"Feeling ko gusto ko rin ng gan'to kalawak na kama!" sabi ko habang nagpapagulong gulong pa rin. "Sabihin ko nga kay Fyuch na palitan ng gan'to yung kama namin pagkauwi!"

Tumigil lang ako sa paggalaw nang makaramdam na 'ko ng pagkahilo sa kagugulong ko. Nanatili akong nakadapa.

"Kama n'yo? Pagkauwi?" Napasinghap ako sa tanong ni Christian.

Ay shocks! Hindi nga pala nila alam na kay Fyuch na ako nakatira!

Tumaas ang kilay nito. "Are you two... living together?"

Binalot ng katahimikan ko ang buong kwarto.

"Who's living together?" dagdag na tanong pa ng kababalik na si Adara. Shuta.

"Portia and Sam," he casually answered.

I heard the loud gasp of my best friend.

"Portia! Totoo?!"

"Ahhhh!!!!" Hinatak niya ang mga paa ko hanggang sa ang kalahati ng katawan ko ay wala na sa kama. Sapilitan ako nitong ibinaligtad upang magkaharap kami. Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko habang tumatawa. "Di ko ba na-share sa inyo?" humahagikgik na tanong ko.

"Hindi! Kelan ka pa lumipat? Alam ba ng Daddy mo 'yan?"

Ibinaba ko na ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ko. Malapad ang ngiti kong humarap sa best friend ko na nakapamaywang sa paanan ko.

"Nung nag-away kami ni Daddy 3 months ago."

"3 months ago?! At wala ka man lang balak ipaalam sa 'kin?!"

"Ihh teka muna!" Bumangon na 'ko at umayos ng upo. Nag-indian sit ako at hinatak si Adara na umupo sa tabi ko. Nakakatakot kasing magpaliwanag dito habang nakapamaywang. Parang hahampasin ako ano mang sandali, e.

"Explain."

Ipinaliwanag ko lahat ng nangyari simula sa pagbubuntis ni Allyson at kung paano kami nag-away ni Daddy dahil doon. Sinabi ko rin na balak ko namang humanap ng malilipatan kaso nagbigay ng offer na hindi ko kayang tanggihan itong si Fyuch.

Aarte pa ba 'ko? Eh pangarap ko ngang tumira sa isang bubong kasama siya. I just grabbed the opporunity!

"That explains why he always wanted to bring his works at home." Pigil ang ngiti ko sa sinabi ni Christian.

"Kelan n'yo ba balak magpakasal?"

Lumipat ang tingin ko kay Adara na seryosong seryoso sa tanong nito. Napakamot ako sa noo ko at nangingiti pa.

"Ewan 'di pa namin napag-uusapan. Mag-iisang taon pa nga lang kami, kasal agad? Ayos na muna sigurong engaged kami."

"Sabagay," pag sang-ayon nito. "Napakakumplikado pa naman ng sitwasyon mo. Dala-dalawa ba naman ang fiance mo!"

"Kaya nga e." nakangiwi kong sagot. "Isang totoo at isang nagpapanggap. Haaay. Hirap na hirap na talaga akong maging maganda."

Hinatak nito bigla ang naka-ponytail kong buhok kaya napasigaw ako. "Aray ko naman!"

"Nasaan na ba si Sam? Susunduin ka ba?"

"Ewan ko ba do'n masyadong busy. May hearing yata," simangot na sagot ko. "Maglalakad na lang ako pauwi."

"Simulan mo na para makauwi ka bago magdilim."

"Grabeeee 'di mo man lang ba 'ko aalukin na ihatid?" Hinawakan ko pa ang tapat ng dibdib ko, pakunwaring nasaktan. Binagsak ko ang likod ko sa kama. Tuwang tuwa talaga ako rito sa higaan nila. Hahaha.

"Ano ba kasing pinagkakaabalahan ni Sam? Madami ba kayong legal issues sa kumpanya?" baling na tanong ni Adara kay Christian na kanina pa nagme-make face sa harap ni Saint para patawanin ito.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now