PROLOGUE
Hindi talaga ako makapaniwala na tototohanin nina Lola ang pagpapakasal nila sakin kay Chano. Alam naman nilang aso't pusa kami mula nung bata pa kami.
Ewan ko ba sa mga matatanda.
Alam nila ang pagtutol namin, pero pinilit pa rin nila. Gusto na raw nilang magkaapo sa lalong madaling panahon.
Wala kaming nagawa dahil sa tuwing umaayaw kami'y laging sinusugod sa ospital ang kanyang lola. Umoo na kami baka matuluyan.
Sa simbahan kami kinasal, pero bilin ko sa kanya ay huwag nang irehistro ang aming kasama para ma invalidate.
Diba. Madaling makawala.
"Ang tagal mo kumilos!" reklamo niya, nasa may pintuan na siya ng aming bahay.
"Mauna kana! Hindi naman tayo pwedeng makitang magkasama," sigaw ko mula sa banyo.
Professor kasi siya sa unibersidad na pinapasukan ko. Number one rule between a teacher and a student—involvement in a romantic relationship.
Ayoko namang mag adjust no! Graduating na ako.
"Hi, Sir Chano..." sabi ng mga estudyanteng nakakasalubong niya. Nasa likod niya lang ako.
Narinig ko ang pagbati siya sa mga ito, naiirita ako kasi it sounded very flirty to me.
Nasa likod mo lang ang asawa mo oy. Lande. Halos batuhin ko siya ng invisible stone na hawak ko.
I can't wait to graduate. Nakakaumay ang itsura ng asawa ko!
YOU ARE READING
Daily Dose of Vitamin C
ChickLitHOY! AKO TO SI SIERRA, ASAWA KO SI CHANO OO SI CHANO YUNG TEACHER NATIN SA CALCULUS! SECRET LANG YON PERO DAHIL KANINA MO PA BINABALANDRA YANG HARAPAN MO SAKANYA, AAMIN NAKO! BAHALA KA KUNG AYAW MONG MANIWALA! OO CAPSLOCK KASI TRIGGERED AKO KASI KAN...
