kabanata 19

23 2 0
                                    

Selos

"Saan ba talaga tayo pupunta?"- napasimangot lalo ako dahil dinedma nanaman ako ng lalaking to naku kung di ko lang to gusto nilasan ko na to e kainis. Tulad nga nung sinabi nya kanina ay iintayin nya ako pakatapos ang trabaho ko ay tinotoo nga nya at kanina pa kami lakad ng lakad dito sa may kagubatan na medyo malayo na sa bayan ng San pedro.



Ang totoo nyan di naman ako natatakot kung saan nya ako dadalhin ewan ku ba kung bakit pero panatag ako na wala syang gagawin na masama saakin kahit na nasa may liblib na kami. Hmmm oo nga pala kamusta kaya yung date nila ni mama tina kahapon itanong ko ulit kaya sa kanya. Napatitig naman ako sa likod nya habang nangunguna syang maglakad saakin.



Ang pogi nya ngayon kahit simpleng polo shirt ang suot at naka maong na pants sya pero ang ganda parin tindig nya ang lapad din sa tingin ko nga kung may pinagtataguan akong tao ay pwede ako magtago sa likod nya tsaka napatingin naman ako sa braso nya siguro naggigym ito kasi ang lalaki ng mga braso siguro matitigas yung mga yun. Speaking of this boy nasan na kaya sya sa panahon ko at bakit di ko man lang sya nakita kahit minsan. Well aside of my parents said nabroken hearted daw sya first love nya at umalis ng pinas para makalimot at dahil doon ay dina daw ito umuwi ng pinas mukhang masyado nyang dinibdib ang pagkabroken nya sa first love nya.


Pero sandali sino ba kasi yung first love nya dito as i know wala naman syang nilalapitan na babae pwera nalang kay corazon na pinsan nya, si Avella na kapatid ni ate amanda na feeling ko wala syang interesado sakanya at lalo naman di saakin dahil kakarating ko palang dito pero wait napangiti nalang ako ng mapait dahil si mama Tina pa pala dahil isa din sya sa mga babae na nakakasama nya at nagdate pa nga sila diba. So, saaking theory baka si mama tina ang first love nya dahil nga nagpakasal si mama tina kay papa marco ay doon sya nabigo at pumuntang ibang bansa at doon nagmove-on. Napatigil ang pag-iisip ko dahil bigla nalang nabunggo ang mukha ko sa isang matigas na bagay na kinabigla ko.

.

"Hay first love ng lolo mo."- napahimas ako sa noo ko at tinignan ang bagay na nakauntugan ko. Pero nagulat ako na isang malapad na dibdib napalunok tuloy ako at dahan dahan na tumaas ang tingin ko hanggang sa nagkasalubong ang tingin namin ni Carlos. Nagkatitigan lang kami at magsisinungaling ako kung sasabiin kong diko gusto ang mga bughaw nyang mga mata na para bang nangungusap ang mga ito at para bang madami itong gustong sabiin. Dahil di ko na matiis ang mga titig nya ay ako na ang umiwas ng titig.



"Bakit ka ba biglang tumigil sa paglalakad ang sakit tuloy ng noo ko. May bato ba yang dibdib mo?"

"We're here."- he's said.

Kaya napatingin ako sa paligid at sa likod nya ay may isang medyo kalakian na bahay at may isa ding medyo malawak na lawa. Dahil sa pagkamangha ko ay di ko na namalayan na nakatunganga nako at iniwan na ako ni Carlos kaya nataranta ako dahil pumunta na sya sa bahay.

"Hey, intayin mo naman ako." Sigaw ko at tumakbo para mahabutan sya.

.
Lumapit na ako sakanya at tumabi sa gilid nya. Sinimulan nya na din syang kumatok at ilang minuto lang ay may isang lalaki na nagbukas ng pinto, napalunok tuloy ako ng laway, dahil sa ayos noong lalaki dahil gulong-gulo ang medyo nasa balikat nyang buhok, mahaba din ang balabas at bigote nya tapos amoy alak din sya mukhang di pa sya naliligo. Pero kahit ganoon ay masasabi mo pa din na may itsura sya at sa tingin ko around 20's lng dahil din sa pangangatawan nito. Pero nagulat ako sa sumunod nyang gawin saakin.


"Mahal, ikaw ba yan? Saan ka ba pumunta, wag mo na ulit akong iiwan please."- pagod na sabi nya habang yakap-yakap ako di ko alam ang gagawin ko dahil bigla akong natuod sa linatatayuan ko. Naramdaman ko din na nagiging mabasa na yung damin ko sa balikat kaya lalo aking nataranta kaya tumingin ako kay Carlos na mukhang nagulat din pero nung nagkasalubong ang tingin namin ay mukhang nabasa nya na umiingi ako ng tulong.


"Damn you pakundo, di sya si Niomi. "-pilit naman tinatanggal ni carlos ang pagkakapit saakin ni Pakundo daw pero lalo nya lang ito hinigpitan at siniksik ang mukha nya sa leeg ko na kinasigaw ko sa bigla.


" yaaaaah, carlos"- pagkasigaw ko doon ay doon na ako nahigit ni carlos at dinala sa likod nito kaya napakapit ako sa damit nya para makatago. Nakita ko din na napaupo si Pakundo sa lapag dahil siguro sa pagakakahila saakin ni carlos.



"Damn, bakit mo nilayo saakin si niomi carlos." Galit nitong sabi kaya lalo akong sumiksik kay carlos dahil natakot ako bigla sa boses nya.



"Fuck you man, alam mo naman na wala na si Niomi and stop being bullshit."- inis din natugon ni carlos sakanya. Dahil doon ay napamura nalang si pakundo at mukhang napantanto yung mga sinabi ni carlos. Pero wait sino ba yung niomi na sinasabi nila.



"Kung ganoon sino yang babaeng kasama mo at bakit kamukha nya si Niomi."- medyo mainahon na tanong nya kaya bago pa makasagot si carlos ay daan daan na akong lumabas sa likod ni carlos at ako na ang sumagot sa tanong nya.



"A-ako po si m-aechie". Lumunok muna ako dahil nauutal ako bago ulit sumagot. " at di po ako si N-iomi, promise po."- sagot ko at nagtaas ng kanang kamay para malaman na seryoso ako sa sinabi ko.



Ngumiti naman sya ng mapait at nakita at bigla nalang tumulo ang luha nya kaya nataranta ako dahil baka magwala nanaman ito pero deep inside naaawa ako sakanya na di ko alam ang dahilan.




"A-yos lang po ba kayo?" Yung lang ang nasabi ko habang tinitignan syang umiiyak. Tumingin naman ako kay carlos na ngayon ay nakatingin din saakin bago sya magbuntong hininga.



"Stand up pakundo,i know she can help you to your master piece."- nangkuno't noo naman ako anong ibig sabiin ng isang to.  Wala ng magawa si pakundo kaya tumayo na ito pero may sinabi sya saakin na di ko kayang tangian na kahit nag-aalinglangan ako ay tumango ako dahil na din siguro naaawa ako sakanya at nakikita ko din ang sarili ko sa kinatatayuan nya.



"Nio.... Maechie, pwede ba kitang mayakap?"- tumango nalang ako at agad ko naman nadama yung yakap nya na sinuklian ko din ng yakap dahil alam kung kaylangan nya iyon. Tumingin naman ako kay carlos nakatingin din sya kay pakundo na para bang gusto nya na itong ibalibag na ewan. Tapos ng mapunta saakin ang tingin ay imiwas sya ng tingin kaya napangiti ako bigla at pumasok agad sa isip ko na yung salitang SELOS.


Back to your Time (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon