Hindi talaga ’to pwedeng lakarin lang katulad ng subdivision namin.

Ilang minuto pa ay nakarating kami sa tapat ng isang two storey house. Katamtaman lang ang laki noon at hindi katulad sa mga mala-mansiyon na nadaanan namin along the way.

But still, if it’s just a hideout, just a hideout, then this is pure luxury. Knowing that they just come here to practice or to hang out, only rich people can afford it. This house can already fit a family of five or six people.

This is already a 3/4 of Tita Carolina’s house.

Hindi gaanong kataasan ang gate noon kaya medyo kita ang bahay sa loob. The faint sound is surely coming from the inside, I can even see the bright colorful lights. Siguradong hindi naman nabubulabog ang mga kapitbahay dahil ito ngang nasa harapan na kami ay hindi masyadong rinig ang tunog, may distansya pa ang susunod na bahay kaya malamang ay hindi na rinig doon.

Bumaba kami ni Mallory sa sasakyan at pinagmasdan ang ilang kotse na nakaparada rito sa labas. Mallory went in front of the gate and pressed the doorbell. I doubt if someone can still hear that from the inside?

Ilang minuto kaming nasa labas at wala pa ring nagbubukas. Inilabas na ni Mallory ang cellphone niya at may tinawagan. Probably her cousin, Hexon.

Ako naman ay nagmasid lang sa paligid habang pinapakiramdaman ang lumalamig nang hangin.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang gate at iniluwa ang pamilyar na lalaki. “Hex!” Mallory called. Lumapit na rin ako at nginitian si Hexon. He smiled back.

“Long time no see, Hexon,” I said. Last na pagkikita ata namin nito ay noong summer pa. 2nd sem na ngayon.

“Hey, Alec. How are you?” Nagthumbs up lang ako kaya tumaas lang din ang kilay niya.

“Let’s go inside. The birthday boy’s busy entertaining his visitors,” aniya at iginiya kami papasok ni Mallory pagkatapos maisara ang gate.

Habang papalapit ay mas lumalakas ang music na nanggagaling sa loob ng bahay. There are still some cars parked here. The front door is open and few people were busy chitchatting on the portico while holding red cups.

May mga bumati kay Mallory habang papasok kami. Nang tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay mas naging malinaw sa pandinig ang malakas na rock song na tumutugtog sa speaker.

I scanned the whole house. I can see people everywhere. May mga naka-upo sa couch at nagtatawanan. Medyo amoy na sa loob ang sigarilyo at vape. I wrinkled my nose and eyed the food on the side. Sa may hindi kalayuan ay nakikita ko rin ang isang drumset, keyboard at guitars na nakalagay sa isang maliit na platform. Siguro ay doon na nga sila nagpapractice. I spotted their album covers posted on the walls, may mga posters din ng iba’t-ibang sikat na banda.

A musicians’ grandeur hideout, indeed.

Dinala kami ni Hexon sa likod ng bahay at doon may natagpuan kaming pahabang swimming pool. Halos lumuwa na ang mata ko habang tinitingnan ’yon. May swimming pool pa!

Marami pa ring tao at ang iba ay naliligo na. May nag-abot sa amin ng red cups na agad ko namang tinanggap. I sniffed it and immediately knew that it’s whiskey.

Sumimsim ako ron habang pinagmamasdan pa rin ang mga tao. They’re all having fun.

Nasaan kaya sina Rush?

Tatanungin ko na sana si Hexon nang makarinig kami ng hiyawan sa dulo ng pool. I immediately squinted my eyes to see what’s happening. May grupo ron at mukhang nagkakatuwaan. Hinila ako ni Mallory palapit kaya wala akong nagawa kun’di sumunod.

Ludic Selcouth #2: This Song Saved My Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon