"Apollo, you have to check your patients today!" Narinig ko pa ang boses ni Engineer Zajares sa dapit likod ko.

Natigilan ako.

"It's still early, alas nueve ang dating ng unang pasyente ko sa araw na ito, Tobias," sagot naman ni Apollo na kumpirmadong nasa tabi ko!

Sinulyapan ko siya at ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita kong nasa akin ang buong pansin niya.

"Sasama na muna ako sa inyo na mag-observe dito sa construction," sabi pa niya.

Muling nakalapit si Engineer Zajares sa amin at kita ko kung paano kumunot ang noo niya sa sinabi ng pinsan.

"Ano? Nauntog ka ba at tingin mo iba na ang propesyon na tinapos mo? Anong ichecheck mo dito, Apollo? Wala kang pasyente dito!"

"I'm the partial owner of the hospital, Zajares.  It's my right to check the update of the hospital's construction."

Tumaltak si Engineer Zajares. "Ang hina ng diskarte mo, Montravo."

"Hindi ko naman kailangan magmadali. Ikaw nga sa sobra mong pagmamadali, kahit hindi mo pa napuputol ang tali mo sa iba, ginusto mo nang magpatali sa isa. Look what happened, Tobias? It was a wrong move, man."

"Tangina ah. Namemersonal kang doktor ka!" Engineer Zajares hissed.

Ngumisi lang si Apollo at bumalik muli ang sulyap sa akin. "Tayo na nga lang dalawa, Architect..."

"A-Ano?" Tell me, I misheard him!

Mas lumawak ang ngisi niya. "Tayo na nga lang mag-observe sa construction, Architect. Iritado itong inhenyero na kasama natin."

My heart almost sink with his gentle voice. Sa pagkakalmado ng boses niya kapag ako ang kinakausap niya, halos di ko na marecognize na nang-aasar siya sa pinsan niya.

Pinakatitigan ko ang ngisi na nakaukit sa mga labi niya pati na rin ang kabuohan ng mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala nang dumako ang titig ko sa may buhok niyang nakaayon sa pamilyar na haircut.

"But, I can't let you observe with no hard hat on the top of your head, Dok. It's always a precautionary measure on the site," sabi ko. "Baka may mahulog na mabibigat na mga bagay sa'yo dito..."

"Nag-aalala ka ba sa akin, Architect?" Bigla'y nagtanong siya. "Put one on my head then, Lauvreen."

Napakurap ako sa huling sinabi niya.

He's just on his black slacks and a gray polo shirt today. He's not wearing any labcoat and a stethoscope around his neck. Kung magsusuot siya ng hard hat, magmumukha siyang... inheyero.

Kakayanin ko bang makita siya sa ganoong pormahan at maikompara ulit sa taong nakikita ko sa katauhan niya?

"Are you ordering the project's Architect for your sake, Montravo? Hindi mo ba maabot ulo mo at ipapagawa mo pa sa iba?" Engineer Zajares suddenly interrupted with a hiss. Mayroon na siyang hawak na hard hat at inaabot niya ito kay Apollo. "Ipapatong mo lang naman yan sa ulo mo, man. As if you didn't know what to do." Tumawa na si Engineer sa huling sinabi niya.

"Tangina ah. Gumaganti ka, Engineer!" Apollo hissed back with a cuss.

Sandaling umawang ang bibig ko pagkarinig ko nun.

Kumbinsido na talaga akong dinadaya na lamang ako ng aking sariling pandinig. Parang mas napapalapit pa yata ako sa banta ng pagkabaliw. Sino ba naman kasi ang matinong tao ang nakakalma kahit na harap-harapan na itong nagmura?

"Uh, it's okay, Engineer. If he wants me to put it on his head, wala naman nang problema sa akin..." Maski ako'y nagulat sa lumabas sa bibig ko.

Napatingin si Engineer Zajares at si Apollo sa akin. Nang makita kong nagulat din sila sa sinabi ko, ako na mismo ang kumuha sa hard hat.

Growing Attention (Pueblo Dulce #3)Where stories live. Discover now