"Why?!" matigas pa rin niyang tanong.. Kung iba lang ang sitwasyon ngayon baka humagalpak na ako ng tawa sa harap niya.. "Bakit mo siya tinapunan?!" dagdag nitong sigaw na pinagpasalamat kong nagtagalog na.

Kaboses niya si Babalu kung makasigaw.

"First." takot na tawag sa akin nung mga kaibigan kong lumapit na din sa pwesto namin.. Galit na galit na kasi ang mukha ni babalu..

Huwag lang talaga siyang yumuko dahil baka siya ang unang mabiktima ng talim niya.

Balak pa niya akong hawakan ngunit napalingon na lang kami sa bagong dating na mga impakto..

Bwesit nagkandaloko na! Bakit ngayon pa!!

Mabilis na lumapit si Craig sa harap ko at tinabig pa niya ang nakatayong si Babalu..

Napanganga ako sa harap niya.. Nate-tense na ang buong kalamnan ko titig pa lang niya..

Hindi siya makapaniwala sa reaksyon niyang nakita akong muli at nagtataka pa siyang bumaling sa gawi ni Miracle..

Hindi ba niya alam?

"First." mahina niyang tawag sa akin na nagpabalik ulit ng mabilis na pintig ng puso ko..

Pilit kong kinubli ang epekto niya pa rin sa akin kapag nagkalapit kami.. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang gusto ng tumalon papunta sa kanya! Takte.. na-miss ko din siya pero hindi na kami pweding bumalik sa dati..

"Craig." tawag ni Miracle sa kanya pero hindi man lang niya nagawang balingan ito ng tingin..

Akala ko ba masaya na silang magkasama.. Ang saya pa nga nilang tignan noong nakaraang araw.

Tumalim ang tingin ko sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.. —hindi ako bitter.

Lalayo na sana ako sa kanya pero mabilis niya akong napigilan at hinwakan niya ang kamay ko.

"First., Let's talk please." mahina pa rin niyang sabi.. Let's talk? Parang familiar..

Singhapan at bulungan ang naririnig ko sa mga tsismosang studyante dito sa canteen..

May napapa-ohh pa! May napapa-may at ang huli —gosh! Takte hindi na lang kaya nila isahin ang pagkakasabi nila. Nilingon ko naman kung sino ang nagsabi non. Ang kingena.. ang tatlong lukaret kong kaibigan lang pala. Tsk.. nakisali pa sila sa mga tsismosa.. Mga tatlong bibe talaga..

Tatanggalin ko na ang kamay niyang nakahawak sa akin pero mas lalo lang niya itong hinigpitan ng hawak. Bwesit hindi ako makatakas.

Binalingan ko siya at ganun pa rin ang binigay kong tingin sa kanya. Matalim.. yung tagos hanggang sa likod niya.. Andun kasi si Miracle na nakatangang nakatingin lang sa amin..

Tanga! Bakit hindi niya kaya bawalin ang boyfriend niya. Teka! Boyfriend na niya kaya ito?

Taas-kilay ko lang na tinignan si Miracle at binigyan ng tinging patigilin mo tong kumag na'to look pero ang impakta. Slow ang bebe niyo. Wala man lang ginawa..

"Bitawan mo ko Craig." may diing sabi ko..
No. Hindi na kami pweding magkalapit pa.

"First.. Please.. —talk to me. I miss you.." mahinang sabi niya na sakto lang na kami lang ang makarinig...

Bumuntong hininga muna ako bago ko siya seryosong tinignan.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Craig.. si Miracle na lang ang kausapin mo 'wag ako." seryoso kong sabi sa kanya habang iniiwasan pa ring makalikha ng malakas na boses..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang