Feel My Love

221 6 0
                                    

Chapter 52


Agatha's POV

"So paanong nandoon ka? did you planned all of this? did you talked to my workmates?" Nakangiti ito habang hindi inaalis ang tingin sa daan, hawak nito ang manibela gamit ang kaliwang kamay kamay nito, at ang kanang kamay naman ay mahigpit na nakahawak sa akin.

"Mahabang proseso ang nangyari para sa simpleng surpresa ko sayo baby." Para akong kiniliti ng marinig ko muli sa kanya ang tawag niya sa akin noon.

"So how did you planned it?" Napahalakhak ito at kinagat ang pangibabang labi, bahagyang tinignan nito ang gawi ko at saka muling ngumiti.

"Well.. I talked to your Mom two weeks ago." Napasinghap ako kaya hinalikan nito ang likod ng palad ko.

"And?" Saktong naka stop light kaya hinalikan ako nito bigla sa labi.

"Later baby.''

Katakatakang madilim ang bahay namin, samantalang kahit maaga silang natutulog kung hindi naman kami kumpleto pa sa bahay ay hindi na nagpapatay ng ilaw sa bahay. Napatitig ako kay Dylan na tila hindi naman iyon pinansin. Inalalayan ako nito papasok ng bahay namin, bubuksan ko pa lamang ang pinto ay bumukas na ito agad at sinalubong nanaman ako ng isang tugtugin. madaming tao rin ang nandito, ilan sa mga katrabaho na hindi ko naman nakita kanina sa club. Si Mama at si bunso katabi pa nito si Tita Amy, pati na din si Tita Shella, Tito Damon at Caleb.

Mabilis na hinarap ko si Dylan na unti unti ng lumuluha. Nakaluhod ito at inilapit sa akin ang napakagandang singsing. Nasa gitna nito ay isang rose gold diamond. Agad na napaluha ako at pilit ko pinipigilang humagulgol.

Make You Feel My Love by Adele

When the rain is blowing in your face
And the whole world is on your case
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love

"I know I am not your first love, I know that my twin brother were your ex boyfriend, I know you hated yourself because of me. I know that our lovestory is something else, hindi pa nga tayo nagiging official boyfriend girlfriend but now I am asking you for marriage. I know we should take some time before going for marriage but for me? hindi na kailangan."

When the evening shadows and the stars appear
And there is no one there to dry your tears
I could hold you for a million years
To make you feel my love

"I have waited for you for so long baby. It was almost or more than seven years and hindi pa din nagbabago ang pagmamahal ko sayo, kung hindi lalo pang lumalala. Being away from you was hard but it motivates me to be a better man para pag humarap ulit ako sayo handa ka na, hindi na natin iisipin pa lahat ng pinagdaanan natin." pagpapatuloy nito.

I know you haven't made your mind up yet
But I will never do you wrong
I've known it from the moment that we met
No doubt in my mind where you belong

"So baby, can we finally be together, forever? will you spend your life with me? please be my wife. Marry me baby."

I'd go hungry; I'd go black and blue
I'd go crawling down the avenue
No, there's nothing that I wouldn't do
To make you feel my love

The storms are raging on the rolling sea
And on the highway of regret
The winds of change are blowing wild and free
You ain't seen nothing like me yet

Lumingon ako sa mga nasa paligid namin, bakas ang luha sa mga magulang namin pero kita ko na lahat sila ay masaya para sa amin.

"Of course Dylan!"

I could make you happy, make your dreams come true
Nothing that I wouldn't do
Go to the ends of the Earth for you
To make you feel my love
To make you feel my love

Agad na isinuot nito sa palasinsingan ko ang singsing, mahigpit na niyakap ako nito at hinalikan ng malalim. I can feel his love for me and I am really thankful, because finally we are happier.

"Meron pa akong regalo sayo." nakangiting anito.

"Ang dami mo namang supresa sa akin." Napahalakhak ito at inipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Nakatitig ito sa akin at kita ko ang kasabikan sa mga mata niya.

"Because you deserve everything baby." hinalikan ako nito sa noo at pinagdikit nito ang mga tungki ng ilong namin.

Bigla itong lumabas at pagbalik nito ay may dala dala itong puppy. Nanlaki ang mata ko at agad na niyakap ko silang dalawa.

"Bago nangyari ang lahat ng ito ay nangako tayo na mag-aalaga ng aso pero napakadaming nangyari noon. Nung alam ko na babalik na ako rito sa Pinas ay naghanap ako ng mga aso na for adoption, madaming aso akong nakita, pero itong isang ito ang nakabihag ng puso ko. He was sick, anim na buwan pa lang siya at inabuso na siya ng mga unang may-ari sa kanya. He was so lonely and I know we can be his fur parent. Hindi man ganon ka flexible ang schedule natin I know we can still take care of him." Sunod sunod akong napatango.

"We will take care of him Dylan." Pagsang-ayon ko.

"Ako din po! habang wala ka sa bahay ate ako mag-aalaga sa kanya." Ginulo ni Dylan ang buhok ng kapatid ko.

"I know you will.''

Lumapit din sina Mama, Tita Shella, Tito Damon at Caleb sa amin lahat sila ay nakangiti na siyang lalong nagpagaan at nagpasaya sa puso ko dahil alam ko na masaya sila para sa amin at wala na akong mahihiling pa.

Ang mahalaga ay masaya ako, at ang mga taong mahal ko.

"Take care of each other." Seryosong saad ni Tito Damon.

"When i was young, i know that I am not a good man. I have skelatons on my closet. I made decisions and things na nakasira sa mga tao at mga taong mahal ko. I don't regret everything but I learned and i owned it. Be a man, take care of your future wife, understand her and love her unconditionally. Be a great father to your future kids don't be like me" Baling nito kay Dylan habang inihilig naman ni Tita Shella ang ulo niya sa balikat ni Tito Damon.

"I will Dad, hinding hindi ko pababayaan ang mahal ko at mga magiging anak namin." Kinindatan ako nito kaya pasimple kong kinurot ang bewang nito.

Ngumiti si Tito Damon at sa akin naman bumaling. "Take care of my son and love him wholeheartedly. There are times that he is selfish, careless and irrational but he is a good man, I was never a great father but all he ever wanted was to feel love and we failed. Kaya sana huwag mo siya sukuan, huwag mo siya iwanan."

Narinig ko ang bahagyang pagsinhot ni Dylan and I know that he is touched and I know how happy he is.

"Opo Tito I will love and take care of him, hinding hindi ko po siya iiwan."

"Mga anak.'' Bumaling kami kay Mama na nakangiti pero kumikislap ang mga mata bakas ng luha.

"Proud na proud ako sa inyo, I saw how you both grew into a fine woman and fine man, i can see that your love for each other made you both mature and masaya ako mga anak. Masayang masaya ako." Hinalikan ko ito sa noo at pinahid ang mga luha nito.

"Mama, salamat sa lahat. Salamat sa pakikinig sa akin palagi." Hinalikan ni Dylan ang noo ni Mama.

"Huwag po kayong mag-alala hinding hindi po ako papayag na mahihirapan si Agatha, she is my queen."

Napangiti si Mama. "Alam ko iho, alam mo naman na boto ako sayo una pa lang.'' Bumaling ito kay Caleb na nakanguso. "Caleb iho, boto ako sayo para kay Ellie, parang anak ko na din iyo--'

"Tita!" sabay sabay kaming napahalakhak.

_

UPDATE every SATURDAY & SUNDAY 8 PM.

Chasing YouWhere stories live. Discover now