"Can you do one more round?" aniya na parang nakikiusap pa.

Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. "Wala ka talagang balak na tigilan ako ngayong gabi?" Lumayo siya ng konti para magkatinginan kami. Tapos nginisian niya 'ko. "Stop that, Fyuch. You're turning me on again."

"Really?" Binigyan niya 'ko ng nakakalokong ngiti. Natatawa ko siyang inirapan at napasinghap na lang ako nang maramdaman ko na naman ang pag gapang ng kamay niya sa tiyan ko.

Pabiro kong pinalo 'yon. "But I need to rest now. Baka hindi na 'ko makatayo bukas sa mga coverage ko. Tsk."

"Ihahatid naman kita, e," pangungumbinse niya nang nakanguso pa. Ang kyoti kyoti, nakakainis! Kinagat ko ang mga labi ko para pigilang mangiti sa itsura niya. "Pero sige kung pagod ka na talaga, bukas na lang."

Aba't talaga naninigurado pa! Hahahahaha.

Nang makapagpahinga na kami ng husto, binuhat niya 'ko papasok ng banyo at pinaliguan. Tinotoo nga ng loko! Pinaghanda niya pa 'ko ng maligamgam na tubig sa bathtub. Kaya nang ibabad niya 'ko roon ay ginhawang ginhawa ako.

"How do you feel now? Masakit pa?" he worriedly asked.

Haaay. Sobrang swerte ko sa lalakeng 'to, shet! Bihira na lang sa panahon ngayon 'yung ganito na aasikasuhin ka after n'yong mag-sex. Madalas sa mga lalake tutulugan ka na lang o kaya ay iiwan ka na lang basta.

"Grabe pinagod mo 'ko ng todo ngayon, Attorney," nanghihinang sabi ko habang pinatutuyo niya sa blower ang buhok ko. Damit at boxers din niya ang suot ko dahil tinamad na 'kong bumalik sa kwarto ko para magbihis.

"Sorry, baby. Di ko napigilan," nakangiting sagot niya.

Nakikita ko ang repleksyon niya mula sa kanyang full length mirror and he doesn't even look apologetic at all. Amp!

"Di naman halatang namiss mo 'ko masyado?" asar ko pa. Kahit na magkasama kasi kami sa unit, buong linggo kaming halos walang matinong oras para sa isa't isa. Lagi akong late umuuwi. At pag-uwi ko naman, may uwi pa rin akong trabaho.

He always try to make time for me sa kabila ng tambak din niyang mga cases. Ang alam ko nga ay may tinatrabaho siyang malaking money laundering case ngayon dahil may mga lumabas ng balita tungkol doon. Malaking kumpanya rin kasi ang involved kaya pinagpi-pyestahan ng media—tho hindi ako ang reporter na naka-assign sa issue na 'yon.

Sobrang lumalambot talaga ang puso ko kapag nakikita ko siyang nag-e-effort for me. Kaso nagkataon na nagkasabay sabay ang mga ganap ko sa trabaho at mga hindi ko inaaasahang issue sa buhay recently. Kaya gustuhin ko mang magpaka-flexible at sabayan ito ng harot, hindi ko na talaga kinakaya.

Na-realize ko na normal na babae pa rin pala ako—nauubusan ng time lumandi. Char!

Pagkatapos niyang mapatuyo ang buhok ko ay sinuklay naman niya ito ngayon. Dahan dahan pa nga at may kasama pang masahe sa ulo kaya sarap na sarap ako.

"You're always busy with work and with your fake fiance. You don't have time for me anymore," may pagtatampo na reklamo niya. Natawa ako.

"May hinanakit talaga siya oh!"

"Tsk. Inaagaw nila pati bebe time ko, e."

Tuluyang lumapad ang ngisi ko. "Seselos ka, bb?"

"Tuwang tuwa ka naman?"

Napatuwid ako ng upo at humarap sa kanya. "Syempre! Ang sarap kaya sa feeling na nagseselos ka. Ibig sabihin love na love mo talaga 'ko."

Nag-beautiful eyes pa 'ko para magpa-cute ng husto sa kanya.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now