Pinipilit na makatalon ng isang matabang palaka na nasa sala mula sa isang inabandunang bahay sa Uptown Village. Nakita ito ng mga lamok, ipis, at gagamba sabay tawa sa tuwing pipilit tumalon ng matabang palaka ngunit hindi ito makaalis sa kanyang pwesto.
"Hahaha, papaano ka makakatalon eh ang taba-taba mo!"kutya ng ipis. "Ang pangit pa, hahaha!" dagdag pa ng gagamba.
Ngunit hindi ito pinansin ng matabang palaka, hindi siya umiimik sa tuwing siya ay kinukutya. Pinilit nyang hinakbang ang kanyang mga paa imbes na tumalon, nakausad naman siya ng dahan-dahan.
"Siguro puro taba rin ang dugo niyan."sambit ng lalaking lamok na palipad-lipad kasama ang kanyang pamilya. "Mga anak huwag na huwag kayong gagayahin ang matabang palaka na iyan mag-diet kayo, kunti lng ang sisipsiping dugo tandaan hindi iyon milk tea." payo ng inang lamok.
Subalit wala pa ring pakialam ang matabang palaka at patuloy pa rin ito sa paghakbang.
Lumapit sa kanya ang dalawang magkasintahang ipis. "Mataba na nga, WALA PANG JOWA, WALANG JOWA, WALANG JOWA!"
Kumaripas nang takbo ang lahat ng iba pang ipis, lamok, at mga gagamba nang nakita nila kung paano sinungaban ng dila ng matabang palaka ang mag-jowa sabay sabing, "walang forever, hahaha!"
KAMU SEDANG MEMBACA
Ang Matabang Palaka (Maikling Kwento)
Fiksi Umumkwento ito ng isang palakang laging nabubully pero tahimik lang
