Kunot-noo kong tiningnan ang kaniyang likuran saka nangapa. "Anong sure?"

Nilingon niya ako. "Put lotion on my back, lady."

Namilog ang labi ko. "Ha?"

"Ha?" ginaya niya ako.

"Sige..."

Pabuntong-hininga kong sinunod si Maxrill Won. Kabado, pero gano'n na lang ang pagngiti ko nang sandaling dumampi ang palad ko sa kaniyang likuran. Hindi ako makapaniwala na darating ang panahon na personal ko siyang mahahawakan.

Gusto kong bagalan ang aking ginagawa pero baka bigla siyang makahalata. Tuloy ay binilisan ko lang ang paglalagay ng lotion at iaabot na sana iyon pabalik sa kaniya nang humarap siya sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko at sumulyap sa kaniyang dibdib. Pati ba diyan ay lalagyan ko siya? Umiling ako.

"What?" kunot-noong tanong niya.

"I-Ikaw na ang maglagay diyan," nag-iwas ako ng tingin.

"As if I'm asking you to...ya!" bigla ay sininghalan niya ako dahilan para mapanguso ako. "Whatever!" asik na naman niya at saka nag-iwas ng tingin.

Sandaling nangibabaw ang katahimikan sa amin, parehong nakaiwas ang mga tingin. Nang tingnan naman ang isa't isa ay nagkagulatan kami nang magsalubong ang aming mga mata.

"What?" 'ayun na naman 'yong tono niya na para bang magagalit dahil nakita niya akong nakatingin samantalang tumingin din naman siya.

"Parati ka na lang nagagalit sa 'kin,"napabuntong-hininga ako.

"I'm not mad," kunot-noo niyang sabi.

"Parang galit ka, e."

"This is normal."

"Hindi, ah." Ngumuso ako.

"In my country, this is normal, Dainty."

"Nasa Pilipinas tayo, Maxrill Won."

"Fine..." Bumuntong-hininga siya. "I'll try to be more...gentle." Tila napaisip din siya sa kaniyang sinabi. "Or whatever." 'Ayun na naman ang pagsusungit niya. "Let's go."

Kinuha ni Maxrill ang kamay ko. Kinabahan ako nang maisip na hahilahin niya ako at bigla na lang kaming tatakbo. Hindi nangyari iyon. Marahan kaming naglakad hanggang sa marating namin ang hangganan ng dalampasigan. Iyong parte kung saan halos yakapin ng dagat ang kabuuan ng isla.

"This island is moon-shaped," ani Maxrill.

Ang mga mata kong nakapako sa magkahawak naming mga kamay ay dumapo sa kaniya. Saka ko sinuyod ng tingin ang kabuuan ng lugar. Sa una ay hindi ko na-imagine ang sinabi niya. Pero nang makita nang tuluyan ang hugis ng aming kinaroroonan ay humanga na naman ako.

"When I was younger, Empery is the best place for me. We have different, colorful trees, animals and everything!" dagdag niya. "Until I've seen this place." Bumuntong-hininga siya at sandaling natahimik.

Sabay naming sinuyod muli ng tingin ang paligid. Iyong pakiramdam na tanging huni ng mga lumilipad na ibon, nililipad na mga dahon at alon ng dagat lamang ang gumagawa ng ingay, habang siya ang kasama, parang ayaw ko nang umalis pa sa lugar na 'yon.

"This is the heart of Palawan, Dainty,"sinalubong niya ang tingin ko. "Now I can say that this is the most beautiful place I've ever seen in my entire life."

Napalunok ako sa lalim ng pagkakatitig niya sa 'kin. "Ako rin," pumiyok ako!

Hinila niya ang kamay ko at saka kami sabay na humakbang papalapit sa tubig. Napangiti ako nang maaninaw nang malinaw ang aking mga paa.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESWhere stories live. Discover now