Tinignan niya ako ng masama at bigla na lang siyang ngumisi kay Miracle.

Galit ba siya? Nasasaktan din ba siya katulad ng nararamdaman ko?

Hinanap ko siya sa party kagabi pero hindi ko na siya nakita.. Nagbakasali akong tawagan siya pero nakapatay ang phone niya..

Nang matapos ang party ay nagmadali na akong lisanin ang venue. Kahit gusto ni Miracle na ihatid ko siya sa mansyon nila ay hindi ko na siya napagbigyan. Mas mahalagang makita ko si First kaagad dahil hindi ako mapapanatag kapag hindi ko siya nakita..

Dumiretso ako sa unit niya pero nakailang pindot na ako ng doorbell niya ay walang nagbubukas sa akin ng pinto..

Napaupo ako ang hinayaan ang sarili kong maghintay na namang muli sa kanya gaya ng paghihintay ko sa kanya noon..

I can wait.. —even until forever..

Hindi ko na alam kung anong oras na pero naghintay pa rin ako.. Nakakaidlip na ako sa labas ngunit nanatili pa rin ako.. At sa mga sandaling kagaya nito, bumabalik na naman sa alaala ko ang mga oras kung paano ako nasasaktan habang naghihintay na bumalik siya sa akin..

Isang magandang babae ang gumising sa akin.. Nag-aalala ang kanyang mukha ng tawagin nito ang pangalan ko..

Napangiti na lang ako ng mapagtantong ang babaeng mahal ko pala ang dumating at bumalik..

"Craig?" takang tawag nito sa akin na nginitian ko lang..

Sinadya kong makita ang passcode niya sa unit niya. Gusto ko kasing alamin para madali na lang akong makapunta sa kanya..

Pumasok na kami at tinarayan na naman niya ako..

"I can cook for you.." yan lang ang panlaban ko sa katarayan niya..

"Okay! Bati na tayo.." sabi niya.. Natawa lang ako sa kanya. Basta talaga usapang pagkain ay marupok din siya..

Napangiti akong tumingin sa kabuuan niya. She's really beautiful.. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya kagabi.. Napatingin ako sa suot niya at doon ko lang napansin ang itim na suit..

It must be!

Taka ko siyang tinanong kung kanino suit ang suot niya pero bago pa man siya makasagot, may kumatok na sa pinto niya.. Iniwan niya ako at nagpunta siya sa pintuan para pagbuksan ang taong kumatok.

Who would it be?

Sinundan ko siya at nagtaka ako sa lalakeng nakabungad sa may pinto..

"Clover.." tawag ko dito..

Bigla namang nag-iba ang mood niya..

"What are you doing here?"pagalit na tanong niya.. Why should he ask me like that?

"Ah.. Haha.. Ipagluluto ko si First.." natatawang sagot ko sa kanya kahit nagtataka ako sa inaasta niya..

Tuloy-tuloy lang siyang pumasok na pinabayaan na lang namin ni First..

Nag-umpisa na akong maghalungkat ng lulutuin sa fredge ni First at nakakita ako ng manok! —nagtaka? Kahit ako..

Sumunod si Clover sa akin at prenteng nakaupo lang siya sa upuan..

Napapailing nalang ako sa kanya. Ang lalim niya kasi makatingin..

"You never told us, you're already engage Craig!" malamig niyang turan..

Mapait lang akong napangiti sa kanya..

"It's not important Clover, besides ayaw ko na din naman talaga sa arrangement na iyon." sabi ko habang nilalagyan na ng rekado ang lulutuin kong adobo.. I learned this from Miracle's grandmother..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now