito sa mga kaibigan nito kaya hinayaan muna niya ito. Naging masaya naman si Erin sa pakikipagkwentuhan kay Andrew. Sa klase ay madalas na mag-asaran sila kasama ang mga kaibigan nito. Kaya naman iyon  lamang ang unang beses na nakapagkwentuhan sila ng ganoon. Ang napansin ni Erin sa lalaki ay ang pagkakaroon nito ng sense kausap. May pagkamature na rin ito kaya marahil nakasundo niya ito. Lumalabas lang marahil ang immaturity nito kapag kasama sina Albert.
Syempre ay mayroon sa mga kaklase nila ang nakakapansin ng pagkakalapit nila. Isa na doon si Klea. Nagtanong ito kung bakit sa kanila sumama sa pagsuswimming si Andrew. Sinabi niya ang napansin niya sa lalaki kay Klea at mukha naman naging satisfied ito sa sagot niya at hindi na siya kinulit.
Pagkatapos ng tanghalian ay umidlip muna si Erin. Dalawang oras din siyang nakatulog. Pagsapit ng hapon ay nagkayayaan ang mga babaeng kaklase niya na pumunta sa malapit na flea market. Sumama na rin si Erin upang makabili siya ng pasalubong sa kanyang mga magulang. Palabas na sila ng Villa ng makasalubong nila sina Andrew, Albert at Jordan. Agad na nginitian si Erin ni Andrew. Gumanti din siya ng ngiti kahit na medyo nailang siya.
Sa tingin ni Erin ay nagkaayos na si Andrew at mga kaibigan nito.
“Sa’n kayo pupunta?” tanong ni Andrew. Ang mga kasama naman ni Erin ay nauna ng naglakad habang kausap niya si Andrew. Naiwan sila doon ni Klea.
“Pupunta lang kami doon sa malapit na flea market.”
“Bibili ka ng pasalubong?”
“Oo.”
“Sama na ‘ko. Gusto ko din bumili ng pasalubong.”
“Sure.” Huli na ng maisip ni Erin na kasama nila sa pagpunta sa flea si Anna. Napalingon siya kay Klea na pinanlakihan siya ng mata.
“Uhm, I mean, are you sure? Sabi ni Toni marami daw tao ngayon doon.”
“Okay lang. Kailangan kong bilhan ng pasalubong ang yaya ko.”
Narinig niyang impit na natawa sina Albert at Jordan. Nilingon niya ang dalawa. Na agad pinigilan ang pagtawa.
“Wala rin naman kaming gagawin dito. Mamaya pang seven o’ clock magstart ang party ni Toni.”
Walang nagawa si Erin kundi ang isama si Andrew kasama sina Albert at Jordan. Susubukan na lamang niyang iiwas ito kay Anna.

AT MUKHANG hindi iyon naging mahirap dahil kay Erin lang dumikit si Andrew habang namimili sila ng pasalubong. Tinulungan siya nitong mamili ng pasalubong. Ganon din ang ginawa niya para dito. Madalas pa ay nagjojoke ito at napapatawa siya nito. Si Klea ay kina Claudine sumama, samantalang sina Jordan at Albert ay nakahiwalay sa kanila. Ngunit nakikita pa rin nila ang mga ito sa paligid. Inaasahan niya nung una na puro asaran ang mangyayari habang namimili sila sa flea market. Ngunit kataka-takang lumalayo ang mga ito sa kanila ni Andrew. Bahagyang naiilang si Erin na si Andrew lang ang kasama niya ngunit hindi naman niya puwedeng pagtabuyan ang lalaki. Hindi man sila close bilang magkaklase ay hindi rin naman siya bastos. Ngunit ayaw man niyang aminin sa sarili ay nag-eenjoy din siya habang kasama ito. Hindi malaman ni Erin kung ano ba talaga ang nadarama niya.
“Anong mas maganda dito sa dalawa?” tanong kay Erin ni Andrew habang itinaas nito sa harap niya ang dalawang magkaibang design na sea shell keychain.
Inisip muna ni Erin ang sagot dahil para sa kanya ay parehong maganda iyon.
“Ito,” turo niya sa kulay pink na sea shell keychain.
“Babae ka pala, prez, mahilig ka rin sa pink,” biro nito sa kanya habang mahinang tumatawa.
“Ano naman tingin mo sa ‘kin?” natatawang sakay niya sa biro nito. Tumatawa pa rin na binaba nito ang hindi napili na keychain at kumuha pa ng tatlo na katulad ng pinili naman niya na pink na keychain. Saka nito tinawag ang saleslady at nagbayad.
Maya-maya ay inabot nito sa kanya ang dalawa sa keychain na binili nito.
“Oh, ba’t sa ‘kin mo binibigyan ‘yan?” tanong ni Erin na hindi pa kinukuha ang inaabot nitong keychain.
“Para sayo saka sa mama mo,” sagot ni Andrew.
“Ha?” naguguluhang sabi niya.
“Para sa inyo yan ng mama mo. Itong dalawa naman para sa yaya ko at sa maid namin,” ani Andrew.
“Kaya ko naman bumili nito para sa mama ko.”
“Basta, kunin mo na,” pagpupumilit pa nito sa kanya. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi kunin ang keychain dito.
“Thank you.”
Ngumiti ito ng matamis sa kanya.
“Welcome.”
Bigla ay para nawala sa sarili si Erin. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“Tara, tingin pa tayo dun.” Saka nito hinawakan ang kanyang kamay at bahagyang hinila sa isang dereksiyon. Hindi pa rin makahuma si Erin. Bigla ay hindi niya nakilala ang sarili. Nang may bahagyang bumunggo sa kanya ay doon pa lang siya parang natauhan. Saka lang din niya narealize na hindi pala siya humihinga. At duon niya rin narealize na hawak siya sa kamay ni Andrew habang bahagya siyang hinihila. Bigla ay nang-init ang kanyang mukha. Kung titignan ay magkaholding hands silang dalawa. Nakatingin lang siya sa likuran ni Andrew habang naglalakad sila.
Anong nangyari? Bakit bigla naging ganuon sila? Paano sila humantong sa ganoon? Sa pagkakatanda niya hindi sila ganong kalapit ni Andrew.
Dahil marahil sa naisip ay napahinto sa paglalakad si Erin. Kahit na nabubunggo na siya ng ilang dumaan dahil sa bahagyang dami ng tao sa flea market ay huminto pa rin siya. Napansin iyon ni Andrew at lumingon sa kaniya. Nagsalubong ang mga mata nila. Muli ay parang nawala sa sarili si Erin. Umiwas siya ng tingin.
“Is there a problem?” kunut-noong tanong ni Andrew. Nasa mukha ang pag-aalala.
Ngunit hindi na muling sinalubong ni Erin ang tingin ni Andrew. Bagkus ay sa magkahawak nilang kamay siya tumingin. At mukhang napansin iyon ni Andrew. Muling tinignan ni Erin ang mukha ni Andrew, mukhang maging ito ay nagtanong sa sarili kung bakit sila magkahawak ng kamay. Inaasahan ni Erin na bibitawan na ni Andrew ang kamay niya, ngunit nanatili lamang itong nakahawak.
“Uhm, Erin—.”
Nahinto ang sasabihin nito nang biglang sumulpot si Klea sa kung saan at ito ang nagpahiwalay sa mga kamay nilang magkahawak. Tapos ay galit na tumingin ito kay Andrew.
“Don’t you ever touch Erin again!” banta nito kay Andrew. Saka na siya nito hinala palayo kay Andrew.

Young HeartsWhere stories live. Discover now