Zombie 1

3.6K 116 8
                                    

Stephen's POV

Basa, basa, basa, basa, basa, basa.

Pirma, pirma, pirma, pirma, pirma.

"Haist!!! nakakangalay naman sa kamay. >_<" (yawn). Nag unat unat ako ng kamay at nagstreching ng konte.

Tinignan ko yung mga papeles na dapat ko pang basahin at pirmahan.

Tambak pa sila, pero kailangan kong matapos yan within ang week.

Humiga muna ako sa kama ko at tinignan ang puting kisame.

"Dad, namimiss na namin kayo ni Mommy. Pati na rin sina Lolo at Lola. Siguro masaya na kayo dyan sa langit noh? hehehe." 9 yrs na din pala ng mawala sila Daddy samin. At 2yrs na nung sumunod sa kanila sila Lolo at lola.  Nakakalungkot na maaga kaming naulila ni Cedric.

Bumangon ako mula sa kama at baka maiyak na ko sa pagkamiss ko sa kanila.

Wala pala si Manang dahil umuwi ng probinsya. Nag iisa lang namin syang katulong dito sa bahay. Kami lang naman kasi ni Ced ang tao dito tsaka nasa condo lang kami tumitira ngayon dahil namimiss lang namin yung mga magulang namin kapag doon kami sa family house.

Ako nga pala si Stephen Takumi Sarmiento. 18 yrs old, a fourth year high school student. At ang presidente  ng kompanya namin in a very young age.

Wala eh, ganun talaga. Simula ng mawala sila Daddy at sila lolo wala ng pwedeng pumalit sa pagpapatakbo ng kompanya kundi ako na lang.

Ayoko namang patakbuhin yun ng mga kamag anak naming mukhang pera.

At dahil ako ang pinaka matanda, sakin na naipangalan ang company namin.

Tsaka tama ng ako yung nagsasakripisyo kaysa naman si Cedric yung nakakabata kong kapatid. Third year na sya at same school lang kami.

Sa Blue Pegasus Academy kung saan grumaduate sina daddy, lolo at lola.

Pagbaba ko sa sala nandun si Cedric at abalang nanunuod na naman ng movie. Yung movie na favorite nya at ilang beses na naming napanuod.

"Hoy Ced. Yang World War Z na naman yang pinapanuod mo. Hindi ka ba nagsasawa dyan?" umupo na ko sa sofa at nakinuod sa kanya.

"Wala namang magandang zombie movie maliban dyan kuya eh. Yung iba ang corny na tss." tutok na tutok sya sa monitor ng tv namin. Maganda na kasi yung eksena. Ito na yung may maraming zombies na pilit inaakyat yung mataas na pader. Ang astig lang ng pagkakagawa nun. Parang langgam yung mga zombies sa dami.

"Ced, nagawa mo na ba yung mga assignments mo?" unti unti nya akong nilingon sabay ngumiti. Haist alam na.

"Hindi pa? hehehe. Pagkatapos na lang nito kuya promise." ginulo ko na lang yung buhok nya. Ito talagang kapatid ko.

"Siguraduhin mo lang ah. Babawasan ko yung allowance mo kapag hindi ka na naman gumawa." nagpout pa yung loko. Hahaha. Binabawasan ko kasi yung baon nya kapag gumagawa sya ng hindi maganda.

"Ou na kuya. Tsk tsk." umalis na ko sa sala at kumuha ng malamig na tubig sa ref.

"Si Ced talaga,. " napangiti na lang ako sabay lagok ng malamig na tubig. Naging zombie fan yang kapatid ko dahil sa mga kwento ni lolo Melvin samin nung mga bata pa kami.

Na minsan nagkaroon ng mga zombies at nilipon nun ang sangkatauhan. Like on movies.

Pero syempre hindi totoo yun. Panakot lang samin yun ni lolo kapag naglilikot kami sa loob ng bahay nila.

*rrriiiinnnnnggg"

Biglang nagring yung telepono sa sala. Sumilip ako mula sa kusina at nakita kong sinagot iyon ni Cedric.

Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita ang reaksyon ng mukha nya.

Then suddenly nabitawan nya yung phone at napatakbo sa may tv.

Ano naman ba trip ng isang toh?

Sinundan ko sya sa sala, at doon ay tutok na tutok sya sa palabas.

"Bagong movie na yan?" tanong ko sa kapatid ko. Hindi sya umimik at patuloy lang sa panunuod.

Umupo na ko sa sofa at pinanuod yung pinapanuod nya.

Naexcite siguro toh sa bagong movie kaya napatakbo dito sa sala.

Makikita sa palabas yung mga amerikano na nagtatakbuhan habang hinahabol ng mga zombies.

Ang dami na ding mga bahay na nasusunog at mga nabanggang kotse.

Ang galing ng pagkakagawa ah. Parang totoo.

"Ced, sino director nyan? Ang galing ah. Parang totoo talaga." sabi ko sa kapatid ko. Nilingon naman nya ako. Yung mukha nya parang ewan.

"Oh? anong nangyari sayo?"

"Kuya hindi Movie yan. Balita yan from States. May zombie outbreak na doon."

--------++++++++++-------

A/n: Chapter 1 of LBZR2. Sana magustuhan nyo. Vote and comment mga kwis.

Btw.

Hindi po ako makapag post ng pic dito sa wattpad kaya search nyo na lang sa facebook yung mga characters natin.

Cast so far.

Stephen Guilaran as Stephen Takumi Sarmiento.

Cedric John Molina as Cedric Tatsumi Sarmiento

Enjoy reading. ^^

Last Breath: Zombie Rises IIWhere stories live. Discover now