Nagngangalit ang inang kalikasan,maririnig ang dagundong ng kulog at walang patlang ang pagguhit ng matatalim na kidlat kasabay ng malakas na buhos ng ulan.Sa kadiliman ng gabi maaaninag ang isang babae. Sira-sira na ang suot na puting damit na sumabit na sa mga tinik at dawag ng dahil sa mabilis na pagtakbo subalit wala siyang balak tumigil kahit pagod na pagod na dahil sa takot na maabutan ng mga humahabol sa kanya.
" Hayun! Huwag hayaang makatakas,kung hindi malilintikan tayo." Boses nang isa sa mga lalaking humahabol. Wala ng ibang pagpipilian, lumiko ang babae at tinahak ang direksyon patungo sa malaking ilog. Rumaragasa ang malakas na agos nito na lalo pang pinabilis at pinalaki ang ilog dahil sa walang tigil na pag-ulan.
"Patungo siya sa kinaroroonan ng ilog. Napkalakas ng agos at malaki ang tubig ngayon dahil panahon ng tag-ulan. Siguradong hindi rin siya mabubuhay, sakaling tangkain niya na tumalon." Wika nang isang lalaki sa kanyang mga kasamahan.
"Barilin na ninyo para mas makasiguro tayo. Iyon na rin naman ang utos mula sa itaas. Bilisan na ninyo para makabalik na tayo, nilalamig na ako at malalim na rin ang gabi. Gusto ko na rin magpahinga." Utos ng pinuno.
BANG!BANG!
Kasabay nang sunod-sunod na putok, ang pagtalon ng babae sa rumaragasang ilog.
YOU ARE READING
Level Eight: Mission Accomplished
ActionAng pagsapit sa ika-labingwalong kaarawan ang hinihintay ng bawat kabataan sa ampunan. Ito ang panahon na maaari na silang lumabas at tumayo sa sariling mga paa, maging malaya at hanapin ang papel na gagampanan sa lipunan. Ngunit paano kung magising...
