Chapter 1

18 1 0
                                        

"Oh, bakit ka umiiyak?" Nagaalala kong tanong sa aking kaybigan na si Suzette ng maabutan ko siyang humihikbi sa upuan namin sa loob ng room. Klasmate ko na si Suzette mula pa nung first year high school kami. Dahil nagclick ang mga ugali namin, hindi nagtagal naging magbest friend kami. Kaya laking pasasalamat namin na hanggang ngayong Second year na kami eh magkasama padin kami.

"Si Francis." Sagot nya sabay punas sa ilang butil ng luha na bumagsak mula sa kanyang mga mata. Ang tinutukoy niya na Francis ay ang kaklase din namin.

Kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya. Kilala si Francis sa Campus dahil sa gwapo siya at matalino. Ngunit alam naming magkaybigan na meron itong ugaling hindi maganda. Hindi lang sya suplado, napakasungit din niya. Kilala lang namin siya dahil klasmate namin siya ngayong taon. Pero hindi namin nakakausap. Mabibilang lang siguro sa daliri ang mga kaybigan niya dahil sa kasungitan at kasupladuhan. Pero madami pading mga babae ang naghahabol at nagkakagusto dito dahil nga sa itsura at talino niya.

"Anong ginawa sayu ng bugok na yun?" Tanong ko. Nagsisimula na din akong mainis.

"Dahil lang to sa inis." Pagpapaliwanag nito. And tinutukoy ay ang kanyang mga luha. "Kasi natabig niya yung upuan kanina. Natumba natamaan yung paa ko. Tapos imbis na magsorry sabi ba naman sakin haharang harang daw kasi ako." Mahabang litanya ni Suzette. Tumigil na rin ang iilang luha niya.

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. Napakayabang talaga ng lalaking yun. Kahit sino pa siyang punsyo pilato wala siyang karapatang magpaiyak lalo pa ng babae.. lalo pa ng kaybigan ko. Hindi ko to mapapalampas. Naningkit ang mga mata ko at naikuyom  ko ang aking palad sa sobrang inis. Tumayo ako at dali daling lumabas ng room.

"Wait Shine!" Narinig kong pagtawag ni Suzette ngunit tuloy tuloy parin akong naglakad at hinanap ang sanhi ng aking pagkainis. 

"Hindi ko mapapalagpas yang ginawa sayo ng lalaking yan.." Inis ko lang na sabi kay Suzette. "Hindi pwedeng ganyan." tuloy tuloy ako sa paglalakad habang sumusunod sa akin ang aking kaybigan.

Naningkit lalo ang aking mga mata ng makita ko ang aking pakay. Nakatayo si Francis sa ilalim ng isang puno at nakikipagkwentuhan sa dalawa pa naming mga kaklase na sina Jerwin at Lloyd.

Nagmamadali akong lumapit dito tapos nagpameywang ako ng makalapit na ako.

Tumingin lang siya sa akin. Mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada kaya medyo nakatihaya ang ulo ko para salubungin ang kanyang mga mata. 

Nakatitig lang siya sa akin habang salubong ang kanyang mga makakapal na kilay. Hindi ko naiwasang mapagmasdan siya habang nakatitig siya. Ang kanyang napakatangos na ilong. Ang kanyang mga makapal at mapupulang mga labi. At higit sa lahat ang kanyang mga mata na tila nakatitig sa buo kong pagkatao. Ang kanyang medyo singkit at kulay brown na mga mata na napartneran pa ng makakapal na kilay at mapipilantik na mga pilik mata. Tila ako panandaliang nahypnotize.

"Me kaylangan ka?" Nagulat ako ng marinig ko siyang magsalita. Me halong inis sa kanyang tono.

Nabalik ako bigla sa realisazyon. Naalala ko ang dahilan kung bakit ako nasa harap niya ngayon.

"Lalaki ka ba talaga hah? Hindi ba naituro sayo ng mga magulang mo na pag nakasakit ka eh kaylangan mong magsorry?" Paunang Litanya ko habang ramdam ko na ulit ang inis para sa binatang nasa harapan ko. "Gawain ba ng lalaki ang magpaiyak? Nasan ang manners mo? o wala ka talaga nun?" patuloy ko. Ramdam ko ang pagtaas ng aking boses. 

Nakatitig lamang ang binata sakin. Walang ibang emosyon na makikita sa kanyang mukha o maging sa kanyang mga mata maliban sa salubong lang nitong kilay na feeling ko eh permanente na.

Lihim kong kinakalma ang sarili ko dahil batid ko na ano mang oras ay mababalik nanaman ako sa hypnotizmo na dala ng kanyang mga magagandang mga mata. 

I Dream of LoveHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora