Chapter 22 - He's Back

Start from the beginning
                                    

I smiled back at him, “Thank you.” Pagkasabi ko noon saka ako bumitaw sa kamay niya at pumasok akong room.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Masarap sa feeling ang bigyan ka ng compliment pero iba kapag galing sa taong importante sa’yo. Mas doble ang saya.

I went t my assigned seat at nakita ko si Shelby na nakaupo sa tabi ng upuan ko. Nakatingin lang siya sa sahig at parang ang lalim ng iniisip.

“Shelby,” tawag ko sakanya nang makaupo ako sa upuan ko. Nag-angat naman siya ng tingin at biglang nagliwanag ang mukha niya nang makita ako.

“Seri, good thing you’re here na.” nakangiti niyang sabi.

“Kanina ka pa? lumabas kami kanina sa portal. Next time sumama ka sa amin, sobrang enjoy.” Sabi ko sakanya.

“Are you with Ryder?” she asked.

“Yes,”

“So alam mo nang bumalik si Hunter?”

“He told me.” sabi ko lang. May sasabihin pa sana si Shelby pero dumating na ang instructor namin. Nakinig lang ako sa lesson ang thank god walang surprise quiz at baka mangulelat pa ako.

After ng subject, nagkaroon ako ng vacant time kasi PE na at hindi ako hinayaan pang pumasok ni Shelby sa subject na ‘yon at baka raw mapahamak nanaman ako.

So I went to library. Nasa 4th floor siya ng Academic building kaya lumabas ako sa V hall. May mga nadadaaan naman akong studyante at pasalamat akong hindi nila ‘ko pinapansin.

Pumasok ako sa library. I just showed my ID at iniwan ko rin bag ko sa counter. Konti lang ang studyante sa loob at may isag nagbabantay na babae at busy din siya sa pag-aayos ng books.

Nasa history section ako at naghahaap ng puwedeng mabasa tungkol sakanila. May isang libro na medyo nag-caught ng aking attention. ‘What vampires thinks about woman’

Hmm, interesting. Agad ko ‘yong kinuha kasabay ng isa pang libro na hindi ko alam kung ano dahil sa may ancient writing siya at mukhang luma.

Naupo ako sa pinaka dulong part ng library saka ko sinimulan buklatin ang libro. Nasa kalagitnaan na ako nang pagbabasa when I felt someones on beside.

“Reading, huh?” I stared at him. Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa presensya niya. He was wearing his infamous poker face that I usually get annoyed.

“Yeah,” simple kong tugon. Agad kong sinara ang libro sako ako tumayo. Bumalik ako sa book shelves at ibinalik ang dalawang libro na kinuha ko kanina. Naramdaman ko naman na nakasunod lang siya sa akin.

“Iniiwasan mo na ako, gano’n?” I can sense annoyance in his voice kaya agad ko siyang hinarap. Pero agad ko naman ‘yong pinagsisihan kasi ang lapit niya pala sa akin. ‘Yung mukha niya parang nanghahamon at mas nilalapit niya sarili sa akin. Napaatras naman ako at napasandal sa bookshelf.

“A-alis nga diyan!” akma ko siyang itutulak pero nahawakan niya kamay ko. Mahigpit niya ‘tong hawak at nilagay sa gilid ng ulo ko. “H-Hunter…”

“Nawala lang ako ng ilang araw kung kani-kanino ka na nakikipaglandian?!” mariin niyang sabi. Ramdam kong mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko at napapapikit ako sa sakit. I wanted to slap him hard pero hindi ko naman maigalaw isa ko pang kamay dahil nahaharangan ng katawan niya.

“Mag-ingat ka sa binibintang mo!” galit kong hasik sakanya. Mabuti na lang nasa dulong part itong pwesto namin. Baka makagawa kami ng eksena dito nakakahiya.

“And how will you explain this?!” madali niyang pinakita ang pictures sa phone niya. Agad din naman niyang binulsa nang makita ko. At sino naman nagsend ng pictures na ‘yon? Ha! For sure ‘yung mga galit sa akin. They’re making wrong conclusions!

Vampire City 3: Crimson LoveWhere stories live. Discover now