PROLOGUE

91 0 0
                                        

"Good morning class, I will be your professor for this subject."

Nabigla at nag tayuan ang lahat noong pumasok ang prof namin. Wala pang isang minuto ay nag simula nang mag bulungan ang mga ka-blockmates ko.

"Shet, Hace. Magaganahan ako neto araw araw!"

"Nasa harap na natin ang grasya, oy!"

"Naniniwala ako sa kasabihang nasa harap na ang ulam, kanin nalang ang kulang."

Pasimple kong pinag sisipa ang mga kaibigan kong sobrang daldal noong lumingon saamin ang professor.

Gwapo nga.

"You may now sit down, okay lang na wag na kayong tumayo pag pasok ko. That's how college is."

Walang sumagot, nakatitig lang ang lahat sakanya. Dapat hindi na pinapayagan ang mga ganitong may itsura na mag turo, paano makaka focus ang mga estudyante?

"By the way, I'm Aaron Craig Dixon, 24 years old. I am the president of Junior Financial Executives in our college. I teach Finance courses, so if your major is Financial management, I will be the one who's handling you for the rest of your major subjects."

"Mag shift na tayo sa finance girl!" mahinang tili ng isang kablockmate ko. Seriously, no!

"Interesting facts about me? Hmmm... I am an only child. I play musical instruments like piano and guitar, yes I do sing and dance. I play basketball, and of course mobile games too, call of duty nga lang."

"Anong rank mo na, Sir?"

"Legendary both multiplayer and battle royale."

Woah, that's a flex. May taga "nice baby" siguro siya kaya may gana mag laro?

"Full package mars. Shet!"

Napalingon ulit saamin si Mr. Dixon. Sa dinami dami ng nag bubulungan tungkol sakanya dito, talagang saamin lang siya tumititig.

Ano kayang nasa isip niya? Iritado ba siya sa sinasabi ng mga kaibigan ko?

"You can call me Sir Dixon or Sir Aaron dito sa loob ng University, pero kapag nasa labas na tayo please lang no."

Natawa ang mga kaklase ko sa itsura niya, kahit nag make face, gwapo parin.

"Ano ang hindi mo kayang gawin Sir Dixon?"

"Mag mahal."

"AWWWWWWW!"

Hell.

"Now it's your turn. I'll call you one by one, please stand in front and introduce yourself."

Pumunta siya sa gilid at inikot ang ulo na mukhang masakit ang leeg, napaka gwapo ng tindig. Napapalunok ako ng 'di oras!

Iwinaglit ko ang aking iniisip, ginapangan tuloy ako ng kaba. Sana hindi alphabetical order, sana hindi alphabetical order.

"Acevedo."

Shet, oo na!

Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa harap. Sa dinami dami ba naman ng letra, bakit sa letter A pa nag sisimula ang surname ko?!

"I am Hacetherielle Grim Acevedo. 18 years old, freshman, taking up Business Administration major in Financial management."

Pasimple akong tumingin kay Mr. Dixon, tumatango siya habang kagat ang labi. Bakit ba siya nang aakit?

"Where do you live?"

"Trancoville, Sir."

"Any talents?"

"Dancing, Sir."

"Hobbies?"

"Reading and watching movies."

"Favorite color?"

Dahan dahan akong lumingon sakanya. Ganito ba talaga siya mag interview? Kailangan pa ba yung favorite color sa introduction?

"Green."

"Single?"

Nag hiyawan ang mga kaklase ko. Anoooo daw?

"Yes at the moment, Sir."

"Anong tipo mo sa isang lalaki?"

Shit, bakit niya ba ako tinatanong ng mga ganitooo! Ang init init na ng pakiramdam ko, nakakahiya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o titili.

Well, tinatanong niya lang naman, hindi ba? There's nothing wrong!

"Tall, Handsome, Smart-"

"Excuse me, Mr. Dixon. Pinapatawag ka sa faculty."

Napahawak ako sa dibdib ko nang tanggalin niya saakin ang titig niya. Saved by someone, thank you!

Nakakaintimidate siya, sobra.

"Okay, susunod ako."

She nodded signing na naintindihan niya ang sinabi ni pogi- este ni Mr. Dixon.

Ibinalik ni Sir ang atensyon sa klase habang ako naman ay tumititig sa napaka gandang side profile niya.

Mahaba ang kanyang pilik mata, matangos ang kanyang ilong, manipis ang kanyang labi, at maganda ang kanyang ngiti. May dimple siyaaa! Ahkkk! Napaka plus points.

Literally, he's the dream of everyone. Mapa babae man o lalaki.

"Write your self introduction in a one whole sheet of yellow paper, make it creative. Babalik ako mamaya."

Nag simula na siyang mag lakad palabas ng room habang ako naman ay nakatayo parin dito sa harap. What am I doing? Bakit hindi pa ako bumabalik sa upuan ko?
Na-mesmerize siguro ako, ang perfect niya kasi.

Humarap pa siya saamin bago makalabas sa room, mukhang may ibibilin pa.

"Except you, Ms. Acevedo."

Napunta ang lahat ng atensyon saakin. What?

Bago pa man isinarado ni Mr. Dixon ang pinto, he glanced at me at pasimpleng ngumiti. Hindi iyon nakita ng lahat, their attention was on me.

What the hell, Aaron Craig.

Trapped in My Professor's ArmsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon