PROLOGUE

202 30 35
                                        

Everytime i look up at the stars it makes me wonder if I will ever be one of them someday or I will forever just stay beneath them...

You know all people are experiencing the darkest time of their lives and right now I could say that I am experiencing mine.

And you might say that when you experience it, just find a light that will guide you through your path but what if sobrang daming bituin sa kalangitan when you stare at it and you could not find what's yours?

It's already 8:00 pm and I found myself walking through the busy streets of España, Manila while staring at the sky.

A sudden notification made me come back through my senses with the Buzz of my phone. I pressed the power button and dali dali ko namang pinindot ang notification ko galing X.

@pageantfil.x
LECHE TALAGANG MISS UNIVERSE YAN LUTO! Ahtisa's answer is on point, her performance is peak! Grabe ano pa bang hinahanap ng MU org ngayon, I am so disappointed!

@avocadouserxx
Diba nakakainis, grabe ang cooking show sa mga pageant ngayon. Kawawa mga beauty queens na nag eeffort and sobrang plakado, even when you came prepared wala pa rin talaga. Hays ewan ko ba,I don't know what is true and genuine in this world anymore.

@pinaikotnilaropinaalis
Jusko umasa pa kayo, eh sa politiko nga may ganyang nangyayari sa pageants pa kaya?


Pinatay ko agad ang cellphone ko nang mabasa ko ang puksaan nanangyayari sa X, pagod na ako sa nangyari buong araw and ayoko nang madagdagan pa to. I watched Ahtisa's performance at wala akong masabi don. Nakakalungkot pala talaga noh, reality hits me so hard. Even if you shine the brightest when you are not destined to be, wala rin.

Naalala ko yung sinabi samin ng organizer namin noong last pageant ko last year, after all destiny wins. kaya that time when i ended being the First Runner up, tinanggap ko na lang siguro hindi talaga ako tinadhana para maging beauty queen. Sa lahat ba naman ng Pageant na sinalihan ko lagi akong first runner up. Ika nga nila always the runner up never the title holder haha masakit mang isipin pero that's my destiny eh sino ba naman ako para kalabanin si tadhana diba.

Kahit anong sabi nila na 'You are not rejected, you are just being redirected' potek na kasabihan yan sa kakaredirect sakin naligaw na ako ng landas!

Nagulat naman ako nang nagring ang cellphone ko, nakalimutan ko kasing ibalik sa dnd. Kanina ko pa kasi hinihintay yung tawag ni kuyang delivery boy ng parcel ko hindi naman dumating hays.

sinagot ko naman ang tawag nang makita kong kay Thea galing.

"hello—"  naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Thea.

"ASAN KA NA BA? KANINA PA KAMI NAG HIHINTAY NI ISSEI DITO. KANINA PA KAYA NAGSISIUMULA!" Malakas na salita naman nito kay naman ay inoff ko ang speaker ng phone ko, ano ba naman kasi para naman kasing buong espana ang kausap niya sa lakas ng boses nito "SIGURO UUWIAN MO NANAMAN KAMI, DAPAT TALAGA SINABAY KA NA LANG NAMIN KANINA EH! Malolowbat nako wala nakong panchat sayo" dagdag pa niya.

"malapit na ako tangeks, noval nako patawid na" sagot ko habang inaantay mag green yung stoplight. Nang makatawid na ako ay dali dali naman akong naglakad papunta sa gate 7. Madaming estudyante na ang nakapila, yung iba ay nag aaral pa sa iba't ibang university dito sa U-BELT, yung iba naman ay galing pang katipunan at taft para lang makinood sa btob ngayon.

Tinatry kong tawagan uli sila Thea at Issei pero unable to reach daw. Siguro nalowbat na yung mga yon. Kinagat ko ang kuko ko dahil kinakabahan ako baka hindi ako papasukin ni manong guard, hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat talaga ay sumama na lang ako kay Thea kanina nakakainis naman kasi si ate Arwen, may inutos pa sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beneath The StarsStories to obsess over. Discover now