Chapter 29 - Serendipity (Flashbacks//2)

30.9K 811 57
                                    

Chapter 29 – Serendipity (Flashbacks//2)

 (Play the music at the multimedia section ^^ )

That night when Ryder proposed to Serenity ay ang gabi rin na naging sila. Hindi na hinayaan ni Serenity na manligaw pa ang binata dahil lubos na naman niya ‘tong kilala.

Pero pareho nilang napagkasunduan na itago muna ang relasyon nila lalo na’t nag-aaral pa si Serenity. Only Wynnet and Hunter knew about their relationship. Wala namang nagdududa dahil sanay naman ang lahat na lagi silang makitang magkasama.

Kahit naging sila ay wala namang nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t-isa. Parang nag level up lang ang relasyon nila na pina-igting ng lambingan.

Sa gitna nang gubat ng vampire City ay nagtayo si Ryder ng isang tree house at doon sila madalas tumambay ni Seri. Their own haven where they don’t have to pretend. Doon sila madalas after ng class niya.

Naging maayos naman ang relasyon nila. Mas naging malapit sila sa isa’t-isa at mas minahal nila ang isa’t-isa.

“Hija, malapit na ang 18th birthday mo. Sino ang gusto mong maging escort?” tanong sakanya ng mommy niya.

Lihim siyang napangiti.

“Si Ryder po, mommy.” Sagot niya at pilit na tinatago ang kasiyahan. Hindi na naman nagulat ang mommy niya sa sagot niya. Inaasahan na talaga nito na ang kababata ang gugustuhin niyang maging kapareha sa debut nito.

“Kung hindi ko lang alam na magkaibigan kayo baka noon ko pa inisip na may relasyon kayo.” Sabi ng mama niya. Napangiti lang siya. Balak nila ni Ryder na umamin after her debut.

“NATUTUWA ako at ikaw ang first and last dance ko, Ryder.” Masayang pahayag ni Serenity sa kasintahan. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Nasa tree house sila ngayon kung saan sila laging tumatambay.

“Me too, Seri. Me too.” Nakangiti nitong sabi. Napaayos ng tayo si Seri nang maramdaman niyang malungkot ang himig ng boses ng kasintahan. Nakangiti ito pero hindi umaabot sa mata.

“Teka, okay ka lang ba? Bakit ganyan ang hitsura mo?” nababagabag na tanong niya kay Ryder. Hindi siya sanay na ganito ang kasintahan dahil isa itong masiyahin na nilalang.

“Masaya ako, Seri. It’s just that… pinapadala ako ng Elders sa Italy.” Sabi nito tapos tumingin sakanya. “Ayaw kong tumuloy kasi ayaw kitang iwan. Pero kailangan kasi, eh.”

Bahagyang nalungkot si Seri sa sinabi ni Ryder. Kung maari ayaw niyang malayo rito. Pero ayaw naman niyang kalabanin ang nakatataas.

“Okay lang. Kaya kong maghintay, Ryder. Basta ‘wag mo akong ipagpapalit sa mga italyana, ah?” napahagikhik si Seri sa sinabi. Nagbibiro lang naman siya pero hindi niya maiwasan ang hindi malungkot. Hindi pa nga umaalis namimiss na niya agad ito. Bata pa lamang siya kasama na niya ‘to.

“Never. Mahal na mahal kita, Seri. Hindi ko magagawang ipagpalit ka. Always remember that.” Hinalikan siya ulit nito sa noo saka nagyakap.

“Ibibilin kita kay Wynnet. She’ll take care of you… and kuya Hunter.” Sabi ni Ryder. Bigla namang napasimangot si Seri nang marinig ang pangalan ng kuya ni Ryder.

“Kay Wynnet na lang. Alam mo naman na takot na takot ako sakanya, diba?” she pouts kaya natawa lang si Ryder. Noon pa man ilag na si Seri sa nakakatandang kapatid ng kasintahan. Lagi kasi itong seryoso at parang hindi marunong ngumiti.

“You’ll be fine, trust me.” ngumiti siya kaya napatango na rin si Seri. She trust her boyfriend so much. Besides, kapatid siya ng nobyo niya so chance niya na rin siguro ‘yon para mas makilala ang nag-iisang kapatid nito.

Vampire City 3: Crimson LoveWhere stories live. Discover now