"Hoy, ano na? May reunion kayong apat dyan ha? Espesyal yung oras ko kaya, pwede ba? Clay tara na nga! Magsawa naman kayo sa mukha ng isa't isa," Ani Gen sabay irap at kaladkad saken.

Bastos talaga tong gagang to eh. Hindi 'to nahihiya, kala mo welcome na welcome sa bahay namin.

"TITO AND TITA! ALIS NA PO KAME!"

Gentry lang malakas. Sigaw sigaw na lang para hindi makapagpaalam.

"Where mo ba ako dadalhin?" Sigaw ko sakanya.

"Boy hunting, ano pa ba? Nang magkajowa ka na," Aniya at sumakay na sa kotse.

Boy hunting? Kawawa naman 99 crushes ko.

_________

"Paano ako makakapasok dito?" Tanong ko kay Gentry.

"Magtiwala ka sa trust," She said.

Umirap na lang ako. Siguraduhin lang nga na gwapo mga rereto nya. My eyes needs vitamins, nanghihina na ako. I need gwapo.

College students ang suki lagi sa bar na 'to. May mga senior high den naman, and I bet, ako lang ata ang below 18. Hindi ko alam kung anong power ang ginamit ni Gen.

"Hoy, you can't drink alcohol muna. For now, boy hunting ka muna mag-isa, okay?" Aniya.

Gentry is in legal age na, 18 na sya. Kaya pwede na magbar. Also nagiinom na den sya.

"Gago ka, Gen! Bakit sinama mo si Clay?" Sigaw ni Shiloh.

Our friend. Actually, madami kami. Lima kaming magkakaibigan. But different Universities. Naging magkaklase lang kami when we were in junior high.

"Of course, get together naten 'to, bakit hindi ko isasama si Clay?" Ani Gen habang tinutungga ang isang shot.

"Hey, Clay, sit with us. Wag kang lalayo samin ha," Ani Lucca.

Pumagitna ako kina Lucca at Arlo. Grabe ang dami nilang inorder na alak. I bet, libre yan ni Gen.

"Caylee Amelia, wag kang lalayo at papauto ha, ayaw namin mapaaway," Ani Arlo habang natatawa.

Alam kong pigil den silang uminom. Si Gen lang talaga ang sobrang dami. Ang lakas talaga ng babaeng 'to.

I stand up, "I will just go to the bathroom muna," Sabi ko at patayo na sana ang tatlo para samahan ako, nang pigilan ko sila.

"On my own, okay? Hindi ako baby na need ng bodyguard," Sabi ko sabay irap.

"Madami magkakainteres sayo, maputi ka pa naman." Ani Shiloh 

"Maputi nga ang sungit naman, kala mo may regla lagi," Ani naman ni Lucca.

"Basta sabihin mo pangalan ko, Clay. Sabihin mo boyfriend moko, at wala ng gagalaw sayo," Sabi naman ni Arlo na papogi.

"Mag-ccr lang ako, kalma tayo ha," I said at umalis na agad.

Cr lang kala mo mag-aasawa na ako eh. Hayst.

Habang nagreretouch ako. Biglang may pumasok sa cr na isang lalaki. Nagulat ako, sa sobrang gulat ko nabato ko sya ng tint ko, kaya naman kumalat yon sa gilid ng labi nya at nabasag.

"Tangina, magtatago lang nabato pa," Aniya at ininda ang sakit habang nakatingin sa akin.

I can't move my body and I can't even say a word. Shocks, mamaya kase kasuhan nya ako.

Habang iniinda nya ang sakit lumapit ako at hinawakan ang pisngi nya, at sakto naman biglang may pumasok na babae sa cr.

Tiningnan nya ako ng masama na parang she's going to eat me. Tiningnan ko sya head to toe, pfft walang panama saken.

Hindi ko sya pinansin at tumingin sa lalaki, "Are you hurt?" Ani ko habang pinupunasan ang labi nya na may tint ko na nakakalat.

He smiled na ipinagtaka ko. Tingnan mo 'to nasaktan na, ngumingiti pa. Ano monggoloi lang?

"YOU BITCH! MANG-AAGAW!" Sigaw ng babae na nasa may pintuan pa den.

I looked around, and no ones here except me and that guy.

I laughed a bit, "Am I the one you are calling? Coz I think it fits you better than me," I said and smiled.

"You slu-"

"Don't you dare call her a slut! Wag mo ipasa sa iba ang ugaling meron ka, Thalia." Aniya at hinawakan ang waist ko.

Napatingin naman ako sakanya sa gulat. He smiled and looked at me, na parang may ibang ibig sabihin ng ngiting yon.

"By the way, meet my new girlfriend, like someone who's better than you,"

Grabe naman linyahan at scene na nangyayare sa buhay ko, ano ako isang wattpad character na nasa wattpad world? Gosh.

After he said that, umalis na yung girl na luhaan. Ang harsh nya, pero I think bagay lang den yon sa babae. Nang matauhan, hindi naman na sya gusto pinipilit pa yung sarili. Ano ka tanga?

After ng drama scene, hinarap ko yung guy, "I don't know you, but I am Clay, nagboboy hunting ako mag-isa, but you came, ikaw na ba yung pinadala ng Angel para saken? Ikaw na ba si mister right?" Tuloy tuloy kong tanong na ikinatawa naman ng lalaki.

"Then so be it. I can be the one that you are waiting for," Aniya at ngumiti.

Matangkad sya, payat, moreno, chinito, nakatabing yung hair sa noo, red lips, matangos ilong, tas nakakainlove ngumiti. Parang pasado na sa kind ng mga manloloko at babaero.

Hayst. Easy jowa ah. Nanakit ka lang may jowa ka na agad.

Mukhang mapapadalas yung pagsama ko sa apat.

Shit, Clay, nagkakasala ka sa 99 crushes mo.

_________

I am busy with my phone when Claui enters my room. I didn't bother to look at her, focus lang ako sa phone ko.

Magkachat kase kami ni Jieven, the one don sa bar. Simula kaninang umaga magkachat at magkacall na kaming dalawa.

"Wow, still studying? 6 na kaya," Ani Claui habang gumulong gulong sa kama ko.

I bit my lower lip dahil sa kilig. Grabe naman kase magpakilig si Jieven, as in daming banat halatang babaero talaga eh.

Sinetch itey? Yung kinikilig sa babaero? Gosh!

"You're so cringe, Ate Clay!" Sigaw ni Claui kaya naman nabitawan ko yung phone ko.

At doon nakita nya na may kachat lang pala ako.

She smiled widely, "Kaya naman pala. Lumalandi ang gaga," Aniya habang pinanliliitan pako ng mata.

"Ligo muna bago landi ha? Ang baho mo na eh," Aniya sabay takip ng ilong at umalis sa kwarto ko.

Tss, mali talaga kahit kailan yon. Dapat landi muna, andyan lang naman yung tubig eh. Ang bebe nawawala, ang tubig nandyan lang hindi aalis. Kaya sa nagbabasa gamit den utak ha. Isip mabuti kung ayaw umiyak.



UNIVERSITY SERIES # 3Where stories live. Discover now