Chapter 1

39 1 0
                                    

[Chapter 1]

Nagising ako sa lakas ng ring ng cellphone ko. Ang sakit ng ulo ko! Pakiramdam ko ano mang oras mahahati na 'to sa dalawa. Napa sabunot ako sa sariling buhok ng muling kumirot ang bunbunan ko. Shit! Ano bang naisip ko 't nagpaka lasing ako!? Mabuti nalang at nakaya ko pang umuwi kagabi

Muli nanamang tumunog ang telepono ko kaya naman yamot ko 'tong sinagot "Ano ba! Ka aga-aga. Tawag ng tawag!"

["Farrah Marrie Padua! Nag asawa ka lang ganyan ka na!"]  agad na napamulat ang mata ko ng marinig ko mula sa kabilang linya ang boses niya

"Frank!?" gulat kong tanong "Frank! The king of prank!? Bespren! Omygod! Kailan ka pa naka uwi?"

["Hinay-hinay bespren, ang sakit sa tainga ng boses mo"] natatawang sagot nito. Hindi ko namalayan na napataas na pala ang boses ko. Namiss ko lang siya. Si Frank, childhood friend ko. Nagkahiwalay lang kami nung College, kasi kailangan niyang mag study sa U.S kasama family niya

"Ohmygod! I miss you Frank! Anong pumasok sa isip mo at napadpad ka dito sa Pilipinas! Huh!?"

["Dito ako na assign sa trabaho"] sabi nito ["by the way. Kailan ka free? pero baka magalit asawa mo"] pag-aasar niya. Nadinig kong bahagyang napatawa ang kabilang linya. Muli nanamang bumalik sa ala-ala ko ang pangyayari kagabi

"Tsk! Mamaya. I'll call you nalang" sabi ko bago pinatay

Nang libutin ko ng tingin ang kuwarto. Walang bakas ng Stanly. Hindi siya umuwi. Magkasama sila ni Gracian buong gabi. Ano kayang ginawa nila? Pinigilan kong mapa luha. Nangako na 'ko sa sarili ko kagabi na hindi na 'ko ulit luluha pa ng dahil sa 'kanya. Dahil mapapasakin din siya

Tumayo ako at dumiretso sa CR pakiramdam ko kasi ang lagkit-lagkit ng katawan ko. Amoy na amoy ko din sa sarili ko ang amoy alak. Nang matapos naka tapis lang akong lumabas dahil mag isa lang naman ako. Nag suot lang ako ng pambahay na damit bago bumaba

Nasa dulo na 'ko ng hagdan ng bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang lalaking iniyakan ko kagabi. Ganon pa din ang suot niya v-neck white t-shirt at maong pants. Ganon pa din ang mukha niya walang emosyon. Ibang-iba sa nakita ko kagabi. Sa harap ni Gracian

Lalagpasan niya na sana ako ng tawagin ko ang pangalan niya "Stanly"

"What" tanong nito ng hindi tumitingin sa 'kin. Nasa gilid ko lang siya habang nakaharap paakyat. Ako naman pa baba

"A-ahm..." dapat ba 'kong magpaalam na aalis ako mamaya? Ipapa-alam ko ba sa 'kanya? Ganon naman ang mag-asawa diba? "Ah, gusto ko lang ipa-alam na aalis sana ako mamaya. Ahm... Pupunta ako kila Frank. Kauuwi niya---"

"You dont need to inform or to tell me what you want to do. Just go. I dont care" malamig pa sa yelong putol nito sa sasabihin ko at walang sabi-sabing nilagpasan ako. Muli ko nanamang naramdaman ang kirot. Hindi ko nalang ito pinansin at binaliwala na lamang

Dumiretso ako sa kusina upang mag luto ng ma-a-almusal. Kumuha ako sa ref ng apat na hotdog at dalawang itlog. Wala kaming katulong dahil ayaw ni mama. Gusto niya 'kong matuto sa mga gawaing bahay. Kaya naman ako ang gumagawa ng gawaing bahay kahit wala akong alam

Naglagay muna ako ng kawali sa kalan at pina-init. Nang mainit na nilagay ko na ang mantika. Kumuha ako ng siyansi at ipiprito na sana ang hotdog ng maalalang hindi ko pa pala nababalatan

"Shit naman!" mura ko sa sarili ko. Yung itlog nalang muna. Kinuha ko yung itlog at itinapat sa kawali upang duon mabati. Naka ilang pukpok na 'ko ng siyansi dito pero hindi pa din nababasag. Umuusok na yung kawali

"Ano ba! Mabasag ka na kasi!" inis kong sabi sa itlog. Nilakasan ko pa ang pagbati nag crack na siya pero maliit lang kaya naman nilakasan ko ulit ang pag pukpok

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forced MerriageWhere stories live. Discover now