" Wala na ba talagang pagasa sa inyong dalawa Par?." Tanong sa akin ni Clay.
" Wala na..." Ayoko nang balikan pa ang taong iyon.
" Pero mahal mo pa?"
" Hindi na noh!!?" Iyong babae na iyon? Mahal ko pa?! Tsk! Asa!
" Aysus...deny pa more..." Nagsisimula na naman siya sa patutsada niya na iyan nang dahil dyan kaya ako napapahamak eh.
" Pwede ba par... ayoko nang mainvolve pa ulit sa kaniya..KAHIT KAILAN.." ayoko na talaga!
" Par.." napalingon ako sa kaniya.
" Ano?" Nakangiti siya ngayon.
" Kung dati ako ang tinulungan mo sa pagkabaliw ko sa asawa ko...ngayon ikaw naman ang tutulungan ko para makahanap ng babaeng mamahalin mo at pakakasalan mo..." Napangiti ako sa sinabi niya.
" talaga par?" Tinapik niya ako sa balikat.
" Oo naman noh! Ako yata ang Best friend mo kaya dapat kahit dito man lang matulungan kita.." da best ka talaga.
Nakita ko naman na nagbago ang expression ng mukha ni par.
" Bakit?" Tanong ko.
" Par...sorry ha.. sorry.." huh?
Napalingon ako sa entrance nitong cafe, dahil doon siya nakatingin.
" Naku!!! Walang hiya ka par!?!! Bakit mo sinabing nandito ako!?!" Humanda ka talaga sa akin!.
Napangiwi siya.
" Eh.. nagpumilit eh, tapos humingi pa ng extrang power sa asawa ko kaya ayan... Par...I'm really really sorry..." psh! Kahit kailan talaga, sila ng asawa niya ang nagpapahamak sa akin eh.
Kalma ka lang Ace, kalma.
" Ahm, sige par..uuwi na ako baka magalit na sakin si wifey ko dahil ang tagal ko hehehe.." sinamaan ko siya ng tingin.
Pagkaalis ni Clay ay akmang aalis na din ako ng hawakan ako sa braso ng babaeng tinataguan ko.
" Can we talk?" Ilang beses na ba niyang sinabi iyan?
" Ayoko..." Malamig na turan ko.
Pagkatapos niya akong paiyakin ng ilang araw, tsk! Bahala siya sa buhay niya.
" Please..." Hindi mo na ako madadaan diyan sa paplease mo.
Kung noon under mo ako, ngayon hindi na.
" Wala na tayong dapat pang pagusapan...dahil TAPOS NA TAYO.." ikaw ang unang nagsabi ng napakasakit na salita na iyan.
" Pl-please... babybooboo, come back to me..." Niyakap niya ako sa likod.
Tinanggal ko nang dahan ang pagkakayakap niya.
" Tigilan mo na ako...Tama na, ayoko na...Kasi sa bandang huli ako lang din ang masasaktan.."
